Chapter 11

5.2K 205 13
                                    

Damo's POV

"Maghahanap lang ako ng gagamitin ko next game, Nike shoes muna kahit cheap," sambit ni Thirdy kay Lee.

Nagtungo sa side ng Under Armour si Lee, mukhang hindi niya ako napansin at dumiretso naman dito sa lugar namin ni Shane si Thirdy.

"Grabe ang tangkad niya sa personal, DJ ang gwapo ni Thirdy.........sapat na ang makita ko siya," ang natutunaw na si Shane sa tabi ko, ewan ko ba kung kakampi ko ito o hindi dahil alam naman na niya kung gaano ako ka-bwiset sa topak na ito.

"Umayos ka Shane!" naiinis kong bulong sa kanya...at saka niya inilapit ang bibig sa aking tainga habang nakatitig sa pulang Hermes shorts at sa hinaharap ni Thirdy, "DJ daks.........." tinignan ko sa mukha ang kaibigan ko, halos maglaway na pala ito. "Hoy, sabi umayos ka!" sabay kurot sa kanya tagiliran nang mahimasmasan ito.

"Wala ba kayong limited edition?" si Thirdy nang makalapit na ito sa amin, at ang mga mata niya ay na kay Shane. Mukhang maayos naman pala makipag-usap 'tong topak na ito.

"Sir, tanungin mo siya," ang tarantandong si Shane, siya ang tinanong at ako ang itinuro nito... "Bye friend, asikasuhin ko lang 'yong isang customer doon mukhang may hinahanap na size..." si Shane na nagmadaling nilapitan si Warren Lee.

"Mga bingi ba ang staff dito???" medyo pissed off na boses ni Thirdy.... Yayyy, akala ko good mood siya.

"Pasensiya na Sir, wala po kaming limited edition," sagot ko (haaaay, napaghahalatang ayaw magsuot ng walang katulad, at kung wala nang choice ay limited edition ang gusto, haay buhay).

"Fine, give me the most expensive pair of basketball shoes," at naupo na ito sa sofa kung saan nagsusuot ng sapatos ang mga customers. Hmmmm, mukhang hindi niya ako nakilala, mabuti naman.

"Anong size po Sir?" hindi nagsalita si Thirdy, itinaas lamang nito ang kanyang kaliwang paa pagkatanggal niya sa kanyang mamahaling tsinelas habang busy sa pagkakalikot ng kanyang iPhone.

"Sir????"

"Sukatin mo, hindi ko alam, bilis nangangawit na ako!" tang-ina ito ah, sukat ng kanyang paa hindi niya alam, buti nakakapagpigil pa ako ngayon.... Oo nga pala, customer is always right, pucha!

"Sa tingin ko po nasa size 12 po ang paa niyo Sir, pwede niyo na pong ibaba ang paa niyo," at hindi ito nagsalita buti nakakapagtimpi pa talaga ako sa kanya, haaaay! Kinuha ko na ang most expensive na Nike basketball shoes, buti may mga new arrival kami.

Napansin ko sa kabila, si Shane na super entertain kay Warren Lee ngunit kita kong hindi kinikibo ni Lee si Shane, hahaha. Totoo nga ang sinabi sa akin ni Paris na malamig at snob sa hindi kaibigan o kilala si Lee. Kung ako sana ang umaasikaso kay Lee baka kausapin pa ako nito, at ito na nga nakita na niya ako. Napangiti siya sa akin, kumaway ito na tila tinatanong kung mayroong size ang t-shirt niyang hawak. Parang wala si Shane sa tabi niya, hala siya. Lee pansinin mo kaya si Shane. Hahaha.

"Ano ba???? Ba't ang kupad mo????" boses ni Thirdy sa aking likod mukhang napansin niyang ibang customer ang nilalaanan ko ng pansin. Hindi ko na inintindi ang hinaing ni Thirdy, nagpunta na lang ako ng stockroom para kunin ang size 12 na new arrival namin.

"Heto na po, pasensiya na..." hindi nagsalita ang gago nang ipatong ko sa mesa ang sapatos. Ipinatong naman niya sa maliit na silya ang kanyang paa (ano ang gusto niya, isuot ko ang sapatos sa paa niya???).

"Ano na??? Isuot mo na, dali!" hala grabe siya, ano ako tagapagsilbi niya??? Kita kong iginagalaw-galaw nito ang kanyang paa mukhang nananadya o pinagtri-tripan ata ako nito ah, "isusuot mo o hindi???" ang naiinip niyang tono. Baka gusto niya sampalin ko siya ng sapatos ng left and right, hmpf!!!

The Fall of Achilles (BL Series)Where stories live. Discover now