Chapter 56

4K 178 18
                                    

Damo's POV

"Huwag mo na akong isipin DJ," napahinga ito ng malalim. "Hangga't maaari, layuan mo ang tagapagmana ng SD Group, masisira ang buhay mo sa kanya! Umalis ka na sa Ateneo!" ba't ito ang sinasabi niya sa akin??? Naguguluhan ako.......

"Hoy!" si Papa na kararating, idunuro niya si coach at napagtaasan niya ito ng boses. "Wala kang karapatan na sabihin 'yan sa anak ko! Mabuti na lang at nailayo ka namin sa kanya! Idedemanda ka namin, mabubulok ka diyan sa kulungan!" galit na galit na si Papa.

"Pa, tama na....... walang kasalanan si coach!" hinawakan ko ang braso ni Papa at inilabas na papunta sa reception ng presinto.

"Huwag ka nang lalapit sa kanya anak, mapanganib siya!" nanggagalaiting si Papa. Nadatnan naman namin sa reception si Mama at si Ninang Matmat na dala-dala pa ang kanyang korona na napanalunan sa It's Showtime..... Napailing na lamang ako dahil kita kong busy ang mga ito sa pakikipag-selfie kay Lee at kuya Jerrold. "Andaya niyo, ako rin!" si Papa sa kanila na biglang change ng mood, napakamot na lamang ako sa aking ulo, haaaaay!

"Jayson tara na," kinuha ko ang kamay ni bunso at nagmadaling lumabas ng presinto, at 'yon, sinundan din nila kami.

-----




Nang makasakay na ang aking pamilya ng taxi pauwi ng Payatas ay nagtungo na kami sa restaurant kung saan kami inimbitahang kumain ni kuya Jerrold. Gustuhin man daw nila Papa na sumama sa amin pero may importante silang kakaharapin sa aming lugar, mukhang seryoso na kasi ang may-ari ng lupa sa pagdedemolish ng mga kabahayan sa aming lugar. Hindi rin sumama si bunso dahil dumaing ito na masama ang pakiramdam. Medyo late ang lunck break namin kanina sa conference, at hindi na rin kami nakasama sa salo-salo ni kuya Jerrold kaya ramdam na naming dalawa ang gutom.

"Magugustuhan mo ang pagkain doon DJ," si kuya Jerrold sa aking tabi. Si Lee naman ay nasa harap ng sasakyan tabi ng driver na tahimik habang nakaharap sa iPad.

Pagdating namin sa restaurant ay kaagan nang nag-order ng food si kuya Jerrold, at ilang sandali lang ay dumating na ang isang lechon de leche! Wow, naglaway pa ako! Grabe kung sumama ang pamilya ko ngayon baka mamamatay ako sa hiya kay kuya Jerrold, paborito kasi namin ito, hehehe.

Habang kumakain kami, parang kami lang ni kuya Jerrold ang nag-uusap dahil si Lee ay busy sa kanyang iPad habang kumakain ito. Napag-usapan na nga namin ang pagkahilig ko sa Taekwondo, lahat ng paborito namin, nakapagpa-fansign na nga ako sa kanya. Si Lee ay busy parin, nang silipin ko ang iPad niya ay kita kong ino-organize pala nito ang bidding sa isinuot naming damit ni Thirdy kanina.

Nang maubusan na kami ng topic ni kuya Jerrold ay napa-browse na rin ako sa aking smart phone para magcheck lang sa Facebook.

Mga update sa fanpage ni Thirdy ang mga nakita ko, narito na rin ang tungkol sa Eroplanong Papel Foundation.

Hmpf, ano naman ito??? Nagsalubong bigla ang kilay ko sa larawang nakita ko sa newsfeed. Kung ipulupot ng babae ang sarili sa braso ni Thirdy parang tuko, hahaha, nagpipigil na lang ako ng tawa habang nagbro-browse pa ng newsfeed ko sa Facebook, bigla kasing nag-upload ng mga larawan sa conference si kumag na dating pineapple head. Napapaisip ako kung sino itong babae sa tabi niya??? Aaaaah, ito iyong Miss Universe Philippines 2016, napansin ko siya kanina, nasa conference siya...... Browse, browse, browse hanggang sa........ hala, tsk! Ba't ko napindot ang angry reaction, dapat haha reaction, tsk! Sana hindi makita ito ni kumag, mapalitan nga ang angry sa haha. At nang pindot-pindotin ko ang haha reaction ay ayaw nito, naubos na yata ang data ko! Hala! Sa dami ng likers niya ay sana nga hindi niya ito mapansin!

"Ano 'yan tinitignan mo DJ? Parang hindi ka sangayon sa nakikita mo, hehe..." si kuya Jerrold habang kumakain na napapangiti.

Uminom muna ako ng juice, "aaah, wala ito kuya.... ang ganda kasi ng tuko, hehehe," saka ko inilapag ang cellphone ko sa mesa.

"Mga pictures naman sa conference iyan," si Lee na nakatanaw sa cellphone ko, haist, mali ako ng pagkakalapag.

"Ano ba, sa tingin mo nagbibiro talaga ako? Paano kung sasabihin ko sayo na gusto talaga kita at gustong-gusto kitang mahalin??? Paano kung sasabihin ko rin sayo na gusto kong maging nobyo mo ako, at kaya kong gawin at ibigay ang lahat sayo???" boses ni kumag sa isipan ko habang tinitignan ko ang mga larawan na kuha pagkatapos ng conference. Pilit kong tinatanggal ang angry reaction sa picture nila ng Miss Universe Philippines 2016 pero ayaw.......... baka isipin niyang nagseselos ako, haaaaaaay, no way!

Napatingin ako kay Lee, tinignan din niya ako na parang nagegets niya ang sinasabi ng aking mga mata, "wala kang internet???" aniya. Wow, ang talino talaga niya! Tumango ako ng dalawang beses. Pa-conect nga ng hotspot Lee, bago makita ni kumag 'yong reaction ko, lumaki pa ang ulo noon, bilis Lee!

Pagkalapag ni Lee ng iPad niya sa mesa, "pa-connect ng internet mo," tila nagsusumamo kong saad, nangiti lang si Lee sa akin at saka nagpunas ito ng bibig, tapos na siyang kumain. Nang i-check namin ang connection ni Lee ay ayaw nito sa akin, haaay!

"I think may wifi sila dito," si Lee at saka niya tinawag 'yong waiter.... and thank God naka-connect din ako.

"Parang between life and death ang pangangailangan mo ng internet connection DJ, sino ba 'yang nami-miss mo at kailangan mong maka-connect sa internet?" nagbibirong si kuya Jerrold, nagawa pang mang-intriga sa akin.

"Wala kuya, ka-chat ko kasi si Shane, 'yong kaibigan ko....." nakita kong nag-browse din ito ng kanyang cellphone.

"Ahahaha," malumanay na pagtawa ni kuya Jerrold, "Lee, DJ, look at Thirdy's status...." nanlaki ang mga mata ko sa pinost ni kumag sa kanyang Facebook page!

"Lalabs ko, huwag ka nang angry, we are just friends!" halos mabilaukan na ako sa nginunguya kong lechon sa nabasa kong status ni Thirdy sa kanyang fanpage, mabilis kong dinampot ang baso ng ice tea sa gawing kaliwa ko, at nilagok ko ito ng mabilis.

"Ice tea ko 'yong ininum mo," si Lee na natatawa sa akin.

"Ice tea ko 'yong ininum mo," si Lee na natatawa sa akin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
The Fall of Achilles (BL Series)Where stories live. Discover now