Chapter 44

5.3K 213 20
                                    

Thirdy's POV

"Damo," bigkas ko sa kanyang pangalan, madadama nito ang matinding pagnanais ko sa kanya.

Napasandal siya sa closet nang humakbang pa ako papalapit sa kanya, napahinga siya ng malalim, hindi mawari kung anong gagawin ko sa kanya......ang mga mata ko'y seryosong nakatitig sa kanyang mukha....... Hanggang sa iangat ko ang aking kamay, at hinaplos ang kanyang pisngi, "Damo Dela Cruz Jr. mahal kita........"

Inilapit ko ang aking mukha sa kanyang mukha, napapikit siya nang ilapat ko ang mainit kong labi sa kanya.........at naramdaman ko ang pagganti nito sa aking paghalik.

Naglakbay ang aking mga kamay sa mainit niyang katawan, at ang kanyang mga paghaplos ay nanaig din sa aking pakiramdam. Kay bilis ng tibok ng aking puso na nagsasabing mahal ko siya habang damang-dama ko ang init ng kanyang pagganti sa aking mga halik....

"Thirdy okay ka lang?????" bigkas ni Damo nang lumapit ito sa akin. Nahimasmasan ako nang marinig ko ang kanyang boses..... Haaaaist! Hindi ko mawari sa aking isipan kung ba't sumaglit sa imahinasyon ko ang ganoong sandali......

Napasandal ako sa pinto ng banyo. Ang lakas-lakas ng pagpintig ng puso ko na tila sasabog ang aking dibdib. Kinabog-kabog ko ito habang napapahinga ako ng malalim.

"Okay ka lang???" umupo ka muna, inalalayan niya ako sa may upuan. Nakita naman niya ang fridge at nagmadaling kumuha ng malamig na tubig doon.

"Salamat," pagkabigay niya ng bote ng mineral water, "nagkakaroon na naman ako ng palpitations, magiging okay rin ako," sambit ko. Natuwa ako dahil naramdaman ko ang pagiging concern niya.

"Baka nasosobrahan ka na siguro sa mga energy drink, huwag masyado dahil mataas ang caffeine content ng mga 'yon...." sinasambit niya pero tila hindi ko naririnig dahil kinakalma ko pa ang sarili ko. Whew!

Inubos ko ang tubig at napatitig sa sahig habang napapaisip ng malalim....... Haaaaay, ba't ba pumasok sa imahinasyon ko ang pangyayaring iyon kanina??? Nakakahiyang isipin at aminin sa sarili ko.....na gusto ko itong tao na nasa tabi ko ngayon, na gusto ko......siya ang una ko, hindi lamang sa pag-ibig dahil pati na rin sa........ haaaaay!

Napatingin ako kay Damo, napagmasdan ko ang kanyang hitsuran ngayon.....wala siyang damit pang-itaas dahil nagsusukat ito ng kanyang isusuot mamaya sa conference....

Thirdy, maputi at mukang makinis ang kanyang balat, ang pupula pa ng nipples niya oh, ang kanyang balikat, leeg, ang mapupulang labi niya..... Thirdy, ano pa ang hinihintay mo.....sunggaban mo na siya! binubulong ng kung anong meron sa utak ko.

"Ano ba!!! Kung ano-ano ang sinasabi mo!"

"Sinasabing alin????" pagtataka ni Damo pagkabalik niya ng short sleeves ni Lee sa closet. Kung ano-ano kasi ang ibinubulong ng madumi kong isip! Hahaha.

"Wala.....may tumatakbo lang sa isip ko...."

"Naku," napailing pa siya.... "Thirdy, sintomas na 'yan.... ahahahaha!" biro nito sabay tawa. Bigla naman itong natigil nang mapansin niyang nakatingin ako sa katawan niya. Na-conscious si Damo at kaagad niyang dinampot ang damit na ibinigay ko sa kanya.

"Siya nga pala, isusuot ko na itong damit na ipapahiram mo sa akin??" aniya na parang nangungumpirma ang boses kung bigay o pahiram ko lang ito sa kanya.

Napatayo ako bigla, anong ipapahiram??? Sa kanya na ito dapat! Kamuntikan pang mahulog 'tong tuwalya ko, mabuti nahawakan ko, otherwise......na welcome siya bigla ni Darren Sy IV! Magugulat ito sa kisig, sa tigas at sa laki nito..... Fuck, I'm having a hard-on, uuurrggghhh! Tinakpan ko ito bigla!

The Fall of Achilles (BL Series)Where stories live. Discover now