Chapter 5

6.2K 211 12
                                    

Damo's POV

"Shane, maiwan na kita....uwi na ako.... ayoko ng ganito, pahiram ng isa mong phone, ibabalik ko bukas..." paalam ko kay Shane...at saka niya inabot ang kanyang smart phone habang tinatakpan ko ang aking mukha sa mga journalist.

"Sige DJ, dumaan ka na lamang sa likod...." suhestiyon ni Shane, mabuti na lang may daanan sa stockroom papalabas ng fire exit. Hindi naman nila ako pwedeng sundan dahil restricted area ito.

Paglabas ko ng mall ay mabilis kong naiwasan ang mga paparazzi at nakasakay kaagad ako ng taxi.

Habang lulan ako ng taxi, napapaisip ako kung saan na ako pupunta ngayon.... Una kong pinuntahan ang lugar namin dito sa Loyola Heights, sa lugar namin nila Ninang Matmat subalit mayroong naka-stand by na mga press doon kaya naisip kong dumiretso na lamang ng Payatas at tinawagan si Papa. Nakauwi na siguro sila Papa sa Payatas, at mabilis naman niyang sinagot ang tawag ko.

"Pa ako 'to," pagod at tamad kong tinig sa telepono.

"Anak....mabuti at tumawag ka.... Nasaan ka ngayon???? Ba't ka biglang nawala kanina??"

"Nakasakay ako ng taxi..... Pa, wala bang mga journalist diyan sa bahay???" malungkot kong boses.

"Wala anak.....bakit anong nangyari????"

"Dinagsa ako kanina sa mall.... Halos dalawang oras na akong nakasakay ng taxi at malaki na ang bill ko....."

"Saan ka ba nagpunta, at sobrang nagalala kami sayo????"

"Pa, kaya hindi na ako nakabalik kanina dahil hinabol ako ng dalawang estudyante nang dahil sa video na kumakalat....."

"Huwag kang mag-alala anak ginagawa na ang lahat upang ma-banned ang video mo sa kahit anong social media websites...." tinig ni Papa na parang sigurado siyang maayos na ang problema.

"Papaano niyo 'yon gagawin???"

"Basta anak, umuwi ka na rito sa bahay.....marami tayong pag-uusapan."

-----






Nakakapagod iwasan ang mga press, kanina sa may waiting shed ay may nakaabang pa doon, hanggang dito pa talaga sa Payatas ay susundan ako, at kaya nilang sikmurain ang amoy dito sa lugar namin makakuha lang ng balita o ng kung anong impormasyon sa akin??? Mabuti na lang at nakatambay ang mga sunog baga naming kapitbahay sa may store at pinabulabog ko sila sa mga ito hanggang sa magkusang umalis ang mga journalist.

"DJ, mukhang puntirya ng mga journalist ang Ateneo, at sa tingin ko ipinadala ang mga 'yan ng mga karibal nila sa UAAP, by all means they want Ateneo down," ang text message sa akin ni Shane habang naglalakad ako rito sa gilid ng kalye pauwi sa aming bahay.

Natatanaw ko na ang malaking karatula ng aming junk shop "DJ Dela Cruz Recycle Shop, bote, bakal, plastic at iba pa..." napa-chant tuloy ako habang naglalakad, talong-talo ko pa ang mga taga Ateneo.

Nanlaki ang mga mata ko nang mapansin ko ang tatlong magagarang sasakyan sa harapan ng aming bahay, at may mga lalaking naka-suit na nakatayo sa gilid ng mga ito. Hindi naman sila journalist kaya hindi ko na sila pinansin at pumasok na lamang ako ng gate namin.

"Bahay na po ako," pagbukas ko ng pinto, at nagulat ako nang bumulaga sa akin ang buong pamilya ko kasama ang isang lalaking naka-suit din, nasa early 40's siguro ito, maganda ang built ng katawan at mukhang kagalang-galang ang dating.

"Nandito na siya, nandito na siya!" nae-excite na boses ni Papa...

"DJ anak, siya si Mr. Sumulong, batiin mo siya anak...." si Mama na tila nanalo ng loto ang tinig.

The Fall of Achilles (BL Series)Where stories live. Discover now