Chapter 22

4.8K 209 4
                                    

Damo's POV

"ANO?????" sila Mama, Papa at Ninang Matmat, ambibilis nilang lumapit kay Jayson.

"Grabe ang bangis ni kumareng Aida! Talaga ang mga kabataan ngayon, mapupusok na!" si Ninang Matmat na madaling inagaw ang cellphone at siya na ang nagbasa ng balita.

"Isang lalaking estudyante ng Ateneo ang pinaghihinalaang nagkakalat ng nakakahawang sakit, nang dahil sa problemang pinansiyal ay nagawa nitong magbenta ng laman, balibalitang iba't ibang customer ang nakakatalik nito sa halos gabi-gabi niyang pagpasok sa mga bar at condominium units sa Bonifacio Global City kung saan nakikipagtalik ito sa grupo na kung tawagin ay orgy sex!"

Mukhang hindi pro 'yong gumawa ng balita, paninira lang iyan sa Ateneo, hindi lang kasi nila matalo ang koponan ng Blue Eagles, at ang mga tao naman dito sa bahay ay andadaling mapaniwala sa mga reaksyon ng mukha nila, haaaaay!

"Makakalbo ko ito kung anak ko 'yan, mabuti na lang hindi ganyan ang pagpapalaki ko sa inyo...." si Mama na halos hindi makapaniwala sa balita, at nagpatuloy pa si Ninang Matmat sa pagbabasa, "hinihinalang isang first year student ito at kabilang sa varsity team....."

"Hala, anak.....kasing edad mo lang siguro ito, ilan ba kayong first year sa varsity??? Kilala mo ba ito???" si Papa na sobrang curious, at hindi parin makapaniwalang reaksyon. Masama na ang kutob ko sa ginawang tsimis na ito.

"Itago na lang natin sa pangalang CHONGKI ang salot na ito," nagulat pa si Ninang sa nabasa niya, "kung makasalot naman sila grabe!" sabay abot ni Ninang ng cellphone kay bunso.

"Chongki???" si Mama na napapaisip, "aha, Chong siguro ang apilyedo nito at nagsisimula sa leter K ang pangalan??"

"Saglit lang, Chongki???" si Papa, "sounds like......marijuana???"

"Iyan ba 'yong illegal na damo???" wild guess ni Ninang.

"DAMO agad???" sabay pa kami ni Papa kasi parehas kaming Damo ang pangalan.

"Haaaaaay, ba't ito nangyayari sa mga taga Ateneo, anong klaseng pagpapalaki ang ginawa ng mga magulang ng batang ito.......kawawa naman," si Mama at kitang-kita ang pagiging affected nito sa tsismis.

"Hindi 'yan totoo, tsismis lang 'yan....isang malaking HOAX ANG BALITANG IYAN!" napataas tuloy ang boses ko.

"O anak ba't ganyan ang tono mo?" si Mama.

"Napaka-gullible niyo kasi, kumain na nga tayo......."

-----







Martes, 7:00 AM kami nakauwi nila Ninang dito sa La Vista, magpapalit na lang ng uniform si bunso, at kukunin ko na lamang ang bike ko (ang bago kong bili).

Papalabas na ako ng eskinita namin nang may mapansin akong isang mansanas sa gilid. Hmmmmmmm? Nagtapon na naman ba si Thirdy dito kagabi?? Natawa ako, mabuti na lang wala kami dito kagabi, "akala mo ha!" habang nakatingala sa penthouse ng gagong iyon. Pinulot ko ang mansanas at nagbabakasakaling madaanan ko ang pineapple head na 'yon sa may parking area.

Ahahahaha! Napapa-demon laugh tuloy ako sa aking isip nang makita ko si Thirdy sa may parking area, mabilis akong nag-bike patungo sa kanya, hindi ko na ito binati, at binato ko na lamang ito ng mansanas.........ngunit bigla akong na-out of balance nang mabitawan ko ang hawakan ng bike ko sa pagbato ko kay Thirdy. Kita kong nakailag ang pineapple head na 'yon, at akala ko ay babagsak na ako sa simento pero nakontrol ako ng dalawang kamay ni Thirdy.

Tinulungan niya ako??? Nananaginip ba ako???

"Ayan kasi, ako pa ang inatupag, hayaan tuloy muntik nang madisgrasya..." kakaiba ang tono nito, mukhang kalmado. Aaaaaah, alam ko na....... "Salamat ha??? Ipagpatuloy mo lang ang pag-inom ng gamot nang hindi ka parating sinusumpong ng pagkatopak mo," sambit ko sa kanya at mabilis na akong nag-bike papuntang university.

"Gagong 'to ah, tinulungan na nga, ganyan pa ang sasabihin!!!! Hoy, ikaw ang baliw! Humanda ka mamaya sa akin," ang pikunin niyang tono, natatawa na lang ako habang nagbibisikleta papalayo sa kanya. Nang mapalingon ako sa kanya ay kita kong pasakay na ito sa sasakyan nila Sol.

Malapit na ako sa Gate 3 ng university nang biglang may madaan na itim na sasakyan, napalingon ako rito dahil nagbaba ng binta ito. Nakita ko sila Menard, Sol, at Thirdy sa loob ng sasakyan, at mukhang may binabalak silang hindi maganda........hanggang sa bigla na lamang akong batuhin ng mansanas ni Thirdy pagkakagat niya nito, at sa kamalasmalasan ay tinamaan ako sa noo......at sa pagkaka-headshot niya sa akin ay bigla akong nahilo at na-out of balance, "Wooaaaaaaa...." hanggang sa patagilid na akong babagsak. "Aaaaaaaaaaaaah!"

"Aaarrgghhh...kung saan-saan kasi nakatingin, hindi tinitignan ang dinaraanan........aaarrrgghhh, napilayan yata ako sa sobrang bigat mo......" pamilyar na boses ng lalaki na siyang nakahawak sa baywang ko. Teka lang, wala naman akong napansin na lalaki dito kanina?? O kay Thirdy lang ako nakatingin kaya hindi ko napansin ang lalaking ito. Ramdam ko ang init ng kanyang katawan, para siyang nakayakap sa akin mula sa aking likuran! At dama ko ang nakakulong niyang mga braso sa akin habang nakaupo kaming dalawa sa simento......

Hanggang sa nanlaki ang mga mata ko nang makita kong si Warren Lee Gokongwei ang tila nakaakap sa akin! At mula sa loob ng sasakyan ay kitang-kita rin nila Sol, Menard at Thirdy ang hitsura naming dalawa!



To be continued....

The Fall of Achilles (BL Series)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang