Chapter 61

8.4K 371 486
                                    

Paris Buencamino's POV

"This is an emergency! Bakit hindi niyo ako dalhin sa operating room??!!!!" halos magwala na si Sim nang ipahiga siya sa trauma stretcher dito sa emergency room ng pinagdalhan ko sa kanyang hospital, ang De Loyola Medical Center, isa sa mga medical complex na pagmamayari ng SD Group, within the university belt lamang ito kaya mabilis kong naisugod dito si Sim.

Hinaplusan ko ang kanyang noo, ipinaramdam ko sa kanya ang mainit kong pagkalinga, at tumahan ito ng kaunti. Ngunit halos gusto ko nang damputin ang nakikita kong scalpel sa dulo, natutukso na akong gilitin ang kanyang leeg, napahinga na lang ako ng malalim.

Kinalma ko ang sarili ko.......at nang pagmasdan ko si Sim ay nanumbalik sa aking balintataw ang mga atraso ng High Five sa aking mga kaibigan, pamilya, sa taong pinakamamahal ko, at sa akin.

Hindi alam ni Sim na sinadya kong isiksik ang condom sa loob ng kanyang butas, ganti ko na rin ito sa ginawa niya sa mga kaibigan ko sa Antipolo!

Isang buwan na rin ang nakalipas, sila Gringgo Zobel, Nikko Gatbonton, at Mark David Capistrano ay ang mga biktima mo, sigurado ako Sim....... natatandaan mo pa kung ano ang ginawa mo sa kanila! Sa limang leader ng High Five, kayo na lang sana ng kapatid mo ang walang record sa akin ngunit nang pahirapan mo ang mga kababata ko, mas lalong tumindi ang galit ko sa inyong lima! Naging daan ko ang kaibigan kong si John Lloyd nang malaman kong may reunion ang mga ito sa Antipolo, timing nang malaman kong dinala ni Sim ang mga kaibigan ko sa kanilang hideout. Kilala ko na si Damo Dela Cruz Jr. dahil estudyante siya ng tiyuhin kong si Fred Dela Paz, ang asawa ng Tita Margarette ko. Si DJ ang naging kasangkapan ko. Ako ang nag-utos kay John Lloyd na papuntahin niya si DJ sa bakanteng lote na malapit sa lumang Mang Pepe's factory, ang hideout ng mga High Five. Nagtagumpay naman ako sa pagtulong sa mga kaibigan ko dahil hindi ako nagkamali kay DJ, natunton niya sila Sim at nasaklolohan niya sila Nikko, Gringgo, at Mark David.

At ngayon....... si Damo Dela Cruz Jr. na ang pinakamalakas kong piyesa sa laro, at ang nag-iisa kong alas laban sa mga High Five!

Patuloy lang ang paghaplos ko kay Sim....... Sige kumalma ka lang, damhin mo ang mainit kong kamay na balang araw ay siyang kikitil sa mga buhay niyo!

Napaismid ako nang maalala ko ang mga atraso ng High Five............ Kahit tinulungan ako ni Warren Lee Gokongwei na makapasok ng Ateneo De Manila University, hindi ko parin siyang magawang patawarin...... Oo second courser ako, at mahihirapan din akong pumasok dahil drop-out ako ng De La Salle, ngunit madali para sa isang Warren Lee Gokongwei na gawin akong varsity at scholar ng unibersidad. Kahit naging marangya ang buhay namin nang dahil sa pamilya ni Menard Razon Jr., panghabambuhay na itong puot ko sa kanyang pamilya. At kay Darren Sy III, kahit maubos ang kayamanan nila kapalit ng nangyari sa pinakamamahal ko, hindi matutumbasan ng yaman ng mga Sy ang galit ko sa kanya...... at kung gaano ako kauhaw sa paghihiganti sa mga leader ng High Five........... hindi nila alam kung gaano ko sila nais mabura sa mundong ito!!!!!!!!

Muli akong napahinga ng malalim nang maalala ko ang mga mahal ko sa buhay na kanilang biktima.......... Christelle...... Pa..... Max........ malapit na, maisasakatuparan ko na ang lahat ng plano ko........

Ibang-iba pala ang pakiramdam kapag nakikita mong nahihirapan ang isa sa mga leader ng High Five, ang sarap sa pakiramdam! Magdusa ka Sim, wala pa iyan sa kalingkingan ng mga ginawa niyo!

"Aaaarrrggghhhh!!! Ang sakit!!!!" ang umaalingawngaw na pagdaing ni Sim dito sa emergency room. Kinapa kasi ulit nito ang kanyang butas, alam na nga niyag hindi niya matatanggal ang condom gamit ang daliri niya. Ang tigas ng ulo! Pero sige lang Sim, saktan mo lang ang sarili mo!

The Fall of Achilles (BL Series)Where stories live. Discover now