Chapter 39

9.7K 423 284
                                    

Thirdy's POV

"Natutuwa ka pa talaga! Anong klaseng tao ka ba????? Saang planeta ka ba galing?????" napangisi ito habang pinapahid ang kanyang mga luha...... "Kagabi, nang makakita ako ng bulalakaw, hiniling kong sana........hindi ka na maging miserable nang maging payapa naman ang mga tao sa paligid mo! Nakakaawa ka!"

Biglang umusbong ang matinding emosyon sa aking dibdib nang marinig ko ang sinabi niyang iyon, "anong sinabi mo???????" humakbang ako papalapit sa kanya, napaatras ito ng napaatras hanggang sa tumama ang likod niya sa locker. "ANONG SINABI MO?????!!!!"

"NAKAKAAWA KA!!!!!!!!!!" at napasuntok ako ng malakas sa locker, hindi ko naramdaman ang sakit dahil biglang nagdilim ang paningin ko sa sinabi niya, nakitaan ko ito ng takot sa kanyang mga mata nang mapansin nitong tila makakapatay na sa galit ang mga mata ko.........hanggang sa mawala na ako sa sarili ko at bigla ko na lamang siyang nahalikan sa labi ng pwersahan.

Hindi ito makapanlaban sa ginagawa ko, nahihigit ko siya sa lakas ko...... "Bitawan mo ako...... Thirdy, bitawan mo ako....." pagpupumiglas niya habang pilit na kumakawala ang labi niya sa labi ko.


Iminulat ko ang aking mga mata at bumalik sa realidad........kitang-kita ko ang mga nagsisidaanang estudyante sa aking paligid na siyang nakangiti sa akin.........narito parin ako sa Katipunan Avenue.

Thirdy, you have completely fallen in love with the most unexpected person at the most unexpected time...... Napasinghap ako ng malalim, napailing ako sa sarili ko, at napangiti...... Tawagin man nila akong tanga, wala na akong pakialam....dahil MAHAL KO NA SIYA!

Ilang minuto na rin akong nakatayo dito kasama ang mga bodyguards ko, nagtext ako kay Sol na puntahan nila ako dito sa pagitan ng McDonalds at Shakeys, nakakabagot ng maghintay.....sabi nila sabay-sabay kaming mag-breakfast, nauna na nga si Menard kasama ang volleyball chick niya, si Lee wala pa rin, tulog pa siguro 'yon.

Ilang sandali, nakita ko sa hindi kalayuan ang kambal, pababa ang dalawa sa hagdanan ng overpass, mukhang hindi ako pansin nila Sim at Sol kahit napapaligiran na ako ng mga bodyguards ko dito sa ilalim ng puno.

"Master Thirdy, master Thirdy!" what's that annoying sound? Napalingon ako sa gawing kanan ko, bunganga pala ito ng isa sa mga Blue Babble Batallions na si Jaypee kasama ang kapwa niyang cheerleader na si Jariel, nagmamadali silang patawid ng C5 Katipunan Avenue, nag-jaywalking na ang dalawa galing ng gate 2.5 ng university.

Nang makalapit na ang dalawa sa akin, "master Thirdy look, look....." ang over reacting na si Jaypee habang ipinapakita ang isang larawan sa kanyang telepono. "Ano ba 'yan?????" pinagbigyan ko na ang dalawang tignan ang larawang ipinapakita nila.

Nanginig ang kamay ko, halos mabitawan ko ang smart phone ni Jaypee nang makita ko ang larawan ni Lee at Damo na magkayakap sa isang eskenita sa La Vista. Pinigilan ko ang sarili ko, napalunok ako at napahinga ng malalim, ayokong magpakita ng emosyon.........hindi ko ba alam kung ba't bigla-bigla na lamang nagdidilim ang paningin ko ngayon.......kung hindi ko mapipigilan ang sarili ko, masasapak ko ang mukhang ng dalawa ito! Thirdy, relax control your temper! Whew!

"Kuha lamang 'yan just now, ambilis nag-circulate sa buong university at sa internet 'yang larawan nilang dalawa.... Master Thirdy, what is happening to Warren Lee???? Bakit siya papatol kay Damo, so gross!" ang nakakairitang kunwaring nandidiring boses ni Jariel, isa na lamang masasapak ko na ang dalawang ito!

"Here Master Thirdy, may video clip na nakunan," si Jariel at inabot nito ang kanyang iPhone Xs Max habang naka-play na ang video. "Lee......" ang humihikbing natatakot na boses ni Damo habang mahigpit na nakayakap sa kanya.

Naibato ko sa kalsada ang iPhone ni Jariel at eksaktong nagulungan ng 8 wheeler truck ang kanyang bagong modelong telepono, nakwelyuhan ko siya dahil hindi na ako nakapagpigil sa inis, "sa susunod na ibukamo 'yang marumi mong bibig, ikaw ang ipapasagasa ko sa truck!" pagbabanta ko't naitulak ko ito sa kalsada ng malakas, nadapa siyang maluha-luha. "Jaypee, ang iPhone Xs Max koooooooh!"

Naglakad ako patungong overpass, nakasalubong ko sila Sim at Sol, hinawakan ni Sol ang kamay ko "Thirdy, bro....." si Sol, ngunit hindi ko sila pinansin sa daan!

"Aaaaaaaarrrrrggghhhhhh!!!!" napasigaw ako sa inis habang paakyat sa hagdanan.




----------

written by J J Tilan

THE FALL OF ACHILLES

THE FALL OF ACHILLES

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
The Fall of Achilles (BL Series)Where stories live. Discover now