Chapter 45

5.1K 198 9
                                    

Thirdy's POV

Hindi lang siguro si Damo ang nagsabi na siyam ang buhay ko dahil nasabi na rin ito sa akin ni Yaya Simang, ang nag-alaga sa akin simula nang ipinanganak ako, siya rin ang nag-alaga kay Papa, at Lolo, matanda na siya pero malakas parin. Maalala ko, 10 years old pa ako noon nang ipa-ambush kami nila Papa ng mga kamag-anak naming intsik sa China, at Hong Kong dahil sa nakuha na ng kumpanya namin ang mga malalaking kumpanya ng mga kamag-anak namin doon, at sa awa ni Big Bro sa itaas, nakaligtas ako nang pinaulanan kami ng bala sa aming sasakyan. Natamaan si Papa ng baril pero naging stable siya sa ospital, ako walang tama ng baril o galos, subalit nakakalungkot lang dahil ang mga bodyguards namin ay patay lahat. Maalala ko rin noong nasa Junior High ako, nakipagbugbugan ako na mag-isa lang, anim na college students ang napatumba ko, may mga armas pa sila.... pero hindi nila ako napuruhan. Noong Senior high school, may nagtangka ulit na ipa-ambush ako, mga kamag-anak din namin na naghahabol sa kayamanan, ang mga pamilya Sy-Young ng Singapore, pero hindi na naman ako tinamaan ng bala, si Mama noon halos tanggalin na sa serbisyo ang lahat ng bodyguards ko, ako lang ang dumipensa sa kanila dahil ilan sa kasamahan nila ay nasawi....kasama sa mga nasawi ang pinakamalapit sa akin na bodyguard ko noon na si kuya John Mark. Ilang buwan ko rin na pinagsisihan ang pangyayaring iyon.......... Hanggang mag-kolehiyo ako, marami parin ang nagtatangka sa buhay ko....hindi na lamang ako nagtataka kung bakit maraming nakasunod sa akin dahil puro sila mga bodyguards na pinapadala ni Mama, hindi ko rin alam kung ilan ang mga scholar niya dito sa Ateneo na kanyang pinag-aaral mabantayan at maprotektahan lamang ako.

"Oh natahimik ka diyan, Mr. Dao Mingming II???" anong sinabi niya??? Tiim-bagang akong napalingon sa kanya

"Hoy! Kung ano-ano na naman 'yang pinagsasasabi mo........." napabuntong hininga ako sa kanya.... "Ituloy mo na pala kung ano 'yong sinasabi mo kanina, tungkol sa NGO na sinasabi mo," habang nagsusuot ako ng sapatos.

"Matapos ka lang magkapalpitations, ang sungit mo na!" naglakad ito papalapit sa akin, umupo siya sa upuan ng pantry area dalawang metro ang layo sa akin. "Napag-isipan ko kanina na ipa-auction 'tong damit, at ang magiging proceeds nito ay idodonate ko sa AWARE Society o Advocacy Works to Attain Respect and Equality Society, ang NGO na ito ay tumutulong sa LGBTQ community, at may HIV-AIDS prevention advocacy din sila, volunteer kami dito ng kaibigan kong si Shane, siya 'yong kasama ko sa Sports Central. Ang sabi sa akin ni Lee sa kanyang mensahe ay pwedeng umakyat daw ang bid ng damit na ito hanggang 10,000 USD o mahigit kumulang sa 500,000 pesos dahil dalawang pares lamang daw ito na nilabas ng Louis Vuitton, at magkaiba pa ng kulay...."

Hmmmmm, AWARE Society??? Parang ito iyong NGO na itinatag nila kuya Gino at ng kanyang mga kaibigan? Maalala ko, nagdonate lang ang High Five dito last December. Ang purpose ko noon ay para makakuha ng impormasyon sa kapatid ko pero ang sabi ng mga kaibigan ni kuya Gino sa NGO, he is still nowhere to be found, kahit na nang magpunta na sila sa US, hindi parin nila ito nakita.

"Thirdy????"

"Aaaah... Oo.... Alam ko, dalawang pares lang 'yan, royal blue at red velvet.... Sige kung gusto mong i-auction niyo ni Lee ang damit pagkatapos, ipapa-dry clean natin ito after...." hindi niya pansin na itong suot ko ay 'yong red velvet color??? Para nga kaming naka-couple shirt kung tawagin. Notice me, Damo.....pareho tayo ng suot..... couple shorts sleeves, diba?

"Sige isama niyo na rin itong suot ko, para mas malaki pa ang malikom niyong halaga............ para sa NGO," dagdag ko.

"Salamat, marami kang matutulungan..... Uhmmmmm.... Parang biglang tumamlay ang boses mo?" napansin niya ang tono ko, at lumapit siya sa akin. Naalala ko lang ang kapatid ko, hindi ko na kailangang sabihin sayo.

The Fall of Achilles (BL Series)Where stories live. Discover now