Chapter 24

5K 187 21
                                    

Warren Lee's POV

Nagpaangkas sa akin itong si Thirdy papuntang Moro Lorenzo Sports Complex dahil pinatawag siya ni coach Almike ng Taekwondo team at may mahalaga raw itong sasabihin kay Thirdy ng personal, malayo-layo din ito sa Blue Eagle Gym.

"Maiwan na kita," pagkababa ko kay Thirdy dito sa parking area. "Ano ka ba! Samahan mo na ako, kanino ako sasakay mamaya pagkagaling ko diyan sa loob???" aniya kahit madali sa kanya ang magtawag ng sasakyan sa mga bodyguards niya na narito sa university, hindi na lang ako umimik at sumama na lang ako sa kanya papasok ng sports complex. Napaismid na lamang ako dahil may naghihintay pa sa akin na mga bata sa Blue Eagle Gym, padadalhan ko na lang ng mensahe ang kanilang guro na mahuhuli lang ako ng pagdating.

"Thirdy, nandito ka na pala....tara sa loob ng opisina," si coach Almike. Kitang-kita namin ang pageensayo ng Taekwondo team ngunit hindi namin napansin ang rookie nilang si DJ, siguro may klase pa ngayon ito.

"Sa susunod na linggo, may event ang university para sa mga athletes and it will be a three days' vacation para sa ating lahat sa Sydney, Australia, dito rin bibigyan ng parangal ang dating coach ng Taekwondo team na si coach JR..........." hindi ko na pinakinggan ang kanilang pag-uusap, lumabas na lamang ako ng office para hintayin sa may parking area si Thirdy.

Ang tinutukoy ni coach Almike na coach JR ay ang yumaong ama ni Thirdy na si Darren Sy Jr., kahit busy sa pagpapatakbo noon ng SD Group ay naging passion ni Uncle JR ang pagtuturo ng Taekwondo sa mga bata dito sa university kaya nga nakamit ng bansa ang kauna-unahang gold medal sa Kids Olympics ng International Taekwondo Federation dahil sa pagkakapanalo noon ni Thirdy. Masaya na sana kaming limang magkababata sa pagtatapos namin ng grade school nang biglaan ang pagpanaw noon ni Uncle JR, at nang dahil dito ay nagbago ang buhay ni Thirdy, ang dating masaya nitong pamilya ay nagkawatakwatak na dahil mas lalong naging busy si Auntie Thetis sa SD Group nang siya na ang nagtake-over sa kompanya bilang CEO. Kaming apat ang naging pamilya ni Thirdy, at ang kapatid nitong si Kuya Gino, ang anak ni Auntie Thetis sa pagkadalaga, kahit hindi ito kadugo ni Uncle JR ay mas naging magulang pa ito kumpara kay Auntie sa kanya. Si Kuya Gino De Loyola ang nagpatuloy sa passion ni Uncle JR sa pagtuturo ng Taekwondo sa mga grade school pupil ng Ateneo. Naging barumbado noong Junior High School kami si Thirdy dahil hindi na ito nasubaybayan ni Auntie Thetis, kung kani-kanino siya nakikipagbasag ulo, hindi rin namin ito maawat at malabong mapagbago hanggang sa ngayon, at alam kong si kuya Gino lamang kayang magpatino sa kanya dahil hindi nito kinukunsinti ang pagiging immature at basagulero ni Thirdy. Kapag si kuya Gino na ang nagsalita ay titiklop na ito halimbawang sinusumpong ng pagka-bully si Thirdy otherwise sakit sa katawan ang aabutin niya sa kuya niya. Dumating ang pagkakataon na hindi na namin kayang kontrolin si Thirdy, iyon ay noong magtapos kami ng Senior High School, that time itinakwil ni Auntie Thetis si kuya Gino nang ilantad niya sa publiko ang pagiging parte niya ng ikatlong kasarian nang suportahan niya ang isang NGO na tumutulong sa LGBT community, naging laman ito ng mga balita, at dito tinapos ni Auntie Thetis ang kanilang pagiging mag-ina, nawala ang kuya Gino ni Thirdy at naging imposible para sa amin ang awatin siya sa pakikipagbasag-ulo nito, halos mapatay na niya ang leader ng isang fraternity group na nakabangga niya that time, ang koneksyon ni Lolo ang umayos noon sa gusot ni Thirdy at hindi na namin ito ipinaalam pa kay Auntie Thetis, mabuti at nabuhay ang taga La Salle na leader ng fraternity na iyon, at piniling magpakalayo-layo sa tulong na natanggap nito mula sa amin. Graduate na noon si kuya Gino ng kursong Political Science sa Ateneo nang lumipad ito patungong Amerika, at hindi na siya nakapagpaalam sa bunso niyang kapatid na si Thirdy. Sa malaking mansion nila sa Tagaytay mag-isang nakatira ang malungkot naming kaibigan, malungkot siya, alam namin kahit ikinukubli lamang niya ito. Worried kami noon sa kanya kaya nag-isip kami nila Menard, Sim at Sol ng paraan upang mai-divert ang kalungkutang iyon ni Thirdy. Naisip namin na magtayo ng isang stock trading company at naging interesado naman si Thirdy dito dahil nakahiligan din niya ang paglalaro ng stocks, ginagawa niya kasi itong pampalipas oras, at napag-isipan naming seryosohin ito, at naging matagumpay naman kaming lima dito. Alam naming idolo ni Thirdy ang kanyang yumaong ama kaya pinagaaralan nito ang stock market at ang kalakaran dito. Naging parte din ng Ateneo Blue Eagles si Uncle JR at kahit basagulero pa noon si Thirdy ay naging seryoso ito sa paglalaro ng basketball noong high school kami, at siyempre pati na rin kami ay nadamay sa pangarap niyang pumasok sa Blue Eagles. We hired the best coach and former athletes malinang lamang ang kakayahan naming lima, at naging matagumpay kami, nakapasok kami sa varsity team at nasungkit namin ang kampeonato noong Season 80 ng UAAP, at sa tagumpay naming ito ay ginawarang most valuable player ang kaibigan naming si Thirdy, mabuti medyo tumino na siya nang dahil sa pagba-basketball. Oo, sa lagay niya ngayon ay tumino na siya kumpara sa dati.

The Fall of Achilles (BL Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon