Chapter 76

3.3K 143 20
                                    

Share ko lang: Ito ung OST na nakakapag-boost ng emotions ko habang nagsusulat, haist na-miss ko ang Korean Drama na Goblin, pero itong soundtrack na ito ang isa sa pinaka-favorite ko ang naging inspiration ko sa paggawa ng episode na ito.

THE FALL OF ACHILLES new cover! I hope you like it guys! Mwaaah!

THE TWIN COMETS OF ACHILLES - Damo Dela Cruz Jr. & Darren Sy III

 & Darren Sy III

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.

Thirdy's POV

"THIRDY TAMA NA IYAN!!!!!!"

Damo???

Biglang nanigas ang aking braso at natigil. Dito ko natitigan ang basag na pagmumukha ni Simon, ang namumula niyang mga mata, at ang mga pinipigilang luhang pumapatak sa simento.

"Sige........ tapusin mo na ako, nang matapos na rin itong paghihirap ko sayo........" naitungkod ko sa sahig ang kamao ko matapos sabihin ito ni Simon. Natigil ako at nakapagpigil, hindi ng dahil sa kanya..... kundi ng dahil kay Damo.

Napahinga ako ng malalim at napatiim-bagang...... "Thirdy tama na, tama na iyan.......please?" hinila ni Damo ang kanang braso ko na siyang nakaangat at muling dadapo sana kay Simon.

Napangisi at napangiti ang pumutok na bibig ni Simon, kitang-kita ko ang mantsa ng dugo sa mapuputi niyang ngipin........ at nagsimula siyang pagtawanan ako nang ibaling nito ang tingin kay Damo sa aking likuran.

"Ituloy mo lang Thirdy......." mapanghamon ang tinig na iyon ni Simon ngunit ramdam mo ang pagbiyak ng mga salita niyang iyon sa mapupula niyang mga mata at naipong luha niya rito.

Iginilid niya ang kanyang mukha at kusang umagos ang kanyang luha sa gilid ng kanyang pisngi at pumatak ang dugong nagmumula sa kanyang bibig. "Sige........ Thirdy sapakin mo pa ako," dahan-dahan niyang ibinaling ang tingin sa akin.... nakakapagbigkas parin siya hanggang sa mapaubo ito...... "Sige lang Thirdy...... hanggang sa matulad ako sa iba na halos mapaslang mo na...... gawin mo..... wala akong pagsisisihan kahit mamatay man ako ngayon.... at nang makita niya," itinuro niya si Damo....... "At nang makita niya kung gaano ka kahalimaw!"

Dahan-dahan kong ibinaling ang tingin ko kay Damo habang nakakapagpigil pa ako sa mga sinasabing iyon ni Simon.

Napatiim-bagang ako muli sa inis nang makita ko na ang simpatya nito ay tila na kay Simon pa.

At ano, Damo??? Naniniwala ka sa kanya???

Napaangat ako at kinuha ang kamay ni Damo. "Tara na........"

The Fall of Achilles (BL Series)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang