Chapter 63

4.2K 156 12
                                    

Damo's POV

Nanggaling muna kami sa isang bookstore na malapit sa mall, may limited edition book siyang kailangan niyang makuha, aniya. Lee needs to buy it baka maubusan daw siya. Heto nga at kinuhanan din niya ako, maganda raw itong basahin bago matulog. Few minutes at malapit na kami sa hospital at masasabi kong masaya rin palang kasama si Lee, madami kaming napagkakasunduan at isa na rito ang pagkahilig namin sa mga libro at pagsusulat.

"Bilib ako sayo DJ, mabuti pinakinggan ka ni Thirdy....." si Lee habang itinuturo sa driver kung saan kami magpa-park sa bungad ng De Loyola Medical Center.

Bigla akong nahiya kay Lee, kitang-kita kasi niya kung papaano ko pinagsabihan si Thirdy sa labas ng mall kanina, pinagkakalandakan pa niya kasi sa harap namin ni kuya Jerrold na tama lang ang pananakit na ginawa niya kina Jariel, Jansen at Jaypee......... at pagkatapos, pinagpipilitan din niyang sumama kami ni Lee sa Tagaytay.

Haaaaay, Darren Sy III, napapabuntong hininga na lamang ako sayo, pero kahit gusto kong kalimutan ang pagiging immature mo kanina ay parating nananariwa sa aking isip ang nangyari kanina??? Hmpf, nakakainis ka Thirdy!

"Gusto mo pa-expel natin silang tatlo? Just tell me, kaya kong gawin iyon???" si Thirdy na kung umasta ay parang siya ang hari ng Ateneo sa may parking area ng mall kanina.

"Alam kong hindi nila ako gusto subalit hindi ko nais mawalan sila ng pagkakataong makapagtapos ng pag-aaral.... That is too much Thirdy!" sagot ko sa kanya habang nakikinig lang sa aming dalawa si kuya Jerrold sa tabi ko. Napansin kong paparating na rin si Lee, at nakita nito ang hitsura naming dalawa ni Thirdy na nagsasagutan. Para kaming aso't pusa, nakakahiya.

"Sila pa ang ipinagtatanggol mo ngayon???" giit ni Thirdy sa akin, at saka siya napatingin kay Lee. "Lee pagsabihan mo nga ito, siya na nga 'yong inagrabyado ng tatlo niyang kaklase, pinagtawanan, at pinahiya sa loob restaurant............ magagawa pa niyang ipagtanggol ang mga kutong lupa!"

"Ano ba ang nangyari?" sambit ni Lee habang nakatingin sa madumi kong suot. "Ang dami mong mantsa ng sauce...." bigla na lamang niya akong pinunasan gamit ang kanyang panyo, kita kong naituon ang mga mata nila kuya Jerrold at Thirdy sa kamay ni Lee na nagpupunas sa akin. Nanlaki naman ang mga mata ni kumag sa nakikita.

"Ako na Lee....." kinuha ko ang panyo sa kanya, nahiya ako, iba kasi ang tingin ng dalawa.

"Itong si Thirdy sinapak niya ang tatlong kaklase ni DJ," nasabi ni kuya Jerrold.

"Ininsulto at pinagtawanan lamang nila si Damo sa harapan ng maraming tao, kaya tama lang ang ginawa ko sa kanila!" biglang kinuha ni ungas ang kamay ko...... "Magpalit ka na, may damit ako sa sasakyan at pupunta tayo ng Tagaytay...."

"Pero hindi tama na sinaktan mo sila! Uhmmm, hindi ako sasama, gusto ko nang magpahinga......." sambit ko kay Thirdy at saka ko iwinaling ang kanyang kamay.

"Tara DJ, ihahatid na kita....." si Lee sabay hawak sa aking kamay.

Namilog ang mga mata ni Thirdy sa kamay ni Lee na siyang nakahawak sa akin....... "Lee, sasama kayo...... nasabihan ko na sila Sol at Menard, susunduin na rin sila ng chopper!"

"Sige Lee sumama ka na sa kanila, magta-taxi na lang ako....... pagod na rin kasi ako, ang gusto ko lang ay magpahinga na........"

"Lee, ihatid mo na si DJ," si kuya Jerrold, "Thirdy huwag mo na siyang pilitin, kailangan na rin niyang magpahinga......" at bigla na lamang nag-walk out itong si kumag. "Lee, take care of DJ...."

"I will......" si Lee at sinundan na ni kuya Jerrold si Thirdy papunta sa makintab nitong sasakyan.


Napapailing ako habang naaalala ko ang mga nangyari kanina ngayong papasok kami ng revolving door nitong hospital kung saan dinala sila Jariel, Jansen at Jaypee. Namangha naman ako sa ganda ng hospital na ito, bukod sa high-tech na, parang hotel pa ang ambiance. Mahal siguro ang magpa-ospital dito??

The Fall of Achilles (BL Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon