Chapter 33

5.1K 186 16
                                    

Damo's POV

"Pa, mauna na ako......" tatakbo na ako papuntang athletics office nang habulin ako ni Papa, at kita ko si Darren Sy III na nagpipigil ng kanyang pagtawa habang nakikipag-selfie kina bunso at Ninang.

"Iho anong nangyari diyan sa bibig mo????? May nanakit ba sayo???" si Mama kay Thirdy, sa gulat ko sa narinig ko ay bigla akong napalingon sa kanila. Rinig na rinig ko sa isip ko ang demon laugh ni Thirdy habang nakangiti ito sa akin!!! Hala, baka sabihin niyang sinapak ko ito nang dahil sa hinalikan niya ako, kitang-kita ko pa naman sa reaksyon ng kanyang mukha na ito ang sasabihin niya kay Mama. Malilintikan ako nito, haist!

Mabilis akong lumapit sa pagitan ni Mama at Thirdy, "ahahaha, Ma nakipag-sparring po kasi sa amin itong si pineapple head kaya ganyan po ang nangyari sa bibig niya....."

"Pineapple head????" si Mama sabay kurot sa aking tagiliran.... "Araaaaay, Ma....ansakit!" habang iniiwas ko ang baywang ko sa kanya..... "Ayus-ayusin mo 'yang pananalita mo, hindi ka namin pinalaki para maging bastos, tawagin mo siyang kuya Thirdy at mag-sorry ka sa kanya!" dagdag pa ni Mama na nanlalaki ang mga mata sa akin. "Oo na, ang sakit niyong maka-kurot...." napatingin ako kay pineapple head na halos hindi na mapigilan ang sariling matawa sa reaksyon ko kanina habang kinukurot ako ni Mama, "sorry!" At tinignan ako ni Mama na may parang kulang sa sinabi ko...... "Sorry, kuya Thirdy!"

"Ahahahahaha, kahit wala nang kuya, Thirdy na lang...." hahaha, ayaw matawag na kuya???

"Pati ang kamay mo, anong nangyari diyan????" nang mapansin ni Mama ang bondage sa kamao ni Thirdy. Ba't ganito si Mama, anak ba niya ito kung makapag-alala, anak niya??? Haaaay. "Ah, wala po ito, aksidente lang kaya nagkaganito....." buti hindi niya sinabing dahil sa sinuntok niya ang locker kaya nagkaganyan ang kamay niya.

"Kuya Thirdy, pirmahan mo mamaya, itong jersey na binili namin ni Ninang sa A-Shop, ipapakita ko 'to sa mga kaklase ko..." si Jayson habang ipinapakita ang jersey kay pineapple head. "Sure, bigyan kita ng extra jersey ko mamaya, mayroon ako diyan sa sasakyan," at nanlaki ang mata ni bunso sa tuwa. "Salamat kuya Thirdy!"

"Varsity din 'yang bunso namin, forward siya ng Junior High team ng Macabebe College," si Papa kay Thirdy. "Gusto mong mag-try out sa Blue Eaglet? Pwede kitang irekomenda," biglang sabi ni Thirdy sa kapatid ko, hindi na tuloy maipinta ang tuwa sa kanilang mga mukha nang sambitin ito ni pineapple head......naku-naku-naku, huwag mong paasahin ang kapatid ko kundi malalagot ka sa akin.

"Talaga kuya Thirdy?????" tuwang-tuwa na si bunso. "Kung papasa ka, sa Ateneo High ka na next school year...."

"Basta huwag kang umasa bunso......." ani ko sa kapatid ko, at tinignan ako ni Thirdy na tila isinasaad nitong easy breezy lang para sa kanya na ipasok ang kapatid ko sa Ateneo Blue Eaglet.

"Iho, nag-lunch ka na???" sambit ni Papa, "kumain na ako sa cafeteria Pa," sagot ko.... "Ikaw ba ang tinatanong ko???" aniya sa akin, haaaay, nga pala ipinaghanda pala nila ng pagkain itong kumag na 'to. Tignan lang natin kung magustuhan niya.

"Naghanda kami ng pananghalian, baka hindi ka pa kumakain," si Mama kay Thirdy....at himala ah, parang na-excite ang mukha nito nang marinig niyang ipinaghanda siya ng pagkain.

"Eksakto po, hindi pa po ako kumakain ng pananghalian.....hinintay ko po iyan...." Turan nito sa kanila. Hmmm, hinintay????

"Pwede bang kumain doon sa may mesa, malilim naman...." si Papa at dala-dala na ang pagkain kasama si Ninang, at ipinatong na nila ang mga ito sa mesa. "Bawal diyan Pa......sa cafeteria lang pwedeng kumain," sambit ko at agad naman akong tinutulan ni Thirdy, "pwede basta kasama niyo ako, tara kain na po tayo......" aniya! Wow........antaas ng kumpyansa sa sarili, nga pala, siya ang almighty ng ADMU! At ngayon feeling close na rin sa amin, tsk, tsk, tsk.

The Fall of Achilles (BL Series)Where stories live. Discover now