Chapter 9

6.1K 225 9
                                    

Damo's POV

"Kumain na ba kayo???" si Ninang Matmat na kararating mula sa trabaho.

"Opo," magkasabay naming tugon ni Jayson.

"Ang gara nitong bago mong laptop kuya, ang saya namang maging varsity ng Ateneo...." si Jayson habang nagreresearch.

"Gamitin mo lang 'yan nang may pakinabang," pagkasampay ko ng tuwalya sa may bintana.

Tanaw na tanaw ko rin mula rito sa bintana ng inuupahan naming kwarto for almost 10 years ang buong squatters area ng La Vista, at napatingala ako sa malaki at mataas na bakuran na humaharang sa napakalaking gusali ng Vista Mall and Residences kung saan ako nagpa-part time bilang sales clerk ng Sports Central. Siguro 20 meters lang ang layo nitong La Vista squatters area sa diyan sa gusali, halos dikit na rin ito na parang mga corals na nakakapit sa malaking bakod ng gusali ang ilan sa mga tagpi-tagping mga bahay......at ilang taon na rin kaming pinagbabantaan ng may-ari ng malaking condominium at mall na 'yan na umalis na rito ngunit hindi nila ito magawa-gawa (siyempre ilan ba botante rito???). Dito na siguro sa Barangay Loyola Heights, Quezon City makikita ang iba't ibang estado ng buhay.......may sobrang yaman, mayaman, katamtaman, mahirap at sobrang naghihirap.

"Kuya tignan mo ito......" pagkakalabit ni bunso sa aking paa habang ako ay nakatingala sa gusali ng Vista Mall and Residences. Napaupo ako sa tabi ni Jayson (kita kong nireresearch nito ang background ng mga High Five leaders). "Menard Razon Jr., the son of the founders of Razon Construction, ang leading construction company sa bansa, mga real estate tycoons ang pamilya nito, sila rin ang nagmamay-ari ng Universal Security Company, ang pinakamalaking security agency sa buong South East Asia. At ang net worth ng kanilang pamilya ay 5 Billion US dollars.....whoa!!!"

"Ba't mo naman nireresearch ang High Five???" tanong ko sa kapatid ko.

"Wala lang gusto ko rin kasi silang ma-meet balang araw, at saka idol namin nila Mama at Papa ang Blue Eagles...." rolling my eyes, inabot ko ang gatas na tinimpla ni Ninang para sa aming dalawa. "Inom ka muna...."

"Ito kuya........Simon and Solomon Tan, ang tagapagmana ng Philippine Airlines company, pagmamay-ari din nila ang pinakamalalaking 5 star resorts at casino sa buong bansa, at ang net worth nila ay umaabot sa 2 Billion US dollars.......hindi ako interesado sa dalawa, lipat tayo kay Warren Lee Gokongwei," at bigla kong nai-focus ang mga mata ko sa laptop.

"Tama na ang pagla-laptop diyan, matulog na kayo, alas onse na ng gabi at maaga pa ang pasok niyo bukas....." si Ninang Matmat bago pumasok ng banyo.

"Opo, saglit na lang ito....." si Jayson. "Heto kuya si Warren Lee, uhmmmmm...." at nagpakita sa screen ang picture nito kasama ang kanyang lolo noong bata pa siya.

"Diba ang dating Vice President Salvador Laurel Gokongwei 'yang kasama niya???"

"Oo kuya, at tignan mo rito......namatay sa isang malagim na aksidente ang buong pamilya ni Warren Lee, ang Mama at Papa niya kasama ang kuya nito......at si Lee lang ang tanging survivor sa aksidente..." at bigla akong nalungkot sa nabasa namin ni bunso, kawawa naman pala si Lee. "Alam mo ba kuya na pagmamay-ari ng pamilya ni Lee ang Gokongwei Arts Foundation, isang malaking football team sa China," napaisip ako.

"Parang narinig ko na 'yan bunso, uhmmmm nariyan pa ang sikat na football player na si Dylan Chen?"

"Tama....isa siya sa kinaiingitan ko sa lahat, kung ako sa kanya ay lilipad na ako sa China...... Uhmmmm, ito pa kuya, ang pamilya rin ni Warren Lee ang may-ari ng Gokongwei group, a multinational technology conglomerate, at alam mo ba kung magkano ang net worth ng kanilang pamilya????"

The Fall of Achilles (BL Series)Where stories live. Discover now