Chapter 35

5.3K 202 9
                                    

Thirdy's POV

Ano itong nangyayari????? Hindi ko nadama ang sakit ng pagbagsak ko sahig o ang bigat ng katawan ni Damo sa akin na nakapatong...... Hindi ko rin maigalaw ang buong katawan ko, namamanhid ang pakiramdam ko.......halos sumabog na itong puso ko sa bilis ng pagtibok nito.... "Damo...." ramdam ko ang mainit niyang mga labing nakalapat sa aking mga labi.

Inangat ni Damo ang kanyang sarili hanggang sa makatayo ito at lumabas ng pinto....alam kong nabigla siya sa nangyari, hindi ko na rin maipaliwanag sa sarili ko kung ba't ganito ang nararamdaman ko. Hindi ko maipaliwanag itong nasa puso ko.

Gusto ko ba siya????

May pagtingin ba ako sa kanya????

Pero bakit????

Hindi ko parin maipaliwanag kung bakit!

Dahan-dahan akong bumangon at tumayo. Napahinga ako ng malalim at napasandal sa pinto. Kinabog-kabog ko ng aking kamao ang dibdib ko dahil hindi ko parin mapigilan itong bilis ng pagtibok ng puso ko.

Napabuga ako.......at napahinga ng malalim. "Thirdy, relax!"

Ilang sandali at lumabas din ako ng pinto, napatingin ako sa malayo kung saan naroon si Damo at ang kanyang pamilya. Basang-basa ang likod ko sa pagkakatumba ko ngunit hindi alintana ito sa akin habang matiim kung pinagmamasdan ang masayahing pamilya ng Dela Cruz.

Sa kaunting sandali kong nakasama ang pamilya ni Damo ay para bang naging parte na ako nito. Nanumbalik sa aking balintataw ang mga alaala noong bata pa ako, noong nabubuhay pa si Lolo, si Papa, noong kasama ko pa si kuya Gino at noong panahong kami pa lamang ang iniintindi ni Mama at hindi ang buong kumpanya.......

Napahinga ako ng malalim at saka naglakad papalayo kina Damo.....

Naisip kong tawagan si coach Almike, nasa Athletics Office lang naman ito kasama si coach Gab, sila na ang kakausap sa mga magulang niya tungkol sa pagpunta namin sa Australia. Ipapadala ko na rin ang isa sa mga personal secretary ko para ayusin ang lahat ng papeles ng kanyang pamilya sa embassy. Kailangan na buo ang Taekwondo team, gusto ko pagtungtong ko ng entablado upang tanggapin ang parangal na igagawad kay Papa ay buo ang mga athlete's ng koponan na itinatag niya sa paaralang ito.

Malapit na ako sa varsity office nang magdesisyon akong bumalik kina Damo..... Binilisan kong maglakad hanggang sa matunton ko ang tapat ng sasakyan ko, at dito ako sinalubong ng aking mga bodyguards. Nang makita nila ang hitsura ko ay mabilis nila akong inasikaso ngunit pinigilan ko sila, nasanay narin akong basta-basta sila sumusulpot kaya naasiwa ako nang mapansin ito ng pamilya ni Damo.

"Natagalan ka ata iho," si Tito na lumapit sa akin, "oh ba't ganyan ang hitsura mo, basang-basa ang likod mo....." unang pinansin ng mga mata ko si Damo, nakatitig lang ito sa baso na tila malalim ang iniisip, hindi man lang ako pinansin parang ayaw niya akong tignan sa mata.

"Nadulas po ako sa kubeta, malapit lang naman po dito ang lugar ko," lumapit ako kay Damo upang sabihin sa kanya na susunduin sila ni coach Almike maya-maya papunta kay coach Gab sa athletics office, may mga sasabihin rin si coach Almike sa kanya tungkol sa pag-stay ni Damo sa isa sa mga dorms within the university grounds upang mas mapaigting pa ang pageensayo nito dahil sa susunod na buwan ang masinsinang ensayo para sa finals ng Taekwondo sa UAAP. Tumango lamang siya nang marinig nito ang mga sinabi ko, tila naging mailap ito and there is a feeling of awkwardness matapos ang nangyari kanina. Inisip ko na lamang na lilipas din ito.

Bago ako sumakay ay tinawag ko muna si Jayson para ibigay sa kanya ang isang pares ng jersey ko at para pirmahan ang binili niyang jersey, tuwang-tuwa ito, para akong nagkaroon ng mas nakababatang kapatid nang yakapin niya ako at magpasalamat. Nang makita kong susunduin na sila ni coach Almike papuntang athletics office ay hindi na rin ako nagtagal, nagpaalam na ako at ipinagmaneho ng isa sa mga bodyguards ko pabalik ng Loyola Heights Village.

The Fall of Achilles (BL Series)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora