Chapter 46

10.7K 563 549
                                    

Jariel's POV

"Happy foundation day mga babakla!" pointing on Jaypee's face, ang kapal na naman ng foundation sa mukha. Make-over time muna kami dito sa locker room ng mga bilat, harap-harap muna ang mga beauty naming nakaka-insecure at nakakainggit sa salamin........ Oo, magaganda kami.... maiinggit kayong lahat, napapalingon-lingon kasi sa amin ang mga kepyas sa paligid (mga babaeng ito, mga insecure), anong akala nila, sa kanila ang locker room ng mga babae????

"TJ's ba't kayo nandito? Doon kayo sa men's locker room...." sambit ng asungot na kumikendeng na si Samantha na siyang napadaan....

"Mga babakla, pigilan niyo ako!!!!!!" nagtitimping si Jansen na gusto nang sugurin si Samantha.

"Kalma ka lang dear, baka masaksak mo ng matulis mong baba ang bilat, dead on arrival sa ER 'yan for sure!" ani ko kay Jansen. "Mother, matulis din ang baba mo...." bigla akong inokray ng Jansen, letche!

"Mga bakla kabago-bago ng Samantha na 'yan sa varsity.....antaray, porke kasama lang ni Master Menard kaninang breakfast nagmamaganda na ang lola niyo???" iritadong si Jaypee.

"Truly, deeply, madly, nakakaasar! Hmpf!" imbyernang si Jansen, kunwaring ina-anetch din daw ang kanyang mahabang hair kay Samantha.

"Bakla, ang OA ng hair extensions mo, baka hindi ka papaupuin sa conference mamaya....kamukha mo na si Ai-ai Delas Alas, ahahahaha!" si Jaypee kay Jansen.

"Nagsalita ang pimples na tinubuan ng mukha! Sige pahid lang ng pahid ng Eva Fonda nang ma-teargas ang mga nagwewelga mong mga tigyawat!" inirapan lang ni Jaypee si Jansen sa sinabi niya.

"Ay antaray din ng noseline ng bakla, pahiram ng gamit mo...." sabay agaw ng hawak-hawak ni Jansen, "heto, maglagay ka rin ng linya diyan sa jaw line mo hanggang chin bakla, nang lalong mas tumulis ang havaianas mo....armas natin 'yan laban kay DJ!" ang bakla bet din ang ginagawa ko....hmmm, para at least ang baba lang niya ang mapansin hindi ang sa akin.

"Jansen, may atraso ka sa amin ni Jariel," napalingon ang bakla kay Jaypee habang nagsasalamin pa ito....

"Inilaglag mo kami kay Master Sim!" pinanlakihan ko siya ng mata habang inaayos ko ang pagkatulis ng baba niya.

"Okay naman na.....wala nang problema kay Master Sim," ang pabebe niyang voice.

"Nyeta ka! Mabuti nakausap namin ng maayos si Master Sim kanina.........." inis kong tono.

"At hindi mo ba alam bakla, ni-request niya sa mga event oraganizers na magkaka-table tayo kasama ang Lagman Brothers! Oh diba, love na love talaga tayo ni Master Sim!" excited na si Jaypee.

"AAAAAAAAAAAH, TALAGAAAAAAAAAAH????" napatili ang gagang Jansen, nagtinginan tuloy ang mga babaita dito sa locker room sa amin.

"Tara na, umupo na tayo doon para may time pa tayo chikahin ang mga Lagman Brothers!" sambit ko.....ako rin nae-excite na!

"30 minutes pa bago mag-start ang conference....magpa-beauty pa tayo!" umaangal na si Jaypee dahil hindi pa na-wash-out ang ilan sa mga tigyawat niya!

"Sunod ka na lang sa amin ni Jariel!" ani ni Jansen sa kanya.......at iniwan na namin ang Jaypee.

Pagdating namin ng venue ni Jansen, nagmadali na ang mga beauty naming maglakad patungo sa round table na naka-assign sa amin, and oh......... I saw my name na.... Jansen's name too and Jaypee's!

"Hi Brandon, hi Gabriel, hi Jerrold....." nagpabebe na naman ang lola Jansen pagdating naming dalawa sa table... Pinagmasdan lang kami ni Brandon at Gabriel, "hi po...." ang magiliw na si Jerrold, mabuti pa siya.

The Fall of Achilles (BL Series)Where stories live. Discover now