Chapter 53

4.4K 185 8
                                    

Damo's POV

"Damo, halika na? Tara na sa conference," tinapik niya ulit ako't medyo nagulat ako nang titigan niya ako sa aking mga mata.... "Ah. Oo, tara na..." napangiti siya sa naging reaksyon ko.

"Haaaaay," napailing siya at napangiti ng pagkatamis-tamis, "tsk, tsk, nagtapat lang ako sayo, heto ka na, tumitigil na ang mundo mo........ siguro nagtatatalon na sa tuwa ang puso mo, ano? Umamin ka na rin kasi, ayeeeee......." at nagawa pa niya akong biruin ng ganito!

Nahampas ko tuloy ang kanyang braso.... "Ahahahaha, ang kapal mo! Ahahaha!"

"Gusto ko 'yan........ tumatawa ka, dahil ayokong nakikita kitang malungkot....." bigla na lamang niya akong inakbayan at dinala patungong pinto.

"Okay, tara na nga......." sambit ko at napatingin ako sa kanya habang nakaakbay ito sa akin, napatango ako sa tangkad niya.... "Buksan mo na ang pinto, kuya Thirdy......." napayuko ako at napangiti sa sinabi ko.......... at parang may mali yata sa nabigkas ko dahil biglang nag-iba ang timpla ng kanyang muka.

"Sinabi ko na nga sayo....... na huwag mo akong tatawaging kuya! Kung hindi........"

"Kung hindi???"

"Hahalikan kita! Tara na nga!" nanlaki ang mata ko, at bigla na lamang niyang hinila ang kamay ko papalabas ng pinto. Napikon ba siya sa pagtawag ko sa kanya ng kuya??? Hehehehe.

Paglabas namin ay biglang bumulaga sa aming harapan sila Jariel at Jansen, nagulat pa kami sa hitsura nila, laglag panga ang mga itong nakatingin sa pagitan naming dalawa ni Thirdy. Akala ko inaasinta na kami ng mga matutulis nilang baba, hehehe. Iyon pala ay nakatingin ang mga ito sa kamay kong hawak-hawak ni Thirdy.

"Ma-ma-master, Thi-Thirdy, kayo na po ang susunod sa stage....." tila nanlulumong boses ni Jariel at si Jansen naman ay naka-shocking mode parin ang mukha.

"Alam ko! Umalis nga kayo sa daraanan namin! Alis!!!" biglang uminit ang ulo ni kumag, para siyang nagtataboy lang ng mga aso sa daan, "tara na Damo huwag mo na silang pansinin pa," nakalingon kasi ako sa dalawa habang nagbubulungan ang mga itong masama ang tingin sa akin.

Kaagad na naglakad patungong ng entablado si Thirdy nang makalayo na kami ng opisina. Nagsimula na pala ang event, katatapos lang ng pambansang awit kaya nagmadali na kaming maglakad.

Narinig ko ang palakpakan ng audience pagka-upo ko pa lamang sa table kung saan ako talaga naka-reserve. Kitang-kita ko rin ang pagngiti ni Thirdy sa entablado bago ito nagsimula.

Ang haba ng mensahe ni Thirdy, magaling din pala sa public speaking itong si kumag, hehehe...... "I am hoping that this 81st season of UAAP will be a lot more exciting, enjoyable and worthwhile. May the spirit of sportsmanship reign in every player's heart....." Thirdy on stage......hmmmmm, may sense din siya, hanggang sa matapos na ito at muling palakpakan ng mga panauhin.

Okay, convinced na ako kung bakit ikaw ang hinirang na president ng varsity ng university natin Mr. Sy!

Napansin ko ang mensahe ng kapatid ko sa aking telepono na nasa mesa, "kuya pupuntahan ko mamayang lunch si coach Fred, ayaw ni Papa nang magpaalam ako sa kanya, mukhang galit siya, hindi ko nga maintindihan, basta kuya sunod ka na lang mamaya pagkatapos ng exam mo..."

Nireplyan ko agad si bunso, "huwag ka na lang pumunta, baka pagalitan ka pa niyan ni Papa, okay? Exempted ako sa exam kaya makakapunta ako mamaya sa presinto...."

----------






Jayson's POV

Quarter to 2:00 PM, nag-announce sila sa school na half-day kami ngayong araw na ito, hindi na sana ako pupunta ng presinto pero malapit lang ito kaya naglakad na ako papunta doon. Nagpunta na kaya si kuya? Hindi man lang siya nagreply sa last text ko kaninang pananghalian.

Hindi ko parin maisip kung bakit si coach Fred ang itinurong salarin ng tatlong lalaking umatake sa amin ni kuya kaninang umaga sa may eskinita. Napapaisip parin ako habang naglalakad..... hanggang sa matapat ako sa isang beauty parlor.

Nakuha ang atensyon ko ng mga beki sa parlor na nanonood sa telebisyon. Rinig na rinig ko ang mga boses nilang isinisigaw ang pangalan ng Ninang Matmat. Oo nga pala, ngayong tanghali na ang pagsabak ni Ninang sa It's Showtime, at parang patapos na ang palabas. Natuwa ako dahil kita kong nasa final question na si Ninang, ibig sabihin malaki ang chance niyang manalo!

Naglakad ako papasok ng parlor na walang nakakapansin sa akin dahil tutok ang lahat sa TV.

"The views and opinions of the candidate and the reigning Miss Q and A do not reflect the views and opinions of the hosts, the show, the management and the network....." si Vice Ganda at napatingin ito kay Ninang, "candidate no. 3 Matmat, here is the question.....at ang tanong ay...... Ano ang pipiliin mo? To be beautiful or to be attractive?"

Hindi ko na narinig ang isinagot ni Ninang nang bigla akong lapitan ng isang beki na kamukha ng aristang si Pokwang...... "Hi pogi, anong hanap mo???" napaatras ako dahil natakot ako sa kanya... at biglang lahat ng mga parlorista ay sa akin na na-focus ang tingin at hindi na sa telebisyon, para silang zombies na nakakita ng tao.

"Babakla, ang pogi ng bagets...... tisoy na tisoy oh!" bigkas ng pinakamatanda sa kanila sa tono niya ay para akong kakainin nito, kakatakot!

"Wow stem cell..... Mmmmmm...." sambit ng beki na malaki ang katawan. Ano 'yong stem cell? STEM, diba strand sa senior high 'yon? Aaarrgghhh, makaalis na nga dito. Nakakatakot sila!

Hinabol pa nila ako hanggang sa makalabas na ako ng parlor. Natigil naman sila sa paghabol sa akin nang makabangga ako ng isang lalaki, at sa pag-iwas ko sa mga beki ay nakalingon parin ako sa kanila.

"Bakla, ang pogi.... diba siya 'yong basketball player ng Ateneo???" nasambit ng isang beki, at napalingon ako sa mukha ng lalaking nabangga ko, magkadikit pa nga ang katwan naming dalawa.

"Warren......" bigla akong nakahinga ng maluwag nang makita ko ang kanyang mukha.

" bigla akong nakahinga ng maluwag nang makita ko ang kanyang mukha

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
The Fall of Achilles (BL Series)Where stories live. Discover now