Chapter 62

4.5K 154 13
                                    

Menard's POV

"Bukas ng umaga po siya susunduin Sir," ibinaba ko na ang tawag sa kausap kong butler sa telepono. Gaya ng nakagawian, kami na ni Solomon ang tumitingin sa pamamalakad ng mga empleyado at ilang ekspertong kinuha namin sa kompanya naming lima, ang H5 Financial Corporation na siyang nakabase rito sa mansion ni Thirdy. Kung wala ang mga empleyado ay magmimistulang museum itong malawak na tahanan ng aming kaibigan kaya imbes na kumuha kami ng opisina sa Makati ay dito na lamang sa Loyola Height ang naging headquarters, at dahil na rin mas convenient ito para sa aming lima.

Samantala, busy sila Sim, Lee, at Thirdy sa kanilang mga lakad ngayong hapon. Wala namang errands na kailangang gawin, tapos na rin ang exams, hindi pa naman kami pinapatawag ni coach Gab kaya medyo maluwag kami ngayon ni Sol. Nagpunta ako sa tabi niya, nag-aayos ito ng ilan sa mga dokumentong kailangan naming pirmahang lima, umaakyat na rin ang bilang ng gustong pumasok sa kompanya naming magkakaibigan. Magaling maglaro ng stocks si Thirdy, isama mo na rin kaming dalawa ni Sol, si Lee at Sim naman ay magaling kumilatis ng mga magagaling na brokers...... pero ang ilan ay gusto lamang magpa-impress sa tagapagmana ng SD Group dahil malapit-lapit na rin ang pagtake-over ni Thirdy dito, maybe 3-4 years na lang once na matapos kami ng aming post-graduate studies sa US.

"Bro, all is set, mga pirma na lang natin ang kailangan, makakapag-expand na ang H5F," si Sol at saka niya inabot sa akin ang mga dokumentong pipirmahan ko. "Nag-message pala si Thirdy, pinapapunta niya tayo ng Tagaytay, on the way na sila ni kuya Jerrold doon, may chopper na susundo sa ating in a few minutes....."

"Oh, that's great bro! On the way na rin ba sila Lee at Sim??" habang nagpipirma ako at inaabot sa kanya ang mga natapos ko na.

"Tayong dalawa lang, uhmm, hindi ko makontak si Sim...... at si Lee naman ay hindi raw sasama, tayong apat lang. Biglaan 'tong pagtatawag niya sa Tagaytay, dapat nagpapahinga na tayo dahil maaga tayo bukas sa Blue Eagle Gym, and remember De La Salle University makakaharap natin ng alas-kwatro ng hapon.

"Mapilit nga itong si Ikatlo, biglang nagbago ang kanyang isip, kahit injured pa ang kamay eh gusto paring bumanat bukas!" turan ko't napailing na lamang kami ng sabay ni Sol.

"Sabihin mo, ayaw lang niyang makampante, at saka gusto niyang mailampaso natin ang La Salle bukas bago tayo sumabak sa round 2."

----------







Simon's POV

"Pakisabi sa HR ng hospital na paki-terminate ang mga tsimoso at tsimosang nurse ng ER, okay?" utos ko sa mga bodyguard ni Thirdy na nagdala kina Jariel, Jaypee at Jansen. Alam kong pinaguusapan nila ako kanina kaya nararapat lamang sa kanila na mawalan ng trabaho.

Ipinalipat ko na rin ang Tripple J's sa isang suite ward, may naisip na rin akong paraan upang magantihan nila si DJ sa pananapak na ginawa sa kanila ni Thirdy. Pasakay na ako ng elevator at excited na akong sabihin sa kanila ang plano ko. Hindi na bumalik ng ER si Paris, nag-message na lang ako sa kanya na sumunod na lamang ito sa 3rd floor at hintayin ako sa labas ng ward.

"Oh my gosh, that is so perfect Master Sim!" ang halos mapatalon sa kama na si Jaypee, kitang-kita ko kung papaano namilog ang mga mata ng tatlo sa sobrang pananabik na maisakatuparan ang Operation Revenge of the Tripple J's Plan ko, at kahit hindi makahigkgik at makapagsalita ng maayos sila Jariel at Jansen nang dahil sa tinamo nilang injury sa mahahaba nilang baba ay halos maiyak na sila sa tuwa at excitement. Nakakatawa silang tignan, mukha silang mga mummy sa nakarolyong bandage sa kanilang ulo, ahahaha.

"Naiimagine ko na Master Sim kung papaano siya batuhin ng mga kamatis at itlog bukas during the halftime performance! Ahahahaha!" ang humahalakhak na si Jaypee kahit dislocated ang ilong nito.

"Huwag masyadong humalakhak baka lalong mamaga iyang ilong mo, tutal ikaw naman ang parating nagsusuot ng Blue Eagle mascot, ikaw na rin ang magsuggest kunwari kina coach Angelo at Archie ng rerelyebo sayo dahil pumayag na si coach Almike na hiramin muna si DJ bukas, at kapag maraming magsu-suggest na si DJ ang magsusuot ng mascot, siya ang pipiliin ng mga coach niyo bukas..... Marami tayong games this Saturday na magkakasabay kaya kakapusin ang squad niyo," suggestion ko sa kanila.

"Baka mapahamak ulit tayo niyan Master Sim, diba close si coach Almike at Master Thirdy???" nangangambang si Jansen.

"Mayroon tayong mga middleman, sila na ang bahala, at saka reserve si DJ ng Babble Batallions, bawat team may mga ipinapadala sa squad niyo......... masyado naman kayong nerbyosa! Nakontak ko na ang mga middleman natin, nakuha narin nila ang mga VIP tickets....... sa ringside ng kalaban, of course, hahaha! All is set na, tatawagan na lang nila si DJ na pumunta ng Blue Eagle Gym upang mag-ensayo doon ng maaga kasama ang buong squad..."

"Ang taba talaga ng utak mo Master Sim kaya idol na idol ka naming tatlo," bilib na bilib na si Jariel habang sumasangayon ang dalawa niyang kaibigan. "Perfect nga si DJ na magsuot ng mascot mga babakla, diba may nag-viral last year na video ng Macabebe Blue Sharks, at si DJ ang may suot ng Blue Shark mascot habang sumasayaw ang buong team nila ng Baby Shark!" dagdag pa ni Jariel na kahit dumadaing pa sa sakit ay pilit paring nagsasabi ng kanyang opinion maisakatuparan lamang ang plano namin bukas. Malalim na rin ang galit ng tatlong ito sa scavenger na ito nang dahil sa tinamo nilang injury mula sa hinahangaan at sinasambang Master Thirdy nila.

"Bago ang mascot natin, may controller na siya, masu-suffocate at masasakal si DJ habang nagpeperform sila during the halftime performance, siyempre tatanggalin niya 'yong ulo ng mascot para makahinga ito...... at doon na siya babatuhin ng mga kamatis at itlog ng LIVE! MAPAPANUOD NG MILLION VIEWERS KUNG PAPAANO SIYA MAPAHIYA AT PAGTATAWANAN!"

"Oh my gosh, I can't wait!" sabay-sabay silang tatlo, mukhang iisa ang isip ng mga ito, hahaha!

"Nakakaloka na talaga Master Sim, halos sunod-sunod na ang kamalasang nangyayari kay DJ, ewan ko na lang kung hindi pa siya mag-quit ng school after nito bukas!" bakas na bakas ang tuwa sa mukha ni Jaypee habang nakahawak sa dislocated niyang ilong. 

"AHAHAHAHAHAHAHAHA!" sabay-sabay nila tawanan.

"Hala, sige na, mag-beauty rest na kayo.... ugh, rest lang pala, okay???" dahil wala silang beauty.

"Okay Master Sim," sambit nilang tatlo.

Paglabas ko ng ward ay tinawagan ko na si Paris ngunit hindi ito sumasagot, at nang makarating na ako sa hospital ay eksakto namang paparating ang sasakyan ni Lee, mabuti na lang at nakapagtago kaagad ako sa gilid.

Nagtext na si Paris, nandoon siya sa mga Tripple J's binisita at kinamusta ang tatlo, mabuti at hindi nakita ng tatlo si Paris na kasama ako sa ER otherwise mag-iisip ng kung ano ang mga iyon dahil kaibigan ni DJ si Paris.

Well, humanda na lamang si DJ bukas, tignan natin kung mukha pa itong maipapakita sa lahat dahil mamatay siya sa kahihiyan!

Well, humanda na lamang si DJ bukas, tignan natin kung mukha pa itong maipapakita sa lahat dahil mamatay siya sa kahihiyan!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
The Fall of Achilles (BL Series)Where stories live. Discover now