Chapter 34

9.3K 419 177
                                    

Damo's POV

"Kamusta pala iho ang Blue Eagles? Diba round 2 na, sure ball na kayo sa semi finals alam ko sa inyo ang twice to beat spot....." si Papa kay Thirdy. "Opo, pero hindi muna ako makakapaglaro, at saka mahirap din ang makampante, siguro okay lang din na hindi muna ako mag-laro sa Sabado," he said without any worries. "Papaano 'yan iho???" si Papa na parang siya ang coach nila kung makaasta. Naiihi tuloy ako kaya nagpaalam muna ako sa kanilang mag-comfort room.

Napansin ko ang pagsunod ni Thirdy sa aking likuran, "Damo hintayin mo ako....."

"Sasabay ka??? Huwag kang magkakamali," nagbanta talaga ako, siyempre ano ba 'yong ginawa niya sa akin kahapon, diba hinalikan ako ng gagong ito???!!

"Grabe ka naman, para ba akong rapist sa paningin mo?" si pineapple head habang sinasabayan ako sa paglalakad.

"Ano 'yong ginawa mo kahapon????"

"Kalimutan mo na 'yon, nagdilim lang ang paningin ko...."

"Eh itong ginagawa mo ngayon? Ikaw pa ang tumawag sa bahay pwede naman ang dean? Tapos biglang ganito, parang close na kayo ng pamilya ko, hindi man lang ako na-inform???"

"Sila ang tumawag sa akin kaninang umaga.......at ba't si dean??? Pinag-alala lang kita kagabi, ang totoo ipinapasabi lang sa akin ni coach Almike ang tungkol sa pagpunta natin sa Australia...."

"Australia??? Gago ka talaga, alam mo bang halos hindi na ako makatulog buong magdamag sa sinabi mong ipinapatawag ang mga magulang ko ng Student Affairs Office????"

"Sa totoo, ipapatawag ka sana, gusto kang ipa-expel ni Sim pero ako na itong umako sa lahat at nakipag-usap na huwag ka nang i-sunction sa mga ginawa mo sa akin," aniya na parang kailangan ko pang magpasalamat sa kanya.

"Sa tingin mo gagawin ko lahat ng ginawa ko sayo ng walang dahilan???"

"Okay, pwedeng kalimutan na natin ang lahat ng nangyari??? Magkakasama pa naman tayo papuntang Australia...."

"Pupunta tayo talaga sa Australia? Bakit?"

"Buong team ng Blue Jins at selected varsity student's ng Ateneo ay inimbita ng International Taekwondo Federation para sa opening ng World Cup," nanlaki ang mga mata ko sa kanya, pupunta talaga kami sa Australia, sa ITF talaga??? "Next week na iyon kaya ihanda mo na ang passport mo, ipinatawag ng Athletics Office ang mga magulang mo dahil kasama rin sila, kung gusto nila...."

"Sila pa, hindi sila tatanggi....pero si Mama wala pang passport, si Papa lang ang mayroon dahil siya ang sumama sa akin sa Shanghai noon.... Pero wala kaming pera pambayad ng plane ticket, kahit gusto naming pumunta ng Australia, sorry, hindi kami makakasama....."

"Wala ba kayong 300,000 pesos????" sambit nito na parang bente singko sentimos lang ang halaga nito.

"Grabe siya oh, hindi kami mayaman tulad mo...."

"Sige ako na ang bahala sa inyo...."

"Huwag na, magkakaroon pa ako ng utang na loob sayo....ilalaan ko na lang sa pageensayo at pagduty dito sa school ang pagpunta sa Australia..." parang nadismaya siya sa sinabi ko.

"Haaaaaay....sasama ka at ng mga magulang mo sa ayaw at sa gusto mo, kakausapin ko sila, o kaya si coach Almike na lang ang kakausap...."

Hindi na ako nagsalita, ayoko nang makipagtalo sa kanya.

"Nakapag-uwi ka na pala ng gold medal sa bansa kaya pala madali kang nakapasok sa koponan, dahil magaling ka rin, kitang-kita ko nang sipain mo sa mukha si Sim....."

"Hahahaha, deserve niya 'yon! Pero maiba ako, ano ito, itong bigla mong pagbabago??? Nagpapanggap ka lamang ba na mabait??? At kunwari masarap ang pagkain namin???" diretsahang tanong ko sa kanya.

Tinignan ko siya sa mukha at napansin kong seryoso ito, "sa totoo lang masarap ang pagkain na niluto ng mga magulang mo....at saka hindi ako nagpapanggap, grabe ka naman....ansama pala ng tingin mo sa akin....."

"Ano sa tingin mo??? Sa mga ginawa niyo sa akin, mag-isip ka nga, akala ko matalino ka....."

"Haaaay, ansungit mo...." sabay bukas niya ng pinto ng kubeta. "Mauna ka na...." masikip lang kasi ito, may dalawang urinal at isang toilet bowl.

"Okay, huwag kang papasok!"

"Grabe ka! Hahahaha!" at saka niya biglang kinatok ang pinto ng malakas, "sasabay na ako, ihingihi na ako...."

"Maghintay ka diyan sa labas," hindi pa ako nakakaihi parang mauudlot na ang ihi ko sa ginagawa niya, "Damo, sa toilet bowl ka na lang at ako sa urinal, bilis buksan mo na ang pinto," grabe sa tono niya ay parang maiihian na niya ang kanyang pantalon, hahahaha. Pinagbuksan ko rin siya ng pinto, dumiretso kaagad ito sa urinal, hindi na tuloy ako makadaan papuntang toilet bowl.

"Umayos ka nga, huwag mong ibalandra sa akin 'yang sayo! Padaan!"

"Hahahahaha, gusto mo naman atang makita????"

Nakapasok din ako ng urinal, "ang kapal mo, mayroon din ako niyan ba't pa ako maghahangad makakita ng iba???"

"Malay ko lang, pwedeng freebie 'to basta sayo lang..." nagawa pa niyang magbiro!

Nang matapos akong umihi ay nakita ko siyang nagsasalamin, hindi ko naman napansin na nag-o-overflow na pala ang tubig sa sahig at nang paghakbang ko ay nadulas ako.

"Damo!" si Thirdy pagkasalo niya sa akin, kamuntikan na ako doon, kung hindi niya ako nasalo ay baka tumama na ang ulo ko sa may urinal. Parang sasabog ang puso ko sa nerbyos, akala ko mababagok na ang ulo ko.

"Salamat...." sambit ko sa kanya. Nagkatinginan lang kami, at parang ayaw pa akong bitawan ni Thirdy na siyang nakahawak sa aking likuran.

"Anong gagawin mo????" bigkas ko nang ilapit nito ang kanyang mukha sa aking mukha.... Umatras ako at muli akong nadulas.......nahatak ulit niya ako ngunit sa pagkakataong ito ay natumba siya dahil nadulas at na-out of balance ito, bumagsak ang katawan niya at napahiga ito sa sahig.....tumama naman ang mukha ko sa mukha niya habang nakapatong ang katawan ko sa katawan niya.

Nahalikan ko siya sa labi ng hindi sinasadya............ "Damo," bigkas niya habang ang labi ko ay nakalapat sa labi niya......damang-dama ko ang mabilis na pagdagundong ng kanyang puso.



----------

written by J J Tilan

THE FALL OF ACHILLES

THE FALL OF ACHILLES

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
The Fall of Achilles (BL Series)Where stories live. Discover now