Chapter 64

9K 397 299
                                    

Paris Buencamino's POV

"Zach this is Tito Shane, Tito John Lloyd and Tito DJ," pakilala ko sa bata ang mga kaibigan ko, kararating lang namin ng pamangkin ko dito sa MOA arena, ringside ng Blue Eagles, medyo nahuli na kami ng dating dahil hindi ko na napanuod ang performance nila DJ. Sumayaw pa naman daw siya habang suot-suot ang mascot, ito ang text message sa akin ni John Lloyd kanina.

"Hi Zach," bati sa kanya ng tatlo, at si DJ pa talaga ang unang nilapitan ng bata.

"Hi Zach," magiliw na si DJ at nagpakandong kaagad si Zach sa kanya.

"Hello Tito DJ, diba ikaw po iyong nagtatanong ng direction?"

"Direction, hmmm, saan?"

"Kumakanta po kami ng Blue Eagle the King, hindi mo nga maalis ang eyes mo kay...." at biglang natikom ang kanyang bibig nang tinignan ko si Zach.

"Aaah, naalala ko na, ang gagaling niyo ngang kumanta..."

Napansin kong nagsimula nang magwarm-up ang bawat koponan sa ring at ang apat na leader ng High Five ay nakatuon ang mga mata sa aming apat. Masama pa ang pakiramdam ni Sim kaya hindi muna ito makakapaglaro, at nabanggit niyang bibisita ito sa mga Tripple J's na kasalukuyang naka-confine sa hospital.... doon na rin daw sila manonood ng laban ng Ateneo at La Salle.

Pagmasdan mo lang ang anak mo.... hindi mo siya maipagmalaki sa maraming tao, diba??? Dahil sa image niyo at makakasama sa inyong grupo??? Tsk, tsk!! Hindi ko na nilingon ang ama ni Zach, ayokong masira ang mood ko, kailangan kong magconcentrate sa panonood ngayon, at sana madaig ng Green Archers ang Blue Eagles ngayong huling laban nila sa Round 1.

Nabanggit din sa akin ni John Lloyd na kina Gab Lagman si Shane ngayon bilang Taekwondo instructor sa mga bata, "kamusta ang first day mo sa Lagman Gym?" tanong ko kay Shane.

"Masaya, kasama ko dapat sana si DJ kaso busy ito sa pagiging Blue Eagle niya today," napanguso lang si DJ at mukhang naubliga lang siyang magsuot ng mascot sa hitsura niya ngayon.

"Naintindihan naman ako ni Sir Gab, bukas na lang daw ako mag-report," si DJ.

"Paano kung pasayawin ko ulit nila sa Men's volleyball match bukas???" tanong ko sa kanya.

"Hindi na, ang sabi ni coach Almike ay ngayong game lang na ito ako magsusuot ng mascot..." pagtutol niya.

"Dapat lang!" ang biglang sulpot na si Thirdy, sumisigaw ba 'to? Halos pagtinginan na kaming lahat ng tao, nagulat pa kaming apat sa inasal niya, pati si Zach ay napakapit ng todo kay DJ habang kinakandong siya nito. "Ang sagwa-sagwa ng sayaw mo, hindi mo ba alam na pinagtatawanan ka ng mga taga La Salle kanina???" sa tono niya ay para siya itong sumayaw?? Ito ang sinasabi ni Sim, masyado nang nahuhumaling at nahuhulog ang loob nitong si Thirdy kay DJ. Dapat mas lumalim pa ito. Dapat mabaliw sa pag-ibig si Thirdy kay DJ nang mas magamit ko siya laban sa kanila.

"Anong magagawa ko, iyon ang steps na na-practice namin kanina?" pabalang na pagsagot ni DJ kay Thirdy. "Bumalik ka na nga doon, tignan mo oh, natatakot sayo itong bata!"

"Bro, halika na....." si Menard na sinusundo si Thirdy. Napalingon si Zach kay Menard, gustong bumaba ng bata kay DJ, "Zach halika," kinuha ko kaagad ang bata kay DJ.

"Saglit lang Menard, pagsasabihan ko pa ito...." muling itinuon ang tingin kay DJ, "huwag ka nang mag-mascot mamayang halftime performance niyo, okay? Mamaya kung anong steps na naman ang ipakita niyo, ayaw kong pinagtatawanan ka nila......" biglang naging malumanay ang boses ni Thirdy. Kung babae ang makakarinig nito tapos fanatic pa ni Thirdy??? Aba magtititili iyon o kaya mamatay sa kilig, pero itong si DJ minamasama pa ang pagiging concern ni Thirdy sa kanya, hahaha. DJ concern lang sayo si Thirdy, dapat maramdaman mo iyon......

The Fall of Achilles (BL Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon