Chapter 55

4.5K 168 4
                                    

Simon's POV

"Kung ako rin sa coach Fred ni DJ? Pipiliin ko na rin ang magpa-detain, ang galing ng offer mo sa kanya....... Mawawalan nga ito ng career, magiging maayos naman ang buhay ng kanyang mag-ina!" ang bilib na bilib na si Paris sa akin pagpasok namin sa bago kong place dito sa Vista Residences. Kung alam mo lang Paris, kapag wala nang pakinabang ang coach na iyon, it will be bad for him...... kaya manatili kang may pakinabang sa akin.

Malawak itong napili kong flat, nasa 4th floor ito ng gusali, studio type at perfect place para sa mga flavour of the month ko, kagaya ni Paris, haha!

Naglakad ako patungo sa may bintana upang tignan ang view ng squatter's area kung saan namumugad ang scavenger na si DJ.

"Na-settle na ng mga agents na ipinadala ko sa presinto ang lahat. Willing na magpa-detain ang father figure coach ni DJ, kailangan lamang niyang galingan sa pagdra-drama...... Kung hindi ko man madaan sa pisikalan ang Damo Dela Cruz Jr. na iyon, I will just break his heart. Napagtanto ko na madali palang gawin ito......... hanggang sa ma-realize niya na impyerno ang pagpasok niya ng university at mas nanaisin na lamang niya na umalis dito, ahahahahaha!"

"Kaya bilib na bilib ako sayo Simon," napahalik si Paris sa aking batok kasabay ng kanyang pagyakap mula sa aking likuran habang nakatanaw kaming dalawa sa labas ng bintana.

----------






Damo's POV

"Ba't mo isinuot ulit ang damit na iyan???" si Thirdy sa damit ni Lee nang makapagbihis na ako sa locker room ng sports complex. Nakapagpaalam na rin ako at pinayagan naman akong makapunta ng presinto kasama si kuya Jerrold.

"Bakit ba? Malinis pa naman ito ah," napakunot noo tuloy ako sa kanya. "Bumalik ka na nga doon dahil magsisimula na kayo," sinundan pa kasi ako dito, pati sa pagbihis pa naman eh nakabuntot itong si kumag, haist!

"Hubarin mo 'yan, heto ang isuot mo......" habang inaabot sa akin ang kulay pulang t-shirt na may tatak na Versace. Napalingon ako sa may pinto nang may mapansin akong palihim na sumisilip, mukhang si Jaypee, at sa kanyang hitsura mukhang nanggagalaiti ito lalo na't inaabutan pa ako ni Thirdy ng mamahaling brand ng damit. Kinuha ko naman ang t-shirt at nilingon ko si Jaypee, sa inis niya ay umalis na lamang ito.

Wala naman akong balak tanggapin ang damit kaya ibinalik ko rin ito kay Thirdy. "Huwag na, baka ma-hold up pa ako sa daan niyan, wala akong ipapalit diyan kapag nadumihan......" napailing siya sa inis... "Okay, ipapahatid ko na lamang kayo sa coaster, at balitaan mo ako pagkatapos niyo doon, okay??" si Thirdy na parang guardian ko kung makaasta, bwisit 'to, haha.

"Opo, sige na po....."

Inihatid pa kami ni Thirdy hanggang sa makalabas na kami ni kuya Jerrold ng sports complex at makasakay ng coaster.

Habang lulan kami ng sasakyan patungong presinto, "very unusual itong napapansin ko kay Thirdy," si kuya Jerrold habang napapaisip na nakangiti sa akin, parang may gusto pa itong itanong sa akin habang nakahawak sa kanyang baba. "It seems......he likes you DJ," at natutuwa pa si kuya Jerrold sa pagkakabanggit niya.

Hala, kanina sabi niya, Lee likes me, tapos ngayon si Thirdy naman, si kuya Jerrold talaga oh.... "Hahaha, kuya huwag ka ngang magbiro, si Thirdy, magugustuhan ako???"

"Ba't naman hindi? You know what, you look good together...."

"Change topic kuya, huwag na siya...." napangiti lang si kuya, halata bang ayaw kong pag-usapan ang ungas na iyon? "Uhmmm kuya, nasa presinto na ba si Lee???"

"Ah, ang sabi niya sa akin, mauuna na siya, may lawyers na rin siyang ipinatawag, iba pa raw 'yong mga pinapunta ni Thirdy...."

"Oh, nagabala pa siya, parang napakalaking kaso naman ang nangyari sa amin kanina," napatingin ako sa bintana paglabas ng coaster sa gate ng university.

The Fall of Achilles (BL Series)Where stories live. Discover now