Chapter 15

5.4K 210 11
                                    

Damo's POV

4:30 AM na ako bumangon, Sabado ng madaling araw dahil hindi na ako makatulog, eksakto rin naman dahil mayroong early mass mamayang 6:00 AM sa bagong tayong simbahan na malapit lang dito sa amin, sa tabi ng Vista Mall and Residences.

Pagyapak ko sa labas ng binta, bubungan ng aming kapitbahay upang kunin ang nakasampay kong tuwalya ay may napansin akong isang pulang bagay na bilugin, medyo malabo pa sa paningin ko dahil madilim pa sa labas.

"Mga wala talagang pakialam sa kapwa ang mga taong iyon, nagawa pa nilang mambulabog ng mga natutulog......" buntong hininga ko pagkapulot ko ng nakagatang mansanas na nasa tabi ng gulong na nakapatong dito sa bubong. Napatingala ako sa may penthouse ng Vista Residences at kita kong bukas pa ang mga ilaw doon at may mga nagkakasiyahan pang mga kabataan. Alam kong ito 'yong ibinato ng mga gago kagabi, peste talaga 'yang Thirdy na 'yan at buong samahan ng High Five!

Bumukas ang pinto namin at kararating pa lang ni Ninang Matmat galing ng Miss Gay beauty pageant, kita kong may dala-dala itong korona at mga bulaklak sa loob, mukhang si Ninang na naman ang panalo. Hmmmmm, may pasalubong siguro kami ni bunso sa kanya?

"DJ halika rito, madilim pa, ba't nandiyan ka sa labas ng bintana baka mahamogan ka...." si Ninang, napansin pala niya ako.

"Nakakaproud ka talaga Ninang, panalo ka na naman?" pagkaabot ko ng mga dala-dala niya mga gamit at inilapag ito sa sofa.

"Of course, DJ buksan mo 'yong kulay itim kong bag at kunin mo 'yong paper bag na may laman diyan..."

Pagbukas ko ng paper bag na may tatak na Lacoste ay kita kong isang kulay blue na polo shirt ang laman nito. Nanlaki pa ang mga mata ko dahil nagkakahalagang limang libo ang damit na ito, kita ko sa resibo.

"DJ, para sayo 'yan, nang hindi ka nila sabihan ng cheap sa school niyo...."

"Ninang naman, ang mahal nito...." nanghihinayang ako sa presyo. Alam kong may pinag-iipunan din si Ninang para sa kanyang operasyon, nakitaan kasi siya ng bukol sa kanyang baga, mahal din ang magagastos nito kaya naisip kong mag-ipon ng sahod para sa kanya, hindi ko sasabihin para hindi niya tanggihan......ang sabi naman ni Ninang hindi raw malignant ang kanyang bukol pero nag-aalala parin kami nila Papa sa kanya.

"Kunin mo na, kung hindi magtatampo ako sayo niyan....binili ko 'yan sa Gateway Mall kahapon bago kami bumiyahe papuntang Bulacan para maki-contest, at eksakto rin ang pagkakapanalo ko kagabi, may naiuwi akong 20K, oh diba napalitan na 'yong perang ibinili ko diyan kaya kunin mo na iyan at isuot mo mamaya pagpunta mo sa unang laban mo ng Philippine Taekwondo League representing Ateneo," si Ninang habang nagtatanggal ng kanyang make-up.

"Okay po, salamat Ninang......love you po," sabay yakap ko sa kanya.

"Love you too, uhmmmm....anong oras ang game mo mamaya sa Blue Eagle Gym?"

"Mga alas dos po ng hapon, San Beda po ang makakalaban ko."

"Galingan mo ha? Uhmmmmm, hindi muna makakapanood si Ninang dahil bibiyahe ulit ako mamayang tanghali papuntang Laguna, may contest ulit kaming sasalihan, call time namin ng alas tres."

"Okay lang po 'yon......pati rin sila Papa, Mama at Jayson hindi rin makakanood...."

"Bumiyahe sila papuntang Sagada, sabi ng Mama mo importanteng makita kayo ng Lola mo bago ito pumanaw, iyon daw ang kahilingan nito sa Mama mo...."

"Oo nga po, gusto ko rin po sanang sumama kaso hindi ako pinayagan kahapon nila Mama at Papa nang dahil sa laro ko mamaya...."

"DJ ialay mo ang una mong laban bilang Atenista sa Philippine Taekwondo League para kay Lola mo, alam kong matutuwa iyon kapag nalaman niyang panalo ka sa una mong laban ha?"

The Fall of Achilles (BL Series)Where stories live. Discover now