Chapter 8

9.5K 403 79
                                    

Damo's POV

Idinuro ulit ako ng pinakaleader siguro nila na may mahabang baba. "Magdahan-dahan ka sa pananalita mo!" pagbabanta nito sa akin, sa pagkakabigkas niya ay parang katapusan ko na halimbawang hamakin ko ang the High Five.

"Wala kang pakialam.......at saka sino ba kayo???" hahaha, akala siguro nila masisindak nila ako.

"Suot mo ang varsity jacket ng Ateneo tapos hindi mo kami kilala????? The nerve!" mataray na naman niyang pagkakabigkas.

Hindi narin nakatiis ang isa at ito na ang nagpakilala sa kanilang grupo, "Okay mukhang newbie pa itong HLPG (hampas lupang patay gutom) nating schoolmate, by the way......I am Jariel (ang baklitang medyo mahaba ang baba), he is Jaypee (ang baklitang makapal ang foundation dahil inulan ng tigyawat ang mukha) and this is Jansen (ang baklitang mas mahaba ang baba kay Jariel), "and we are the Tripple J's" sabay-sabay nilang chant, nagpatuloy si Jariel, "and it's a mortal sin kung hindi mo kami kilala as a member of the varsity team dahil kaming tatlong ang leader ng Ateneo Blue Babble Batallion!" hindi sa namimintas ng kapwa dahil hindi ko naman ugali ito, ansarap lang kasing pintasan ang mga ito sa tipo ng kanilang personalidad, haaaay!

"I see......nice to meet you guys," pagbati ko sa kanila na may pilit na ngiti.

"So hindi naman si Thirdy ang tinawag mong topak kanina????" nangungumpirmang si Jaypee.

"Si Thirdy......iyong matangkad na lalaking 'yon na parang pinya ang hairstyle???? To be honest, napaka-immature at childish ng ginawa ng gagong 'yon kanina, naturingan pa naman din siyang MVP," walang takot kong pagkakasaad at kitang-kita ko sa reaksyon ng kanilang mukha ang pagkagulat at pagkainis sa sinabi ko.

"Immature at childish???? Hahaha!" mapagbantang tono ni Jansen.

"Kung hindi ka magdadahan-dahan sa mga binibitawan mong salita, hindi ka magtatagal dito!" mapagbantang tono rin ni Jariel pagkatapos nitong humakbang papalipat pa sa akin.... "Hindi ba't taga Payatas kayo at may-ari kayo ng isang second hand store????" ramdam mo ang pandidiri sa kanyang tinig, wow ha, alam kaagad nila ang background ko??

"Smells like.......BASURA!!!" nandidiring bigkas ni Jariel at sabay-sabay nilang tatlong tinakpan ang kanilang mga ilong.

"Hindi second hand store ang pangkabuhayan namin........junk shop po ito," at mas nandiri pa sila sa sagot ko.

"Oh my god at proud pa siya!" si Jariel na napasapo sa kanyang ulo, at tumabi sa kanya si Jansen, "First time ko yatang makakita ng isang scavenger na taga Payatas dito sa ating school!" bakas ang pandidiri at pagiging matapobre sa tono ni Jansen habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa..... "Hmmmmm.....gusto mo bang ipakolekta namin ang bawat bote ng mineral water na mauubos namin kada ensayo????" dagdag pa nito."

"25 pesos per kilo, doble presyo na ito para lang sayo, deal????" sagot ko kay Jansen.

"Tutulungan ka na lang namin baka kasi dalhin mo ang mga kapwa mo scavengers dito sa school at sabay-sabay kayong mangalkal sa mga basurahan, nakakahiya....."

"Anong nakakahiya doon? Hindi naman kami magnanakaw, at saka nakakatulong pa kami sa kalikasan...." pagbibiro ko na lamang sa kanila.

"Okay, since ito ang first day mo dito sa university, at dahil na rin sa pagiging ignorante mo sa lahat ng bagay rito......palalampasin namin ang mga sinabi mo tungkol kay Master Thirdy!" ani ni Jariel at sumang-ayon naman ang dalawa sa tabi niya.

"Magpapasalamat pa ako sa inyo????"

"Haaaaay...." sabay-sabay silang tatlong napapailing sa akin at naglakad patungo sa mga miyembro ng Blue Babble Batallion. "GUYS! Formation na tayo, at magsisimula na ang Blue Eagles in no time....." si Jariel sa mga kasamahan nito, mukhang siya nga ang pinakaleader ng cheerleading squad.

"DJ halika rito," si John Lloyd na nasa may pinto ng locker room.

"Okay na ako rito, hintayin ko na lang kayong makalabas...." bigkas ko sa kanya, dahil ayokong makita ang anino ng Thirdy na 'yon sa loob. "At saka paalis na rin ako, magsisimula na ang klase ko," dahilan ko na lamang sa kanya upang makabalik na ako ng Gonzaga Hall.

"Wait lang ha??? Huwag ka munang umalis diyan," pumasok muna si John Lloyd sa loob ng locker room.

Paupo na sana ako sa may bench nang may biglang bumangga sa aking braso mula sa aking likod, "tabi nga!" ang mataray na pagkakabigkas ng isang discreet na bading na napadaan. "Muntikan ko nang matapon itong juice, humaharang ka sa daan, para kay Thirdy pa naman ito!"

Natigil ang members ng Blue Babble Batallion nang makita nilang lumabas ang the High Five galing ng locker room. "Gosh si Thirdy," napalitan ng excitement ang boses ng beki nang makita niya ang iniidolo.

Pagdaan ni Thirdy sa aming harapan ay tinawag kaagad ng beki ang kanyang pangalan kita ko pa ang panginginig ng kanyang kamay na may hawak-hawak ng cucumber-lemon juice (mukhang avid fan ito ni Thirdy), natigil ang High Five sa paglalakad, napalingon si Thirdy sa kanya at lumapit ang beki kay pineapple head.

"Master Thirdy, ginawa ko itong cucumber-lemon juice para sa'yo, huwag kang mag-alala dahil organic ang pipinong ginamit ko, galing pa ito sa aming farm, at buong puso ko itong inihanda at ginawa sa cafeteria ng SOM building...."

"Ang daming dada ng baklang 'to, ewan ko lang kung magustuhan 'yan ni Master Thirdy! Baka mamaya eh nilagyan pa niya iyan ng gayuma! Tsk, tsk, tsk!" naiiritang bigkas ni Jariel sa aking likod.

Subalit nagulat ang lahat nang kinuha ni Thirdy ang juice. Rinig na rinig ko ang pagbubulungan ng nakararaming hindi makapaniwala......at nagmarka ang tuwa sa labi ng beki sa pagtanggap ni Thirdy sa ginawa niyang juice. Hanggang sa........iniangat ng gagong pineapple head ang juice sa ulo ng beki at dahan-dahang ibinuhos ito sa kanya.

Nagulat ang lahat dahil napakalamig pa naman ng juice na punong-puno ng ice, at naiwan pa ang isang ice cube sa ulo ng kawawang beki. Pinagtawanan siya nila Jaypee, Jariel at Jansen sa likod ko. Napayuko na lamang ito habang nangangatog ang mga tuhod niya sa kahihiyan.

Sinenyasan ni Sim at Sol ang mga kasamahan nito sa varsity na ilayo ang beki papalabas ng gym.

Naiwan akong nakatayo sa harapan ni Thirdy, at umagaw sa kanyang mga mata ang paghakbang ko papalapit sa kanya upang komprontahin sana siya at pagsabihan. "Sino ka?" malamig na boses nito sa akin.

"Tang-ina mo Thirdy!!!!" at saka ko ito idinuroduro, "wala ka talagang respeto sa kapwa mo???!!! Hindi ko na aasahan ang pagpapakababa mo dahil galing ka sa pinakamayamang pamilya sa bansa........kung hindi mo naman pala gusto ang juice........sana hindi mo na lamang ito tinanggap o ibinigay mo na lang sana ito sa iba! Narinig mo naman na pinaghirapan ito ng tao, inihanda pa niya ito sa cafeteria ng school para lang sa'yo...... Bastos ka!"

"Sino ka?????" pag-uulit ni Thirdy sa akin...........at isang malakas na bell ang tumunog sa aking ulo na nagpabalik sa akin sa realidad. Imahinasyon ko lamang ang mga nasabi ko sa kanya. Napahinga ako ng malalim habang nagpipigil sa sobrang pagkainis ko sa lalaking ito.

"Sino ka??? May sasabihin ka ba sa akin????" ang napakayabang nitong boses, tinignan pa ako mula ulo hanggang paa. Napatingin pa ako kina Warren Lee, Sim, Sol at sa isa nilang kasama na naghihintay ng aking isasagot kay Thirdy.

Napasinghap ako't tiim-bagang sa kanya at saka nagsalita, "wala...."

Kung wala....... "Out," sabay turo ng daanan papalabas ng gym.

"Mukhang mainit parin ang ulo mo sa pagkatalo natin kahapon-ah????" si Sol na parang ginagatungan pa ang pagkainis ni Thirdy.

"Shut-up!" pikon na ang gago.

"Relax ka lang bro," si Warren Lee na umakbay kay Thirdy.... "Upo muna tayo sa gilid, paparating narin ang mga taga athletics office," boses ni Lee na kumakalma sa gagong 'yon.

Nalingon sa akin si Warren Lee habang nakaakbay ito kay Thirdy sabay kindat at ngiti nito sa akin.....at kung hindi dahil sa matamis na ngiti ni Lee ay sira na siguro ang araw ko ngayon nang dahil sa Darren Sy III na ito!



----------

written by J J Tilan

THE FALL OF ACHILLES

The Fall of Achilles (BL Series)Where stories live. Discover now