Chapter 21

5.1K 201 5
                                    

Thirdy's POV

Aaahhh, sakit uuurrrrggghhh! Kunot noo akong dumadaing, damang-dama ang sakit ng pagkakabagsak ko sa simento nang dahil sa paghabol ko sa ligaw na damong iyon! But wait, ano itong mabigat na nakadagan sa akin????? Nang igalaw-galaw ko ang labi ko habang nakapikit pa ang mga mata ko........dama kong parang pisngi ito o gilid ng bibig ang nadadama ko........at nang imulat ko ang aking mga mata ay laking gulat ko na lamang nang mukha ni Damo itong nakasubsob sa aking mukha, at tumambad sa aking paningin ang mga mata niyang nakadilat, na tila hindi alam ang gagawin, at bigla-bigla na lang ang masamang damo ay naging mabangis na leon!

"Aaarrrrggghhhhh!!!!" paghuhuramintado ng ligaw na damo sa akin at pinaulanan pa ako ng magkakasunod na suntok.

"Hoy! Hoy! Ano ba! Tumigil ka! Tumigil ka na!" habang sinasangga ng magkabilang braso ko ang mga suntok nito. What the hell, hindi ko siya makontrol!

"Walang hiya ka, nanakawin mo pa ang unang halik ko, muntik ka na doon, gago ka, gago ka!!!" hanggang sa hindi na ako makahinga sa sobrang bigat niyang nakapatong sa akin, para siyang UFC fighter!

"Tama na 'yan, awat na!" sina Sol at Menard kay Damo. Mabuti na lang at dumating ang dalawang ito, nahirapan pa ako sa pagbangon nang dahil sa mga natamo kong galos sa aking braso. At imbes na tulungan akong makabangon ni Menard ay si Damo pa ang tinulungan sa pag-angat ng bike. "Hoy! Kaibigan ba kita o hindi?" bulyaw ko sa kanya at nagmadali itong lumapit sa akin upang tulungan si Sol na alalayan ako papasok sa loob ng sasakyan.

"Ang kapal naman ng mukha mong sabihan si Thirdy na nanakawan ka niya ng halik, you are such a delusional!" napalingon pa kaming tatlo nila Menard at Sol sa mga sinabi ni Sim kay Damo habang nakasakay na si Damo kanyang bike. Parang walang namang pakialam si Damo sa mga sinabi sa kanya ni Sim, napangisi lang ito sa kaibigan namin. Napailing lang si Sol, "tara sakay na tayo!" pagtatawag nito sa kakambal.

"Back off!" pahabol pa ni Sim kay Damo bago ito pumasok ng sasakyan...... "Tantanan mo na 'yan, tara na Sim!" napagtaasan ko tuloy siya ng boses. Aaarrrgghhh! Fuck, ba't ako nainis sa inasal ni Sim kay Damo, dapat nga matuwa pa ako nito!!

"Fuck!!!!" napamura ako't napasuntok sa headrest ng inuupan ng nasa harap kong si Sol.

"Araaaaay! Naalog mo ulo ko," daing ni Sol sa akin habang napapaisip ang tatlo sa inaasal ko ngayon.

-----







"Araaaaay! Araaaaaay! Magdahan-dahan ka naman Sim," habang ginagamot ako nito dito sa Head Quarters ng High Five tabi lamang ng athletics office.

"Hindi ka parin tapos sa freshman na 'yon???" bigkas ni Menard sa akin pero hindi ko siya inimik.

"Magtawag ka na nga lang ng nurse, hindi ka marunong mag-first aid," inis kong salita sa hindi marunong maglinis ng sugat na si Sim.

"Fine, ikaw na nga 'tong inaasikaso, tsssss.... dadaan ako ng clinic paglabas ko dito sa HQ," nainis na rin sa akin si Sim.

"Tumawag ka na lang ng doctor, sige na......" sabay tapik ko sa kanyang braso at kaagad nitong inangat ang kanyang telepono para tawagan ang physician ng varsity saka lumabas ng pinto.

"Teka lang....ilang araw na ba ang nakalipas??" si Menard kay Sol habang binubuklat ang diet plan namin na kakabigay lang ng athletics office.

"Ha??? Hindi ko alam," nagmamaang-maangan na si Sol, maalala kong talo na ito sa kanilang pustahan ni Menard.

"2 weeks na, ang bobobo niyo!" ika ko sa dalawa, hindi pa nila matandaan kung kailan nagsimula ang lahat ng ito, haist!

"Oh yeah, bro akin na ang mga numero ng mga chicks mo sa Aces and Queens!" tuwang-tuwa na si Menard, mukhang madaragdagan na naman ng beauty queen ang kanyang listahan.

"Haaaaay.....magsitigil nga muna kayo, hindi ako makapag-isip ng maayos kung anong susunod na hakbang ko sa masamang damo na 'yon!"

"Kakaiba rin ang isang 'yon," si Menard, tinutukoy niya si Damo.

"Siya lang ang baguhan na nagtagal ng ganoon," si Sol at nakitaan ko pa ng paghanga 'tong sirang 'to!

"Manahimik nga kayo, hindi ako makapag-concentrate...... This time, gusto ko nang durugin ng pinungpino ang Damo Dela Cruz Jr. na iyon!"

"Ibalato mo na siya sa akin!" si Sim pagpasok niya ng pinto kasama ang doctor.

"Siguraduhin mo lang 'yan na hindi papapalpak, at gusto ko sa pagkakataong ito ay luluhod at magmamakaawa ang isang Damo Dela Cruz Jr. sa aking harap, kaya mo bang gawin 'yon this time???"

"May naisip na akong paraan," makumpyansang sagot ni Sim.

"Okay, good!"

----------









Damo's POV

Lunes ng gabi, dito sa aming bahay sa Payatas. "Anak, na-miss mo talaga kami ng sobra kaya dito kayo sa Payatas magpapalipas ng gabi?" si Papa habang naghahanda ng hapunan sa hapag. Sa totoo lang, ayaw ko lang matulog sa La Vista baka mamaya magtapon na naman ng mansanas ang gagong Thirdy na 'yon!

"Nakailang panalo na ba kayo?" si Mama.

"Inaanak, kamusta ang polo shirt mo, sinuot mo na ba???" si Ninang habang tinutulungan si Papa sa hapag.

Parang hindi ko sila naririnig, tulala lang ako.....iniisip ko ang nangyari kaninang umaga. Hindi ako makapaniwalang halos mahalikan ko na ang labi ng gagong pineapple head na 'yon! Nakakagigil, mabuti na lang....mabuti na lang at virgin pa itong mga labi ko, at bigla tuloy akong natawa. Bwisit, hahaha.

"Hoy, anak....okay ka lang???" si Papa sabay tapik sa aking braso. "Haaa, opo...." at biglang sumagi sa aking isip ang ginawa ko kaninang umaga kay pineapple head, grabe diring-diri siya sa mga nabubulok na mansanas, lalo na 'yong mga inuuod, hahahaha. Ganoon ba talaga kapag anak mayaman, maarte? Sensitibo? Iyong mga mansanas na 'yon ay galing din naman sa bibig niya, isang kagat tas tapon sa bubong namin.

"Anak, okay ka lang? Sino ba 'yang iniisip mo?" si Mama habang may hawak na plato sa tabi ko.

"Baka ilang beses nang nakagat ang dila ng taong 'yon," si Papa.

"O baka naman may girlfriend na ang binata ko???" si Mama, at bigla akong napaurong dito sa kinauupuan ko sa sinabi niya. Ba't ako mapapaurong? Ayaw ko ba talaga sa babae? Eh ayaw ko rin naman sa lalaki?? Lalaki o si Darren Sy III ang ayaw mo DJ??? Hindi mo ba gusto si Warren Lee? Uhmmmmm, hindi ko gusto si Lee.......dahil mahal ko na siya..... Oo, mahal ko na siya, haaaaay...

"THREE POINTS FOR DARREN SY III, YES SIR! HOOO!" ang maingay naming telebisyon pagbukas ni Papa, at nasira na ang gabi ko nang mai-focus sa screen ang mukha ng pineapple head na 'yon!

"Jayson, itigil mo na ang pagsi-cellphone diyan, halika na rito at kumain," si Mama nang batukan nito ang kapatid ko na nakahiga sa sofa.

Bago ako umupo sa hapagkainan ay inabot ko muna ang remote at saka ko pinatay ang TV, nakakawalang ganang kumain, replay kasi 'yong palabas, at alam kong panalo ang Blue Eagles sa larong iyon at saka patapos na rin ito, mayamaya ay maiinterview na ang hambog na si Thirdy kaya mabuting patayin na ang TV.

"Anak, ba't mo naman pinatay...." si Papa na parang nakagawa ako ng isang ultimate sin.

"Pa, kumain na tayo, nakakaistorbo ang TV."

"Kuya! Kuya!" si Jayson na hindi pa nabangon sa sofa, "kuya may kumakalat na balita sa Facebook tungkol sa isang estudyante ng Ateneo na may HIV-AIDS!" napalingon kaming lahat sa sinabi ni bunso.



To be continued...

The Fall of Achilles (BL Series)Where stories live. Discover now