Chapter 54

9.2K 448 404
                                    

Jayson's POV

"Tara sa sasakyan," madaling kinuha ni Warren ang aking braso at pinagbuksan kami ng driver nito.

"Mabuti nakita mo ako....." sambit ko at naupo ng komportable sa tabi niya, at pinaandar ng driver ang sasakyan.

"Papunta ako ng presinto, naging busy ang kuya mo sa conference pero susunod na sila ni Jerrold...."

"Tapos na exam mo?"

"Oo..."

"Kaya pala hindi ka nagreply kanina sa text ko," nakatingin lang siya sa labas ng bintana parang iniiwasan ako nitong tignan. Nagtatampo ba siya sa akin dahil naging malamig ako sa kanya kaninang umaga?

"Dumating na si Jerrold......." bigla niyang salita.

"Nasabi mo nga......"

"Simula nang magkakilala kami ng kuya mo, hindi mo na ako kinakausap sa text?"

"Ah," sasabihin ko na ang rason ko pero nag-aalangan ako.

"Ayaw mo rin makipagkita o makipaglaro sa akin?"

Matagal ko nang kaibigan si Warren Lee Gokongwei, mag-dadalawang taon na siguro? Nagkakilala kami ng hindi sinasadya, naging parang kapatid ang turingan namin sa isa't isa ngunit ayaw nitong tawagin ko siyang kuya dahil tumatanda raw ito kapag tinatawag siyang kuya. Paggalang nga eh kaya kuya, pero ewan ko sa kanya. Hindi ako nakikipagkaibigan sa mga mayayaman, pareho kami ni kuya DJ, subalit, exempted itong si Warren sa akin mabait kasi ito, mahilig sa pagkakawang-gawa, kaya ang unang paglabas namin ay ang pagpunta sa isang charity house ng mga batang ulila sa kanilang mga magulang. Andami nga niyang dalang gamit para sa kanila noon. Ilang beses na rin niya akong gustong bigyan ng mga mamahaling gamit (gaya ng laptop, iPad, cellphone, bola, orig na jersey ng NBA, sapatos at marami pa) subalit tinatanggihan ko lamang ang mga ito dahil tatanungin ako ng pamilya ko kung saan ko nakuha kung sakaling tinanggap ko ang mga gamit na kanyang ibinibigay sa akin, sinabi ko ito sa kanya kaya simula noon hindi na ito nag-attempt na magbigay pa.

Hindi kami naging interesado sa mga personal naming buhay, hindi nga niya kilala ang pamilya ko (noon iyon pero ngayon nagkakilala na sila ni kuya), ang alam lang niya ay kung saang eskinita ako dumadaan sa La Vista kung pauwi na ako. Alam kong player siya ng Blue Eagles, maraming tagahanga, at kilala ang kanilang pamilya. Ngunit ang request niya ay ituring ko lang siya na parang isang commoner na kagaya ko. Sa totoo lang humihingi ako sa kanya ng jersey ni kuya Thirdy pero ayaw niya akong bigyan, nasabi ko kasi na fan na fan ng pamilya ko si kuya Thirdy pero nabwisit lang siya nang sinabi ko 'yon, ang tanong pa niya, ba't hindi na lang daw siya, hahaha. Pero hindi ko na sinabi na may isang hindi fan ni kuya Thirdy, iyon ay si kuya DJ.

Mahilig siyang magpalibre sa akin sa tuwing natatalo ako sa pustahan sa laro o kaya kapag nanonood kami ng NBA sa kanyang condo. Ang paborito naming pinupuntahan ay ang Angel's burger, siyempre ito lang ang kaya ko..... at nang minsan, ako naman ay nananalo sa pustahan, uhmmm, nilibre niya ako sa i-Max sa Mall of Asia. Once or twice a month nagkikita kami, at madalas tungkol lamang sa basketball ang aming pinag-uusapan. Pero minsan nakwento nito ang buhay pag-ibig niya sa akin, iyong time na down na down ito. Pinakinggan ko lamang siya, at sapat na daw iyon para sa kanya.

Sabi sa akin ni Warren wala daw siyang ibang kaibigan bukod sa High Five at kuya Jerrold, kaya ako lang daw ang nag-iisa niyang kaibigan maliban sa kanila. At may isa pa palang nabanggit ito, may matagal na siyang hinahanap na long lost friend, at natagpuan na raw niya ito, naghihintay lang daw siya ng magandang tiyempo upang magpakilala sa kanya, subalit hindi niya nabanggit kung sino at nasaan na ang kaibigan niyang ito, basta ang sabi niya ay nasa malapit lang ito sa kanya.

Natahimik kaming dalawa, napatanaw na lamang ako sa labas ng bintana hanggang sa muli niya akong kausapin.

"Ayaw mo na ba akong maging kaibigan?" bakas ang lungkot sa kanyang boses, saktong nasa tapat pa namin ang isang stand ng Angel's burger nang mahinto ang sasakyan sa traffic, napatingin siya doon.

"Gusto mo kumain?" alok ko sa kanya.

"Kumain na ako," napatingin siya sa akin, "nakwento mo na ba ako sa kuya mo?"

"Hindi pa, ikaw kung gusto mo?" turan ko.

"Hindi na, mas mabuti na lang na magkakilala tayo sa pamamagitan niya......." napapaisip ako kung bakit? Pero kaninang umaga, napansin kong ibang-iba ang yakap sa kanya ni kuya, hmmmmmm?

"Bakit naman? Hindi ba mas maganda nga na magkakilala na tayo dati, at magkaibigan pa, tiyak matutuwa si kuya niyan......" bigla niya akong nahawakan sa aking kamay.

"Jayson, gusto mo bang malaman ng kuya mo ang nangyari 3 months ago??" kinabahan ako sa sinabi niya, of course ayaw ko. Kasalanan ko 'yon eh.

"Sige, ikaw bahala," malamig kong salita.

"Ba't hindi ka na nagpaparamdam sa akin?" kakaiba ang pagkakasabi niya, mag-syota ba kami?

"Hahaha, ikaw ha, para mo akong babyloves kung makapagsalita ka Warren?" pinanlakihan niya ako ng mata sa sinabi ko, at saka niya inilapit ang kanyang mukha sa akin... "Iyang boses mo..... tigilan mo 'yang Babyloves na 'yan...." iyon kasi ang tawag ng boyfriend ng kaklase ko sa kanya, best friend ng nililigawan kong babae.

"Ikaw naman hindi na mabiro, kamusta na kayo ni kuya Jerrold? Nakapag-usap na kayo tungkol sa inyong dalawa??" wow para akong kuya nito kung makapagtanong, hihihi.

Nang mag-open up si Warren tungkol sa kanila ni kuya Jerrold, dito ko naintindihan na posible rin pala ang true love sa magkapareho ang kasarian, subalit sa kwento niya parang mahal nila ang isa't isa ngunit kailanman ay hindi naging sila?

"Malabo na kami..........." saka siya napahinga ng malalim at napapikit.... "Huwag na natin siyang pag-usapan....."

"Okay po. Eh kayo ni kuya?" nagulat siya sa sinabi ko, masyado bang green ang mind ko para pag-isipan silang may something sa kanila???

"Kami ng kuya mo???"

"Oo....... magtapat ka nga sa akin, may gusto ka sa kanya???" diretsahan kong tanong. Napangiti lang ito, pero ang ngiti niya ay parang nagsasabing nagugustuhan niya nga ang kapatid ko.

"Matutulungan mo ba ako???" medyo seryoso niyang saad. Iyan tayo eh! Hahaha!

Napansin kong nasa tapat na pala kami ng presinto. Pagbaba namin ng sasakyan........ nagulat kaming dalawa nang biglang may lumapit sa amin.

"Lee, Jayson???" si kuya na kakababa din ng sasakyan, kasama si kuya Jerrold.


----------

written by J J Tilan

THE FALL OF ACHILLES

In Chapters 50-53, consistent parin tayo sa #1 in FANFICTION category, 1 week at number 1

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

In Chapters 50-53, consistent parin tayo sa #1 in FANFICTION category, 1 week at number 1.

Keep VOTING and more COMMENTS! Salamat!

Follow me on Wattpad for more updates: @guapitomapilyo

Add The Fall of Achilles on your Reading Lists

Let's be friends on Facebook: Jeron De La Asuncion

Like my Facebook page: Guapitomapilyo

The Fall of Achilles (BL Series)Where stories live. Discover now