Chapter 68

3.6K 144 8
                                    

Thirdy's POV

"Kuya Ren!!!" nabitawan ko ang kamay ni Damo nang magising ito mula sa isang masamang panaginip. Napaatras siya at takot na takot. Tila nagdaan ito sa isang traumatikong karanasan sa kanyang nakaraan sa lagay at ipinapakita niya ngayon at napansin ko na nang lapitan kami nitong babaeng doctor kanina. Lalong nanginig sa takot at pinagpawisan si Damo nang muli niyang makita si doktora. Hindi rin ako makatingin ng diretso at sabihin sa doctor na lumayo muna ito dahil may masama rin akong alaala sa mga babaeng doctor......... pero napansin kong kusa na itong umalis at dali-daling nakipag-usap sa mga EMT sa labas ng ambulansya.

Napatingin ako sa iisang direksyon habang pilit nilalabanan ang isang masamang alaalang bumabalik sa aking isipan........ ang panunumbalik ng nakakagimbal na hitsura ng isang miserableng babaeng pumapatay ng mga kawawang bata. Hanggang sa mapagtanto kong nasa tabi na ni Damo si Lee, kinakalma at inaabutan ng tsokolate.

"Huwag ka nang matakot, umalis na siya......heto oh," makalingang tinig ni Lee kay Damo, at nagulat naman ako dahil biglang kumalma ito.

"Salamat Lee, paborito ko ito....." mistulang naging gamot sa takot ang sneakers na inabot ni Lee kay Damo.

"Walang anuman....." akala mo naman na para siyang si Peter Parker matapos iligtas ang kanyang Mary Jane Watson nito sa kanyang pagngiti, umayos ka nga Warren Lee! Tssss!

"Tara na, dadalhin ka na namin sa ER para matignan ka ng doctor......" bigkas ko kay Damo na mukhang okay na.

"Okay pero sa lalaking doctor na lang ha?" mungkahi ni Lee.

Pansin ko, hindi man lang matanggal ni Damo ang tingin nito kay Lee habang ginagabayan namin ito sa pababa ng ambulansya, ano ba ang mayroon sa mukha ni Lee??? Mas gwapo ako diyan! Haaaay, lalabs ko nagseselos na ako........

"Kuya Ren???" bigla na lamang niyang tinawag na kuya Ren si Lee, pero teka lang...... "Damo sinong kuya Ren ba iyan???" tinignan ko siya sa mata.

"Ah, wala.... pasensiya na, may naalala lang ako........" aniya.

Biglang nag-ring ang telepono ko at nakita kong si Tito DS ang tumatawag, ang Papa ni Damo. "Lee alalayan mo muna si Damo," umoo sa pagtango si Lee, "tumatawag ang Papa mo, kausapin ko muna siya... diretso na sa ER, at huwag nang matatakot sa mga doctor...." sambit ko kay Damo. Nakitaan ko ito ng pag-aalala sa reaksyon niya.

"Thirdy........ Pwede...... sabihin mo kay Papa na...... okay lang ako?" nakikiusap niyang bigkas.

"Sige huwag kang mag-aalala, kakausapin ko ang Papa mo, at sasabihin kong okay ka na......."

"Salamat....."

Nang makalayo ako ng kaunti at makita kong dumiretso na sa ER sila Damo at Lee ay ako na ang tumawag kay Tito DS dahil naputol ang pagtawag niya kaninang nag-uusap kami ni DJ.

"Hello.....Thirdy iho...... Kasama mo ba si DJ?" nag-aalala ang boses na si Tito DS sa phone.

"Opo Tito, at dinala namin po siya dito sa De Loyola Medical Center...... pero huwag po kayong mag-alala dahil okay na po si DJ...... pinapatignan ko lamang po siya sa mga doctor sa ER kasama si Lee..."

"Doctor iho??? Uhmmmm, may phobia sa mga babaeng doctor ang aming DJ, at sa kahit sinong nakasuot ng puting lab gown....." kaya pala, dahil din ito sa suot ni doktora kaninang lab gown kaya natakot si Damo.

"Napansin ko po kanina, pero sinabihan ko na si Lee na lalaking doctor na lang ang titingin kay DJ......"

"Haaaay....masyado kaming nag-alala habang nanonood kami dito sa bahay ng live telecast ng UAAP. Pero iho, nakita namin kung papaano mo prinotektahan ang anak namin...... Maraming salamat ha?" ang punong-puno ng kagalakang tinig ni Papa....... este Tito DS pala sa telepono.

"Makakaasa po kayong nariyan ako parati para sa kanya......." Ba't anlawak ng ngiti ko?? Yeah!

"Salamat iho......"

"Wala po 'yon Tito, uhmmmm, ipapasundo ko na lamang po kayo diyan sa inyo at don't worry po, ang hospital at ang athletics committee na ang bahala sa room ni DJ hanggang sa makauwi siya bukas........ mainam po na makapag-rest siya, at dito na rin po kayo mag-stay dahil malawak po ang room na ibibigay kay DJ...."

"Sige iho, salamat ulit...."

"Okay po Tito, puntahan ko na po si DJ sa ER," at bigla akong nakasalubong ng isang babaeng doctor na nakaputing lab gown pagharap ko sa daan papasok ng ER...... nanlaki ang mga mata ko't napasinghap ako ng malalim. Hindi ko alam kung bakit hindi ko maigalaw ang aking katawan...... at kung bakit ako kinikilabutan sa mga sandaling ito....

Natigil ako......... para ba akong nagingestatwa sa daan, at bigla-biglang sumagi sa isip ko ang pagsigaw ni Damo ng"kuya Ren" kanina......at namutawi sa aking balintataw ang mgaalaalang ayaw ko nang balikan pa.........

at namutawi sa aking balintataw ang mgaalaalang ayaw ko nang balikan pa

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
The Fall of Achilles (BL Series)Where stories live. Discover now