Chapter 47

5.1K 207 7
                                    

Thirdy's POV

"You are both wearing the same style," ang magiliw na si Gretchen Ho, isang Atenista, and now a journalist from ABS-CBN sports. Pinagkakaguluhan kaming dalawa ni DJ ngayon ng mga piling press na pinapunta namin dito sa conference, kasama na rin ang mga napili ng PR department ng SD group na media and bloggers.

"Yes, this the limited edition Yin and Yang Chinese inspired style of Louis Vuitton fall season collection. Actually Gretch, may purpose kung bakit suot namin itong dalawa ni Damo Dela Cruz Jr. of senior men's Taekwondo team...." napatingin ako kay Damo habang nakangiti at ipinapakita sa media ang napaka-eleganteng style ng aming damit. "Uhmmm DJ, tell us about your advocacy," kaya mo 'yan Lalabs ko, huwag kang kabahan.

Ramdam ko ang kaba sa kanya ngunit nasagot niya ng maayos si Gretch. We are helping AWARE Society and Eroplanong Papel Foundation. Nang maiparating ko kay DJ ang layunin ng EPF ay lubhang natuwa ito, ramdam din kasi niya ang ilan sa mga athletes na kagaya niyang ilang beses nang hindi nakumpunta at nakadalo ng mga international competition and tournaments dahil kapos sila sa budget at walang suporta ang gobyerno.

Seconds after this interview mag-start na ang bidding, nakausap ko na rin si Lee at nasabi niyang naayos na ang lahat. May mga nagpapakita na raw ng interes at mukhang makakalikom daw kami ng up to 2 million pesos, and that would be great!

We are heading sa round table kung saan kami na-assign, hinayaan ko nang mauna si Damo sa aming table nang mapansin ko ang pagtawag ng organizer sa akin, siguro ito 'yong speech na ibibigay ko mamaya, at paglapit ko sa kanila ay okay na raw ito, nagawa na ng secretary ko. At nang matapos kong makausap ang event organizers ay nagtaka ako dahil hindi ko nakita si Damo sa table kung saan nakareserve ang pangalan ko.

Damo nasaan ka???? inilibot ko ang aking mga mata..... "Damo nasaan ka??????" hanggang sa makita ko siyang nakaupo, at sa gitna pa talaga ng dalawang Lagman na 'yon!

Nagmadali akong naglakad patungo sa kanila..... Hindi mo alam Damo kung ano ang galawan ng Gabriel Lagman na 'yan, he is the team captain of men's Taekwondo of La Salle, at ngayon pa lang ay pinag-aaralan ka na niya!

Alam ko ang galawan at tactics nila Gabriel at Brandon, pinsan nila ang posibleng makakatunggali ni Damo sa weight division nito.........at kung sa tingin nila.........magagamit nila ang strategy nila kay Damo??? HELL NO! Fair akong maglaro, sa ibang larangan, mano-mano kaya ko, but for this, for Damo, I will not let them off! You know Gabriel that I hate dirty tricks! Baka gusto mong magtapos na ang career mo, kayang-kaya kong gawin in just one click!

I grabbed Damo. Rinig nito ang malakas kong boses, ang pagtawag ko sa kanyang pangalan..... Mukhang alam na rin niya kung anong ibig sabihin ng tono ko.......... kaya walang tanggi itong tumayo at sumama sa akin.

"Thirdy, 'yang boses mo, babaan mo," kinakalma ni Damo ang kanyang sarili nang dalhin ko siya sa gitna ng daan, "doon oh, doon nakalagay ang pangalan ko...." itinuturo kung saan naka-reserve ang kanyang pangalan.

"I think you are being rude, man....." Gabriel try to steal a scene sa aming dalawa ni Damo. "DJ, diba doon ka sa table namin naka-reserve???" trying to win back Damo by grabbing his hand, Gabriel? Sumama na siya sa akin, you crap!

"He will sit beside me!" mas maangas kong bigkas. I am marking my territory Gabriel, he is mine!

I can feel the tension on Damo's eyes. I'm sorry Lalabs ko pero hindi kita ibibigay sa iba!

"We should follow the sitting arrangements! DJ sa tabi kita uupo!" sa tono ni Gabriel ay parang mas may authority pa ito sa akin, bro nasa teritoryo kita.

The Fall of Achilles (BL Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon