Chapter 1

10.8K 282 17
                                    

Damo's POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Damo's POV

"Itinuturing na bayani ng koponang Ateneo Blue Eagles ang third year student ng John Gokongwei School of Management ng Ateneo De Manila University na si Darren Sy III o maskilala sa palayaw niyang Thirdy matapos tanghaling kampion ang kanilang koponan at hirangin siyang most valuable player ng UAAP Season 80. Si Thirdy ang natatanging tagapagmana ng pinakamalaking business empire sa buong South East Asia ang Sy-De Loyola Group of Companies kaya naging mahirap umano para sa unibersidad na ipasok ang binata sa team nang dahil sa labis na pagtutol sa paglalaro nito ng basketball ng kanyang ina na si Madam Thetis De Loyola-Sy, ang tumatayong chairman ng SD Group, ang binansagang goddess of wealth of Asia na may net worth na humigit kumulang na 80 billion US dollars. Ayon sa mga eksperto magiging mas matagupay pa si Thirdy kumpara sa yumao nitong ama na si Darren Sy Jr. dahil sa hindi mapantayang kakayahan nito sa stock trading, at sa murang edad na 21 ay nakapagpatayo na ito ng sarili niyang korporasyon. Naging malaking tulong sa koponang Blue Eagles si Thirdy sa unang season pa lang nito sa UAAP," video paused.

Ito ang mga naririnig kong ingay nang magising na ako sa hospital at kita ko sa orasan na 9:00 AM na pala ng umaga, nahila ko ang damit ni Papa kaya natigil siya sa panonood sa kanyang cellphone.

"P-pa......... hindi ko alam kung ilang beses mo nang inulit-ulit panoorin 'yang video na kinunan mo pa sa TV," boses kong inaantok pa, at ramdam kong masakit pa ang aking batok.

Avid fan kasi siya ng Thirdy na iyon, kung sino man siya, MVP daw ng season 80 ng UAAP, takte, "Pa asikasuhin mo ako....."

"Anak saglit lang," si Papa at ibinangon ko na lamang ang sarili ko sa kama dahil parang hindi na ako pinapansin ng ama ko, haist!

"Pa nagugutom ako, may pagkain ba diyan???"

"Anak, ito lang ang pagkain, pasensya na dahil iyan lang benta sa canteen diyan sa labas," mabilis niyang inabot ang supot na may naka-pack na styro.

Bumukas ang pinto, "Mars, huwag mong ipakain yan sa inaanak ko!" malakas na tili ng Ninang Matmat ko na may dala-dalang take-out ng Jollibee. Kasama niya si Mama at ang bunso kong kapatid na si Jayson na Grade 10 Junior High School student.

Maduduwal na ako nang mapansin kong puto't dinuguan pala ang laman nitong styrofoam na biniling pagkain ni Papa sa akin.

"Ano ka ba DS, ba't mo pakakainin ng dinuguan ang anak mo!" galit na si Mama at kinuha ang pagkain na nasa tabi ko.

"Ako na ang kakain diyan! Hmpf, wala namang allergy ang anak mo sa dinuguan," sabay agaw ng pagkain kay Mama bago niya ito maitapon sa basurahan.

Ito ang aking pamilya, sa tabi ko ay ang aking mabait at magandang Ninang Matmat, siya ay isang transgender at batikan sa larangan ng gay beauty pageant, best friend ni Papa. Katabi ng bunso kong kapatid na magkasamang kumakain ng dinuguan ay ang Papa kong kamukha ni Gardo Verzosa, pogi pero hindi mahilig sa chicks in short beki rin gaya ng ninang ko, hehehe otherwise lagot siya kay Mama. Sa tabi ni Papa ay si Mama, maganda siya, kamukha ni Sylvia Sanchez pero tibo kaya astigin at takot sa kanya ang mga adik at sunog baga sa amin, hmmmm, kay mama siguro ako nagmana?? Hehehe. Tanggap at mahal na mahal ng mga magulang ko ang isa't isa kahit away bati ang mga ito. Sinasabi ng iba na hindi daw normal ang aming pamilya dahil bakla at tomboy ang mga magulang namin, pero.......nasanay narin kami ni bunso kaya hindi narin kami naapektohan sa mga pangungutya ng ibang tao, basta binuhay nila kami ng marangal at pinalaki ng maayos, iyon pa lang ay proud na kaming dalawa na magkapatid sa mga magulang namin.

The Fall of Achilles (BL Series)Where stories live. Discover now