Chapter 78

3.3K 147 25
                                    

Damo's POV

"Kuya Ren!!!!" naimulat ko ang aking mga mata, damang-damang ko ang malakas na pagdagundong ng aking dibdib.

"DJ," si Lee sa tabi ko, nagising siya sa gilid ng kama nang magising ako. Napabangon ako. Nasa hospital pa kami. Napatingin ako sa may orasan na nakasabit sa may dingding, alas otso na pala ng umaga. Nakita ko rin ang kapatid ko sa may couch na natutulog.

"DJ okay ka lang?"

"Oo, okay lang ako..... masama lang 'yong napanaginipan ko..." at bigla akong nasinok.

"Ako pala si Ren-ren, tawagin mo na lang akong kuya Ren. Saglit lang at kukunan kita ng tubig mo...." Ang boses ni Kuya Ren sa aking diwa, naaalala ko siya sa presensya ni Lee.

Nagbukas ng bote ng mineral water si Lee at inabot ito sa akin...... at naalala ko ang laha-lahat ng nangyari sa aking panaginip.

"Natutulala ka, huwag mo nang isipin ang napanaginipan mo........" aniya, at tumango ako. Gumaan bigla ang pakiramdam ko dahil mayroon si Lee sa tabi ko.

"Kayo pala ni Jayson ang kasama ko rito. Salamat."

"Walang anuman. Uhmmm, may inaasahan ka ba?" malumanay na tanong ni Lee.

"Huh? Wala...." Napangiti lang si Lee sa sagot ko dahil parang may sagot na sa tanong nito sa kanyang isip. Huwag mong isipin na hinahanap ko si kumag dahil okay na ako na narito ka sa tabi ko Lee.

Hmmm, nakakagaan din ng pakiramdam ang pagngiti niya. "Sana parati ka na lang dito at hindi na umalis sa tabi ko, Lee....." sambit-sambit ko sa aking isip.

"May gusto ka bang sabihin?" si Lee na parang nababasa niya ang diwa ko, hindi ko namalayang nakatitig pa pala ako sa kanyang mukha ng matagal, haaay.

"Ah, wala...." ani ko, at napangiti ulit ito.

"Nariyan na pala ang breakfast......" sambit niya at nagpasalamat ito sa nagdala ng pagkain namin.

Bumangon naman ang kapatid ko sa may couch nang maamoy niya ang pagkain. Nag-unat pa ng mga kamay ito at saka napatingin sa aming dalawa ni Lee.

"Mabuti na lang mayroon si kuya Lee na kasama ko at hindi ako na-bored magdamag...." Si Jayson na naglakad papalapit sa pagkain na inihahanda sa may hapag ng food service staff.

"Naglaro ka na naman siguro ng Mobile Legends magdamag," hindi halatang bulyaw ko kay Jayson.

"Oo, expert nga itong si kuya Lee," haaay, at inamin din niya, alam na nga niyang ayaw na ayaw ni Mama at Papa na nagpupuyat ito sa kakalaro ng mobile games, idinamay pa niya itong si Lee, haist!

Habang kumakain kami sa may hapag, nasabi sa akin ni Lee na hindi na bumalik ng hospital si Thirdy, wala rin daw ito sa kanyang penthouse o sa bahay niya, ito ang balita ng kanyang mga kaibigan. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman, at bakit parang hindi ako komportableng isipin at mabigat sa aking pakiramdam na hindi naging okay ang huling pag-uusap naming dalawa. Nakakainis talaga si kumag!

"Tara na Damo!" boses ni kumag sa aking diwa, ito iyong kagabi nang bugbugin niya si Simon.... Hindi ko alam kung inilalayo niya ako o pinupwersa ako ni Thirdy ng sandaling ito ngunit ramdam kong mabigat ang kanyang loob dito.

"Bitawan mo ako Thirdy....... hindi na ito ang inaasahan ko sayo, subalit nagkamali pala ako ng inakala......." at saka ko nilapitan si Simon.


Hindi ko naisip ang pakiramdam ni Thirdy sa mga sandaling iyon, dahil ang nakita ko ay mali ang kanyang ginawa sa kanyang kaibigan.

"Hindi parin siya matawagan," ibinaba ni Lee ang kanyang telepono sa mesa, si Thirdy ang tinutukoy nito. "Kumain ka pa, heto" sabay lagay ni Lee ng kanin at scrambled egg sa plato ko. At biglang may nagtext sa cellphone ko, narinig ko ang tunog nito sa mesa malapit sa kama. Napatayo ako at nagmadaling kunin ang telepono ko.

The Fall of Achilles (BL Series)Where stories live. Discover now