Chapter 20

8.5K 400 91
                                    

Damo's POV

Paggising ko kinaumagahan ay nag-ayos na ako ng gamit papuntang school, "hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa gagong iyon, halos araw-araw ako sa barangay hall na nagrereklamo sa pagtatapon ng Darren Sy III na iyon ng mansanas sa aming bubong, at alam mo ang parati nilang sagot sa akin??? Illegal settlers daw kami at lupa ng may-ari ng Vista Mall and Residences ang La Vista squatters area, it's their property kaya wala daw kaming karapatan na magreklamo, haaaaaaay!" hinaing ko habang kausap si Shane sa telepono.

"Sa totoo lang tama sila friend," si Shane over the phone.

"Grabe kanino kaba kakampi?"

"What I mean, it is their property, kahit magkalat siya sa inyo eh nasa teritoryo ka nila....." sagot ni Shane sa telepono.

"Kung ganyan din lang naman ay maghahanap na lang kami ng malilipatan, haaaay!"

Pero bago kami makalipat ay kailangan ko munang makaganti sa gagong pineapple head na 'yon. Monday morning noong nakaraang linggo ay nakita ko itong naghihintay ng sasakyan sa tapat ng parking area ng Vista Mall and Residences, nabalitaan rin namin ni Shane sa ibang empleyado ng mall na pinaalis ni Thirdy ang halos bente nitong bodyguards dahil naasiwa na raw ito sa kanila dahil kahit saan daw siya magpunta ay sinunsundan siya ng mga ito, mga dalawa o tatlo na lang daw ang natitira. Kapag nakita kita ngayon Darren Sy III, lagot ka!

Sampung piraso ng mansanas na may tig-iisang kagat ang nakasupot ngayon na dala-dala ko lulan ng aking bisikleta, ilan na rito ay nabubulok na at inuuod pa. Para akong naka-jackpot sa loto nang makita ko si Thirdy sa may parking area ng Vista Mall na tila naghihintay ng paparating na sasakyan, at pansin kong wala pa itong kasamang bodyguards! Hahahaha, this is it pancit!

Kita kong mag-isang ngumingiti-ngiti pa ito na parang may inaalalang nakakatawang bagay, at nang malapitan ko siya, "kamusta kaya ang tulog ng masamang damong 'yon? Ahahahahaha!" napahalakhak na tuloy siya. A-huh, ako pala ang nasa isip nito, ano naman kaya ang binabalak ng gagong ito?? Hmmmm...

"Hi Darren Sy......." nagulat ito nang biglang binati ko siya, para itong nakakita ng multo.

"Hey you, scavenger!" mayabang at mapang-insultong tono nito.

----------








Solomon's POV

Lulan kami nila Menard at Sim ng bagong bili kong itim na Jaguar, we are about to pick-up Thirdy papuntang university sa may parking area ng Vista Mall and Residences nang makita naming magkaharap sila ni DJ?

"Sim, Menard, look, Thirdy and DJ," itinuro ko ang dalawa nang ibaba ko ang bintana ng sasakyan, at rinig na rinig namin silang dalawa.

"Yes, I am a scavenger!" pretty confident na si DJ habang nakasakay sa kanyang bike.

"I'm glad that you admit it," nakangising si Thirdy.

"Pineapple head, I have something for you, here!" binuksan ni DJ ang supot na dala-dala nito sa kanyang bisekleta.

Napaurong bigla si Thirdy, "What the......ano yan???" at kita naming mga nabubulok na mansanas ang mga ito at sunod-sunod niyang ipinagbababato ang mga ito kay Thirdy.

"Ito ang para sa'yo!" galit na nanggigigil na si DJ.

"What the hell!! Ano ba, ano ba, itigil mo na 'yan! Aaarrrgghhh!" si Thirdy na ihinaharang ang kanyang mga kamay sa mga nabubulok na mansanas at kitang-kita mo ang pandidiri niya sa mga ito.

"Iyan pa! Iyan pa! Kainin mo lahat ng mga mansanas mo!"

"What the hell, ano ba.....aaarrrrgghhhh kadiri!!!!!"

Halos mamatay na kami ni Menard sa kakatawa, may phobia pa naman sa mga insekto lalo na sa mga bubuyog, gagamba at uod si Thirdy......at akmang bababa na si Sim ng sasakyan upang tulangan ito pero mabilis namin siya hinawakan sa magkabilang braso.

"Let me go!" nagpumiglas pa si kambal.

"Let them play, ahahaha!" ang tawang-tawa si Menard.

Nang maibato lahat ni DJ ang mga nabubulok na mansanas kay Thirdy ay mabilis itong nag-bike along Katipunan Ave papuntang university, at mabilis din siyang hinabolhabol ni Thirdy, ahahahahahaha!

"Lagot ka sa akin KAPAG NAHULI KITA!!!!!!!!" ang sumisigaw na si Thirdy habong hinahabol si DJ. Grabe para silang mga bata, ito naman ang gustong-gusto ni Thirdy, playing childish!

Sinundan lang namin sila. Hmmmmmm, mukhang mahahabol pa niya si DJ, "si Thirdy ang pinakamabilis tumakbo sa ating lima," bigkas ni Menard sa aking tabi habang sinusundan lang namin ang dalawa. Aligaga na nga si DJ dahil mukhang maaabutan na siya ni Thirdy hanggang sa matangay na nga nito ang kaliwang kamay ni DJ at natumba ang dalawa sa daan.

"What the fuck?????" si Sim na halos mapugto ang hininga at mapatayo sa kanyang upuan, kita naming sumubsob ang mukha ni DJ sa mukha ni Thirdy!




----------

written by J J Tilan

THE FALL OF ACHILLES

THE FALL OF ACHILLES

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Fall of Achilles (BL Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon