Chapter 18

4.6K 189 2
                                    

Solomon's POV

"Simulan mo na ang pagbilang," si Menard.

"Okay," itinutok ni Thirdy ang kamay nito sa may pinto ng penthouse, "Isa....... Dalawa....... Tatlo....... Apat....... Lima....... Anim....... Pito......... Walo........ Walo at kalahati......... Siyam....... Siyam at kalahati......... Samp...........Sampu.... Tadaaaaa!"

"Huh??? Asan na?" sabay naming sambit ni Menard habang pinipigilan ang tawa.

"Hahaha, kayo naman, alam ko na......" si Thirdy, at nagtinginan kami ni Menard habang napapaisip 'tong kaibigan namin.

"What???" ani ko.

"Alright, sa tingin ko wala siyang mukhang maihaharap sa akin ngayon, tignan niyo naman kung anong hitsura niya ngayon.......MALALA! Ahahahaha!" tawang napapalakpak si Thirdy. "Ahahaha, hindi ko naisip 'yon, masyado akong nagmamadali. Pero subukan ulit natin..... count down naman tayo ngayon, baka mas effective 'to," at nagsimula na si Thirdy na mag-countdown.

"Ten....... Nine...... Eight..... Seven........ Six........ Five.......... Four......... Three....... Two..... T-two...." nageexpect talaga siya, "T-two.... One....." pero walang Damo Dela Cruz Jr. na pumasok ng pinto.

I'm about to tell na tawagan niya si Sim pero ito na ang kanyang ginawa.

"Sim, anong problema???? Hindi ba't ginawa niyo naman ang ipinapagawa ko sa inyo??? Anong nangyari, ba't hindi pa siya nagpupunta rito sa taas????"

"May dumating na parak!" si Sim over the phone.

"Wala akong pakialam kung may dumating na pulis! Saan nagpunta ang DAMO NA 'YON????" his pissed-off tone, hahahaha.

----------




Damo's POV

"Sa tingin nila susukuan ko sila, lalo na po 'yong Thirdy na 'yon??? Hindi po Papa God," humihikbing nakatayo kausap ang Panginoon sa harap ng altar ng St. John Paull II church. Wala na akong matakbuhan kanina, ang simbahan ang una kong nakita, kahit pilit akong iniimbita ng pulis sa presinto upang ireport ang ginawa nila sa akin, tumanggi na lamang ako at mas pinili kong magtungo rito sa harap ng altar, magsumbong kay Papa God.

Napayuko ako, at napatingin sa sahig.......iniisip ko kung ba't nangyayari sa akin ang ganito.......ilang sandali at napasinghap ako ng malilim, kailangan kong tatagan ang loob ko.

"Ako si Damo Dela Cruz Jr. hindi nila ako kaya, pinili nilang kalabanin ang maling tao!" nagpatuloy lamang ang padaloy ng aking mga luha habang pinapagpag ko ang duming kumapit sa aking polo kahit napakaimposible na itong maayos pa (nangagalaiti ako dahil sinira nila ang regalo sa akin ng Ninang ko, at ang bike na regalo sa akin ni Papa noong nakaraang birthday ko).

Muli akong napatingala sa imahe ng Panginoong Hesus sa altar, "andami po nilang sinayang na uling kanina....ibinato-bato lang nila sa akin ang mga ito, hindi po ba nila alam na maraming pamilya ang hirap sa buhay, ni kahit uling na gagamiting panluto ng kanilang makakain ay wala sila??? Papaano po nagagawa ng mga batang iyon na sayangin ang napakaraming uling....sa tingin nila, madali lang gumawa ng uling??? Ilang ulam, barbeque o isaw na kaya ang pwedeng maihaw sa ganoong karaming uling na sinayang nila kanina...... Hindi lang siguro nila naranasan ang maiharapan sa buhay, ang mamilipit ang tiyan sa gutom, ang mangalakal ng basura may makain lamang sa pang-araw-araw at ang kumain ng pagpag (left overs o tira-tirang karne galing sa mga fastfood). Panginoon ko, bigyan niyo po ako ng lakas upang mapatawad ko sila....."

Ilang sandali kong ipinikit ang aking mga mata at nanalangin....

"Ehemmmm...." nanlaki ang aking mga mata nang may marinig akong umubo, akala ko ay mag-isa ko lamang dito sa loob ng simbahan.

Paalis na sana ako. Nang mapalingon ako sa dulo, malapit sa imahe ni Pope John Paul II ay nagulat akong makita si Warren Lee Gokongwei, kulay puting t-shirt ang suot nito, mas lalo siyang nagmukhang anghel sa kanyang hitsura, at pansin kong katatapos lamang niyang lumikha ng isang portrait. Inilapag nito ang gamit niya sa pagpipinta at saka ito naglakad papalapit sa akin. Para akong mistulang groom na naghihintay ng kanyang groom dito sa harap ng altar habang pinagmamasdan ko ang paglapit ni Warren Lee sa akin. Bumibilis ang pagtibok ng puso ko, hindi ko alam kung anong iisipin ko, ramdam na ramdam ko ang kaba sa aking dibdib......

"Haaaaay, sa tuwing nakikita kita ay parating kang maingay......" bungad nito sa akin.

Hindi ko alam kung papano ko siya kakausapin sa lagay kong ito.......hiyang-hiya ako sa kanya, baka iniisip na niya kung nasaan na ang nagtatapang-tapangan na Damo Dela Cruz Jr. ngayon.......

"Uhmmmm, alam mo kung papaano mag-ihaw ng masarap na isaw???" nagulat ako bigla sa tanong niya....

"Isaw?" rinig na rinig niya lahat ng mga sinabi ko kay Papa God kanina.

"Oo, isaw...."

"Uhmmm, linisin mo ng maigi 'yong isaw, saka mo ito pakuluan ng may halong asin, buong paminta at dried bay leaves...."

"And then?"

"Lagyan mo rin ito ng suka, pakuluan mo ito ng 30 minutes..... at hayaan mo itong lumamig pagkatapos."

"Aaaah, madali lang pala....tapos iihawin na...." napatango lang ako ng dalawang beses.

Humakbang pa ito ng isa papalapit sa akin at saka ito yumuko habang pinagmamasdan ang madungis kong mukha (masyado siyang matangkad kumpara sa height ko). Hindi ko matignan ng diretso sa mata si Lee kaya napatingin na lamang ako sa sahig, hiyang-hiya ako sa kanya ngayon.

Ngunit bakit ganito??? Unti-unting bumibilis ulit ang pagpintig ng aking puso habang nakatuon sa kanyang mga mata itong madungis kong mukha.........hanggang sa iangat nito ang kanyang kamay sa aking pisngi, hindi ko na pala napansin ang pagtulo ng aking mga luha habang nakayuko't iniiwas ang tingin sa kanya.

Naramdaman ko ang mainit na paghaplos nito sa aking pisngi, ang pagpahid ng kanyang kamay sa aking luha at napahinga ito ng malalim.

Nang bitawan niya ang paghaplos sa aking mukha ay laking gulat ko nang bigla nitong hubarin ang suot-suot nitong damit, tumambad sa aking harapan ang maputi at magandang hubog ng katawan ni Lee.

Hindi ko alam kung mabibingi na ako sa lakas ng pagpintig ng puso ko ngayon.

"Heto isuot mo....." kinuha niya ang kamay ko at ibinigay ang kanyang puting t-shirt sa akin.

" kinuha niya ang kamay ko at ibinigay ang kanyang puting t-shirt sa akin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
The Fall of Achilles (BL Series)Where stories live. Discover now