Chapter 13

4.8K 220 6
                                    

Paris Buencamino's POV

"Sorry?" nag-aapoy ang mga mata ni Thirdy ngunit kalmado ang boses nito. "Kung madadaan sa paghingi ng tawad ang lahat, ano sa tingin mo ang silbi pa ng mga batas........at ng mga pulis???" dama mong nakakahiwa ng lalamunan ang kanyang pagkakabigkas.

"Master, aksindente po ang nangyari......papalitan ko na lamang po ang suot-suot niyong damit at sapatos....sabihin niyo lamang sa akin kung saan niyo po ito nabili....."

"Ano sa tingin mo, mas mayaman ka sa akin?" shit, that sound of his voice....I smell red knuckles!

"P-po?" parang tangang hindi narinig ang sinabi ni Thirdy, John Lloyd hindi mo kayang palitan ang mga 'yan.

"Kahit sabihin mong mas marami ka pang pera sa akin, imposibleng kaya mong palitan 'tong mga suot-suot ko ngayon.... Itong sapatos ko, limited edition ito ng Hermes, 'tong damit at jeans ko, alam mo ba kung magkano ang pares nito???"

At si Sim na nasa gawing kanan ni Thirdy ang nagbigay ng mga detalye nito, "The limited edition of Dussault Apparel's Thrashed Denim Line, it is being sold for 100,000 US dollars each. They were washed and hand painted 15 times to achieve the unique look of the denim and the t-shirt. Oh, and they also had over 15 carats of emeralds, 4 carats of diamonds and a lot of golden skulls...." napanganga ang lahat sa mga sinabi ni Sim.

"Ngayon sabihin mo sa akin kung papaano ka makakabili nito? Kahit buong buhay mo akong pagsilbihan ay hindi mo 'to mapapalitan......"

"Ma-master sorry po.....lilinisin ko na lang po....aayusin ko na lang po....gagawin ko po ang lahat ba-basta mapatawad niyo lang po ako........" ang takot na takot na mabigyan ng red knuckles na si John Lloyd.

"Gagawin mo ang lahat?????"

Tumango ng tumango si John Lloyd, "Opo... opo... opo master....."

Humakbang papalapit sa kanya si Thirdy, "sige.....dilaan mo ang sahig hanggang sa malinisan mo ang lahat ng tomato juice na natapon mo."

Gulat ang lahat sa kanilang narinig at saka nagbulungbulongan.

"Ano po???" nagmamaangan pang hindi narinig, John Lloyd it's crystal clear, dilaan mo na ang sahig!

"Bingi ka ba o tanga?? Ang sabi ko dilaan mo!"

Nang mapalingon ako kay DJ....... Hala, nanginginig na ang isang kamao nito at tila mababasag na sa isa niyang kamay ang hawak nitong baso ng tomato juice! Sa hitsura ni DJ ngayon ay parang handa na itong manapak! Kaunting push na lang at makakatikim na siguro si Thirdy sa kanya....sige Thirdy apihin mo lang ang kaibigan niya.

"Master Thirdy........" mangiyakngiyak na si John Lloyd. Ano na, dilaan mo na kasi.

"Diba ang sabi mo gagawin mo ang lahat????"

Akmang yuyuko na at didilaan na sana ni John Lloyd ang sahig nang............ "Pwede bang tumigil ka na?????" umeksena bigla si DJ na parang guro na pinapagalitan ang estudyanteng si Thirdy, lumapit at pumagitna ito sa dalawa. "Sa tingin mo sinadya niyang matapilok dahil lang sa gusto niya? Ang paghingi niya ng tawad ay hindi pa ba sapat????"

Sarkasitikong napangisi lang si Thirdy sa sinabi ni DJ, "Sino ba 'tong pakialamerong ito??? Aaaaah, maalala ko na, ikaw 'yong sales boy na estupido??!!" at parang may gusto pang idagdag si Sim kaya inilapit nito ang bibig sa tainga ni Thirdy...... "Siya 'yong binansagang bayani ng mga kabataang squatter slash scavenger ng Payatas dumpsite, ang tinaguriang The Flash," halos mapabuga ito ng tawa pagkabulong ng impormasyon sa kanya.

Rinig din ng tatlong miyembro ng High Five ang sinabi ni Sim. Si Sol at Menard ay nakahalukipkip lang na nakangisi, mukhang nage-enjoy silang dalawa sa ganap....ngunit si Lee ay parang walang pakialam, nakatingin lang sa kabilang direksyon habang nakikinig sa kanila.

"Aaaah, so ikaw ang sikat na The Flash, ikaw pala 'yong pinaguusapang Flash.....nangangamoy inidoro ang binansag sayo...." Mas naging mapanginsulto pa ito. "So.......kung ikaw si The Flash, aba, kailangan na naming mag-ingat baka biniyayaan ka ng malilikot na kamay, laking squatter ka siguro ano?" well kung ikaw ang makakarinig ng mga binitawang salita ni Thirdy ay maiinsulto ka talaga. "Natatakot na tuloy ako....." at nagbaby talk pa talaga siya sa bandang huli....at nagtawanan sila Sim, Sol at Menard.

"Nakakatuwa naman dahil natakot kita," sarkastikong turan ni DJ sa kanya.

"Ano bang agenda mo talaga? Ang makisawsaw sa issue ng iba? Why don't you mind your own business???? Nasty scavenger...." Parang hindi naman affected si DJ sa pagiging scavenger, okay go DJ kaya mo yan! Mukhang triggered na nga ang kamay niyang may hawak na tomato juice....at tiim-bagang na napasinghap muna ito bago niya sinupalpalan ng sagot si Thirdy.

"Hindi siya iba o naiiba sa akin! Kaibigan ko siya! Sa tingin ko, wala sa bokabolaryo niyong mayayaman ang salitang kaibigan o pagkakaibigan???" at napansin kong na-impress si Lee sa sinabi ni DJ.

"Pagkakaibigan???" napangisi lang ulit si Thirdy. "Sige tignan natin kung anong ibig sabihin ng ibinubuga mong pagkakaibigan na 'yan........." minata niya ng pataas-pababa si DJ, "dilaan mo," ang tinutukoy niya ay ang kanyang Hermes na sapatos.

"Anong sinabi mo???"

"Kakalimutan ko ang nangyari ngayon at lahat ng sinabi mo kapag dinilaan mo 'tong sapatos ko."

Napatingin si DJ sa mga tao sa kanyang paligid at ramdam niya ang mga reaksyon ng mga ito sa mukha na pinagtatawanan nila ito. Iyong iba ay nanginginig sa takot kay Thirdy.

"Ano, didilaan mo ba o hindi?? Ayokong pinaghihintay ako ng matagal......." nakangising si Thirdy, at napabuga si DJ para kalmahin ang sarili. At nang akmang yumoko si DJ ay nagulat si Thirdy at nakitaan ito ng tuwa sa labi dahil hindi niya inaasahan ang pagtiklop nito sa kanya... Seryoso DJ, didilaan mo???

Unti-unting yumuko si DJ hanggang sa mapaluhod ang isa niyang binti sa sahig........hanggang sa isaboy niya ang hawak-hawak nitong tomato juice sa mukha ni Thirdy, "Tang-ina mo!!!!"

To be continued...

The Fall of Achilles (BL Series)Where stories live. Discover now