Chapter 48

8.8K 473 483
                                    

Damo's POV

"DJ...... Sa tingin ko, gusto ka ni Lee...." ang hindi ko inaasahang saad ni kuya Jerrold.....sa nasabi niya ay nanlaki ang aking mga mata at napangiti sa sa pagkagulat.

"Kuya, imposible pong magkagusto sa akin si Lee... Imposible kuya....... dahil lalaki po siya," naputol ang sinabi ko nang hawakan niya ang kamay ko.

"Namumula na medyo nangingitim ang kanang pulso mo," napailing siya, "si Thirdy talaga....." at binuksan niya ang maliit niyang bag, kinuha ang ointment para sa pasa. Sa higpit kasi ng pagkakahawak ng kumag na 'yon sa kamay ko, ito ang nangyari.

"Mabuti na lang may dala akong ointment," siya na sana ang magpapahid nito ngunit nahiya na ako. "Kuya ako na," napangiti lang siya sa akin kaya hindi ko na siya napigilan.

"Kung kaibigan ka ni Lee, ni Thirdy.... lalo na at kasundo mo rin ang mga kapatid ko, ituturing na rin kitang parang kapatid........" napatingin siya sa aking mata, "sana DJ, kalimutan mo na 'yong nangyari kanina, okay lang ba?" his sincere voice.

"Okay po, kuya...." at binuklat ulit niya ang kanyang bag.

"May bracelets ako dito na babagay din diyan sa suot mong damit, wear this nang matakpan ang marka ng daliri ni Thirdy diyan sa kamay mo...." is these Yin-Yang red and blue bracelets??? Wow! Pero nakakahiya naman na tanggapin ko ito, "kuya hindi na.... wala naman sigurong makakapansin nitong pasa sa kamay ko..... mawawala rin ito.... dahil sanay na akong magkaroon nito dahil sa Taekwondo," pagtanggi ko.

"Take it......" he insists. "Nakuha ko ang mga 'yan sa New China Town sa US, second hand siya pero maswerte daw ito dahil ang huling nagmay-ari ng mga iyan ay mga legally and happily married na LGBT couple, at sa kanila ko iyan nakuha.......pakibigay na lang kay Thirdy 'yong isa," isinuot nito ang kulay pula sa aking kanang kamay. Ba't kay Thirdy?

"Salamat kuya," nagagalak ako, ang bait talaga ni kuya Jerrold, at saka niya inilagay sa aking palad ang kulay bughaw na kapareha nito.

"Ibigay mo na kay Thirdy itong colour blue nang mabago ang mood niya..... Sana maintindihan mo siya......... dahil malungkot ang isang kagaya ni Thirdy..." at ibinaling nito ang tingin sa telepono niya nang may matanggap itong mensahe.

Malungkot??? Nasa kanya na ang lahat, malungkot pa ang kumag na iyon????

Hanggang sa biglang pumasok sa aking isipan ang nangyari sa loob ng men's locker room sa Blue Eagle Gym.......

Nakatayo akong nagpapahid ng luha sa harapan ni Thirdy, galit na galit, nasusuklam sa kanya.....

"Kagabi, nang makakita ako ng bulalakaw, hiniling kong sana........hindi ka na maging miserable nang maging payapa naman ang mga tao sa paligid mo! Nakakaawa ka!"

Nanlaki ang mga mata niyang namumula at nangingilid ng luha nang dahil sa sinabi ko, humakbang ito papalapit sa akin, napaatras ako ng napaatras ngunit manlalaban ako kung sakaling mananakit ito, at tumama ang likod ko sa locker. Kitang-kita ko ang matinding emosyon sa kanya mukha, "ANONG SINABI MO?????!!!!" halos mabingi ako sa galit niya.

"NAKAKAAWA KA!!!!!!!!!!" I gave him what he deserve at hindi ko namalayan ang malakas na pagsuntok niya sa locker, dumagundong ng malakas ang dibdib ko't napailag ang mukha ko sa braso niyang halos dumampi na sa pisngi ko. But when I saw his murderous eyes, dito na ako sobrang kinabahan..... akala ko'y muli niya akong sasaktan, subalit...........bigla na lamang niya akong hinalikan! Hindi ko siya nagawang labanan, nadadaig niya ako dahil sa sobrang lakas niya.......... mas ginusto ko na lang sanang dinapuan niya ako ng malakas na suntok sa mukha kaysa sa ganito.

And I hate to admit that.......... my first kiss came from the person I hated the most!



"Nagkamali ako, hindi ko dapat sana sinabi iyon......." hindi sana niya ako nahalikan.

"Nasabi ang alin DJ?" si kuya Jerrold at inilapag nito ang kanyang telepono sa sink.

"Ah, uhmmmm, kuya Jerrold, malungkot ba talaga ang isang kagaya ni Thirdy???" at tumango lamang ito ng dalawang beses sa sinabi ko hanggang sa bigyang linaw niya ang aking katanungan.

"Ikinukubli niya ang kanyang kalungkutan sa pamamagitan ng pambu-bully sa kanyang kapwa, pagiging rude sa iba......"

"Hindi ako makapaniwalang malungkot ang isang kagaya niya, si Thirdy????" nakitaan ko ng simpatya kay Thirdy si kuya Jerrold.

"Sa totoo lang DJ, sa loob ng isang taon minsan o dalawang beses lang niya makita ang kanyang ina simula nang maulila ito sa ama....... Simula nang ipanganak siya, hindi siya itinuring ng kanyang ina na anak, and for Auntie Thetis, his mother, Thirdy is the heir of SD Group, and not her son..... at napapalibutan siya ng mga tao sa kanyang tahanan na ang turing sa kanya ay tagapagmana, hindi kaibigan o pamilya....... Sa tingin mo, kaya mo ang maging isang Darren Sy III?" napailing ako ng dalawang beses sa nasabi ni kuya Jerrold. Tumamlay ang aking mukha, at tila nadama ko na ang pinanggagalingan ng kung anuman ang mayroon sa personalidad ni Thirdy.

"Ngunit huwag kang padadaig sa kanya, ha?" magiliw na nasabi sa akin ni kuya Jerrold ng hindi ko inaasahan, kunwari hindi ko narinig.....

"Po?" napangiti lang ako.

"Gusto kita, kaya susuportahan kita...... Good luck sa finals ng UAAP!" tinapik niya ako sa aking balikat, "tara, balik na tayo doon......"

Naglakad na kami papalabas, nasa tapat na kami ng pinto, "DJ naiwan ko ang cellphone ko," bumalik si kuya Jerrold sa may tapat ng salamin.

Hahakbang na ako papalabas ng pinto upang hintayin si kuya Jerrold dito nang biglang may isang lalaking kamuntikan nang makabangga sa akin......... "DJ!" si Lee pala ito, nagulat pa ako.

"Lee!" kita kong hinihingal siya, mukhang galing pa siya sa study hall para magtungo lang rito, mukhang mayroon siyang importanteng sasabihin.

Kinuha niya ang dalawa kong kamay, pinagsalubong niya ito at ikinulong sa kanyang magkabilang palad habang nakatingin sa aking mga mata. "Alam ko na kung sino ang may kagagawan ng pag-atake sa iyo kaninang umaga....." nasurpresa ako sa kanyang isinaad.

"Lee......." boses ni kuya Jerrold ngunit ang kanyang mga mata ay nakatuon sa aming mga kamay na magkalapat ni Lee.

"At sino ang may kagagawan????" biglang dating na si Thirdy sa likod ni Lee, at sa kanyang boses ay daig pa niya ako na biktima na gustong maghiganti!





----------

written by J J Tilan

THE FALL OF ACHILLES

FIRST MILESTONE OF THE STORY, CHAPTER 21 MARKS THE FALL OF ACHILLES AT NO. 1 SPOT IN FANFICTION CATEGORY ON WATTPAD.

 1 SPOT IN FANFICTION CATEGORY ON WATTPAD

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Fall of Achilles (BL Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon