Chapter 57

3.9K 175 17
                                    

Damo's POV

"Lalabs ko, huwag ka nang angry, we are just friends!" halos mabilaukan na ako sa nginunguya kong lechon sa nabasa kong status ni Thirdy sa kanyang fanpage, mabilis kong dinampot ang baso ng ice tea sa gawing kaliwa ko, at nilagok ko ito ng mabilis.

"Ice tea ko 'yong ininum mo," si Lee na natatawa sa akin.

"Sorry, feeling ko macho-choke na ako sa kinakain ko," at nilagyan pa ni Lee ng ice tea mula sa pitchel ang baso....... "Inom ka pa," inabutan niya ako ng tissue, "pinagpapawisan ka DJ.....ang lamig-lamig naman dito sa restaurant....."

Napatayo na lang ako sa mesa, at naisipan kong pumunta ng restroom habang dala ang gamit dahil kailangan kong huminga ng malalim at makapaghilamos, "CR lang ako," sambit ko sa kanila.

Haaaaay! Whew! Pagpasok ko ng restroom ay biglang tumunog ang Facebook messenger ko at nakita kong nakikipag-video call si Darren "kumag" the third!

"Mabuti naman at sinagot mo kaagad ang tawag ko...... na-miss mo siguro kaagad ako ano??" labas ngipin ang ngiti niya, ibang klase rin siya, masyadong feeling, hahahaha! Hindi ko siya inimik, inirapan ko lamang siya sa telepono. Mukhang katatapos lamang ng conference, papasakay na ito ng kanyang makintab na sasakyan kasama ang kanyang mga bodyguards. "Oh ba't ganyan ang hitsura mo lalabs ko???

"BU---" BURAHIN MO 'YONG POST MO SA FACEBOOK!!!!!! Haist, hindi ko masabi.... grrrrrrr! Baka isipin niyang affected ako sa post niya, hmmm, hindi ah!

"Anong bu-bu ka diyan???" aniya.

"Buwisit ka!!!!" at saka ko siya binabaan ng tawag, hahaha!

Makapag-toothbrush at hilamos na nga nang mahimasmasan ako, whew!

----------






Thirdy's POV

"Ibang klase ah, binabaan ako ng tawag! Haist!" naitapon ko ang iPhone ko malapit sa manibela ng sasakyan.

"Pakiabot ang isa kong cellphone," utos ko sa katabi kong bodyguard.

Matawagan nga si Lee, nag-message si kuya Jerrold na magkakasama daw silang tatlo sa isang restaurant diyan sa malapit.

"Bakit?" pagkasagot ni Lee sa telepono.

"Kasama mo ba si Damo????"

"Uhmmmm, hindi, bakit???" sa tono ng boses niya ay mukhang nagsisinungaling ito at nang-iinis!

"Sinungaling! Ibigay mo nga ang phone kay kuya Jerrold, kausapin ko siya," hindi kasi niya nabanggit kung saang restaurant sila ngayon.

"Nasa restroom siya, sige na kumakain pa ako," at binaba ang tawag.

Haaaaay! Anong klaseng mga nilalang ito, binababaan na lamang ako ng tawag!

Nakatanggap ako ng private message kay kuya Jerrold, "Nandito kami sa Jessica's Lechon, bilisan mo, patapos na kami...."

Nagsalubong ang kilay ko sa message ni kuya Jerrold, "bilisan mo, patapos na kami??? huh?"

Napatingin ako sa driver.

"Hoy Paul George!" bulyaw ko dahil ang kupad magmaneho, iniingatan niya kasi itong bago kong Lamborghini Limo, "sa Jessica's Lechon tayo, bilisan mo kung hindi papalitan na kita!"

"Opo Sir, diyan lang 'yon, malapit na tayo...."

"Good!"

Hmmm, kailangan pa lang ma-dry clean itong suot ko, kinuha ko ang paper bag sa tabi ko na naglalaman ng damit na isinuot ni Damo kanina, napangiti ako nang amuyin ko 'to, hahaha! Hmpf! Pabango ni Lee ang ginamit niya kanina! Masakit sa ilong!

Napatingin ako sa mga bodyguard kong kasama, nakatingin kasi sila sa akin habang hawak-hawak ko 'tong damit ni Damo.... "Anong tinitingin-tingin niyo diyan??? Kuhanan niyo nga ako diyan ng magandang pares ng damit, kailangan kong magpalit, bilis!" bigla silang na-tense sa pag-uutos ko't nagmadali silang namili ng isusuot ko sa mga naka-hanger kong gamit.

"Ikaw, ipa-dry clean mo ang mga ito mamaya, ingatan mo 'yan!" pagkahubad ko ng suot ko at saka inilagay sa paper bag kasama ang damit ni Damo. "Opo," malugod na turan ng nasa tabi kong bodyguard.

---------- 






Damo's POV

Tawag ng tawag si Thirdy, cancel naman ako ng cancel, hehehe. Napatagal na kami ng usapan ni kuya Jerrold dito sa loob ng restroom, napansin nga niya ang kanina pang tumutunog kong phone hanggang sa i-silent mode ko ito.

Hindi ko akalain na ang dating napapanood ko lang sa TV ay mapapalapit sa akin. Nabanggit din ni kuya na kadarating niya galing America, hindi man daw siya naging matagumpay doon pero at least masaya parin siya dahil sa experience nito nang subukan niyang pumasok sa isa sa mga koponan ng NBA. Nakakatuwa nga rin nang mabanggit ni kuya Jerrold na bahagi siya ng AWARE society kung saan kami volunteer ni Shane, at na-excite ako dahil pwede rin daw kaming magpart-time job dito maliban sa pagiging instructor namin sa kanilang Taekwondo gym.

Kinabahan ako nang dumako na sa bidding ng damit ang topic namin. "As of 5:00 PM, mahigit 40,000 USD na ang highest bid sa damit na isinuot mo kanina," nanlaki ang mata ko sa ibinalita ni kuya Jerrold, ipinakita niya ito sa kanyang iPhone.

"Ang galing naman kuya, eh 'yong kay kumag??" aargghh, itong dila ko..... Ba't ko tinawag na kumag si Thirdy, baka isumbong niya ako?

"Ahahahaha, 'yong kay Thirdy???" natawa lang si kuya sa sinabi ko, at saka niya ipinakita ang bid.

"Wow!!!! 122,500 USD????? Andami pa lang mayayaman sa ating bansa....... mga magkano kaya iyon kuya??"

"More than 6 million pesos, uhmmm, karamihan ng mga bidders ay from Mainland China and some from Europe, trending na nga kayo sa Twitter," nasurpresa naman ako sa balita. Maalala kong international pala ang bidding.

Hindi ko ba alam kung bakit ako biglang kinabahan, gusto kong tumulong pero ayaw kong maging trending at pag-usapan sa internet, ngunit heto't narito na tayo, kailangan ko itong panindigan para sa charity.

"Huwag kang mag-alala DJ lilipas din ito," parang alam ni kuya Jerrold ang nasa isip ko. That is why, I like him as kuya.

Paglabas naming dalawa ng restroom ay biglang bumulaga sa aking paningin ang mukha ni kumag sa tabi ni Warren Lee, naka-white t-shirt din ito na tumiterno sa suot kong damit. May pangiti-ngit pa...... parang sinadya talaga nitong sundan kami dito sa restaurant.

 parang sinadya talaga nitong sundan kami dito sa restaurant

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
The Fall of Achilles (BL Series)Where stories live. Discover now