Chapter 42

4.9K 198 30
                                    


Simon's POV

Pagbukas ni Menard ng coaster, kitang-kita ko sa loob ang nagbibiruang sila Brandon, Gabriel at DJ, parang close na nga sila sa isa't isa??? Ngunit nang mapansin nila si Thirdy sa tabi ni Menard ay biglang natahimik ang tatlo. Iba ang tingin ng isang Darren Sy III sa kanila, alam 'yan ni Lee, alam ni kuya Jerrold at ng dalawang niyang kapatid kung anong ibig sabihin nito, alam ko at alam din ni Menard, maliban lang kay.....Damo Dela Cruz Jr..

"Thirdy, Menard, Sol, long time no see!" bati sa amin ni kuya Jerrold, "see you around, sa kotse na kami sasakay," nasabi ko sa kanya. "Kuya Jerrold, what's up!" si Menard na nakipag-high five kay kuya Jerrold at saka tumabi ito sa kanya. Ngunit itong si Thirdy, walang imik, pinagmamasadan lang sila DJ, Brandon at Gabriel.

Ilang sandaling katahimikan...... "Hindi ka ba sasakay?" si kuya Jerrold kay Thirdy.

Hanggang sa mabigla kaming lahat nang pumasok ng coaster si Thirdy at mabilis na kinuha ang kamay ni Damo Dela Cruz Jr., "halika rito at mag-uusap tayo," aniya, maayos naman siya, at nakangiti pa ito sa kanila. Napabuntong hininga ako dahil itong malanding DJ ay sumama rin sa kanya!

Bigla kaming nakahinga ng maluwag nang maging maayos ang pakikitungo ni Thirdy, ang akala namin ay magaamok na ito. Ang kilala kasi naming Thirdy ay 'yong tipong makikipagbasag ulo ito sa taong hindi gusto lalo na kung walang pipigil o aawat sa kanya.

Nagtinginan silang lahat sa loob ng coaster, sa inasal ni Thirdy ay parang isang laruan si DJ na ayaw niyang ipahiram, napapabuntong hininga na lamang kami nila Jariel at Jaypee sa nasaksihan namin.

"Sige umalis na kayo, sunod na kami!" maangas na si Thirdy at umandar na ang coaster papuntang sports complex.

"Bitawan mo na ako, ang higpit ng hawak mo sa kamay ko...." ang gustong kumawalang si DJ ngunit hindi parin binibitawan ni Thirdy ang kamay niya.

Napatingin sa aming tatlo si Thirdy, "umalis na kayo, sumunod na kayo sa kanila!" ma-awtoridad niyang saad. Wala akong nagawa kundi magtimpi muna at sundin siya.... "tara na, narinig niyo naman ang sinabi niya..."

"The nerve, ano itong nangyayari Master Sim, ba't sa hitsura at kinikilos ni Master Thirdy ay parang may something sa kanila ni DJ????" inis at iritableng pagkakasambit ni Jariel habang naglalakad kami papunta ng kotse.

----------





Damo's POV

Ang higpit ng hawak niya sa akin, kitang-kita ko sa mahahaba niyang mga daliring nakakulong sa aking pulso. "Kuya Thirdy, ano ba? Bitawan mo na ako, pinagtitinginan na tayo ng mga tao sa daan," sambit ko kay pineapple head.....pero wait nag-iba na siya ng hairstyle, hmmmmm...

Hindi ko alam kung saan kami papunta, seryoso ang kanyang mukha, at ang bilis niyang maglakad.....pero mukhang sa varsity office kami patungo.

"Huwag mo nga akong tatawaging kuya!" iritado niyang boses...... Hala, galit??? Tinawag nga siyang kuya ni bunso.............at tama nga, sa varsity office kami papunta. Hmpf, anong gusto niyang itawag ko sa kanya???

"Anong gusto mong itawag ko sayo, kamahalan???" napalitan ng ngiti ang seryoso niyang mukha sa sinabi ko.

"Anong sinabi mo, mahal???? Mahal ba???" napatingin pa siya sa akin na nakangiti habang mahigpit parin ang hawak sa kamay kong naglalakad.

"Bingi.....ang sabi ko, ka-ma-ha-lan.... your majesty! Total, ikaw naman itong hari-hari dito sa unibersidad, diba???" haaaaay, hiningal ako sa bilis ng paglalakad niya, para siyang tumatakbo.

"Walang mas angat at mas mababa dito, lahat pantay-pantay....." sambit nito, mapapaurong pa sana ako sa sinabi niya.........kung pwede lang tamaan ng kidlat ang mga sinungaling, haaaist!

"Bitawan mo na ang kamay ko, ang higpit-higpit ng paghawak mo!" binitawan din niya ako pagkabukas niya ng pinto.

"Tawagin mo lang akong Thirdy, wala nang kung anong dagdag sa pangalan ko, maliwanag????" aniya pagkasara nito ng pinto ng opisina.

"Tawagin mo lang akong Thirdy, wala nang kung anong dagdag sa pangalan ko, maliwanag????" aniya pagkasara nito ng pinto ng opisina

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Napansandal ako sa pinto nang bigla niyang ilapat ang isa niyang kamay rito. Kitang-kita ko ang pagtulo ng pawis sa kanyang pisngi nang ilapit nito ang mukha niya sa akin. Anong gagawin mo Thirdy.....hahalikan mo nanaman ba ako???

hahalikan mo nanaman ba ako???

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
The Fall of Achilles (BL Series)Where stories live. Discover now