PANGALAWA: Gambling debts

13.8K 331 9
                                    

10 months later...

Dylan Eros irritatingly scratched his head. Tinalo na naman siya ng Dealer sa larong Blackjack. Wala naman yatang epekto yung binili niyang Chinese Lucky Charm na nagkakahalaga pa ng sampung libo. Malas. Sunud-sunod na ang gabing mukhang minamalas siya sa loob ng maingay na casino'ng kinaaadikan niya.

"Ano, Dos? Lalaban ka pa ba?" Nakangising tanong sa kanya ng Dealer na si Ignacio Cuaresma. Bukas ito palagi sa lahat ng players na gusto ng kumpetisyon. Hindi ito nauubusan ng pera. May-ari ito ng malaking Biscuit Manufacturing Corporation, ngunit bukod pa do'n, illegal importer din ito ng mga sasakyan na nanggagaling sa Taipei.

Napahinga ng malalim si Dos. Looking at the enthusiastically confident face of the dealer, alam niyang wala pa itong balak na tumigil ngayong gabi. Ngunit out-of-balance na ang kanyang account. Walang-wala na siyang pantaya ngayon kaya ang tanging magagawa na lamang niya ay umuwi ㅡ na lupaypay ang mga balikat.

"Malalim na ang gabi, Mr. Cuaresma. Bawi na lang bukas." He smiled at one side. Hindi pwedeng makita ng iba na talunan nga siya. He needs to stay tranquil in order to show that he is still competent. Competent naman siya sa lahat ng bagay. Minamalas lang talaga siya ngayon.

"Sige lang, Dos. Nandito lang ako." Mr. Cuaresma flashed him a well-favored smile as a sign of assurance.

Tumango siya bago umalis.

Habang papalabas ng casino, sa medyo madilim na corridor, tumama ang katawan niya sa matigas na dingding nang bigla na lamang siyang suntukin sa sikmura. Namilipit siya sa hindi inaasahang sakit dulot niyon.

"Dos... Dos... Sampung milyon, Dos. Nasa'n ang sampung milyon ko?!"

Hindi rin niya inaasahang lilitaw ngayong gabi doon mismo sa casino si Marlito La Cueste ㅡ isang mafia boss, drug dealer, bugaw at nagbebenta ng mga ilegal na armas sa iba't ibang mga grupo. Nagkautang siya dito nitong mga nakaraang buwan at hindi niya namamalayang umabot na pala iyon sa sampung milyong piso. Nanlumo siya sa kanyang sarili.

Babanatan na naman sana siya ng isang tauhan ni Mr. La Cueste, nang itaas niya ang dalawa niyang kamay.

"Teka, teka lang! Magbabayad ako Mr. La Cueste. Dadagdagan ko pa ng sampung porsyentong interes kung gusto mo." He reassured. Although he's not really sure when or how will he pay his debts. Sinabi lang niya iyon upang hindi siya tuluyang bugbugin ng mga taong kaharap.

"I'm giving you 48 hours, Dos. Kapag hindi ka nakapagbigay ng kahit kalahati, alam mo na kung ano'ng kaya kong gawin sa'yo."

"Oo, naintindihan ko. I can pay you in two days, sinisigurado ko yan." Dos confidently blabbered. In case he couldn't find 10 million pesos on his own, may magulang naman siyang matatakbuhan. Naghahari at reyna sa munisipyo ang Papa at Mama niya bilang Mayor at Vice-mayor. Alam niyang hindi siya matitiis ng mga ito kaya tiwala siyang may tutulong sa kanya.

Thirty hours have passed, tinawagan na niya lahat ng mga kaibigang maaari niyang hiraman ng malaking halaga ng pera ngunit wala ni isa sa mga ito ang nagpaunlak ng tulong. He tried contacting his businessman bestfriend, Gian, unfortunately, nagmatigas ito. Wala na siyang ibang naiisip kundi ang parents niya, but he just can't say that he needs an amount of money to pay off gambling debts. Kapag inamin niya, lagot na siya sa mga ito.

"Naaalala niyo yung ipinakita kong commercial unit last year? Ma, I decided to franchise Starbucks ㅡ"

"Kelan ka pa nagkaroon ng interes do'n? Hindi ka nga mahilig sa kape." Emeritus Madrigal, his father, asked doubtfully. Nakaupo ito sa couch katabi ang asawa nitong si Daniella Madrigal. It's Sunday kaya parehong day-offs ng mga ito mula sa munisipyo.

"Ehh..." di agad naisip ni Dos na maaari siyang pagdudahan, kung bakit naman kasi coffee shop pa ang nasabi niya? "In-demand kasi yun, Pa. Tutulungan naman ako ni Gian, tsaka nagre-research din ako. Pagdating sa paggawa ng kape, syempre magha-hire ako ng mga experienced na baristas. Pa, Ma, sige na. I just need 10 million pesos, all-in-all."

"Ten million pesos?!" Mrs. Madrigal shockingly asked. Kapagkuwan ay kumalma din ito. "Ten million, maliit na bagay." Nagtinginan ang mag-asawa at nagsenyasan gamit ang mga mata.

Nakahinga ng maluwag si Dos sa pag-aakalang pagbibigyan siya ng mga ito. In his mind, magbabayad siya ng utang kay Mr. La Cueste tapos uutang ulit siya sa ibang tao upang maitayo niya ang negosyong nasabi.

"Pacita!" Tawag ni Mrs. Madrigal sa isa nilang housemaid. Tumayo ito nang sumagot ang katulong. "Dalhin mo sa'kin yung walis-tambo, dali!"

Wala pang isang minuto nang lumapit ang katulong at ibinigay sa babaeng amo ang hinahanap nito.

Habang iniisip naman ni Dos kung ano ang gagawin ng matandang babae sa walis, lumapit ito sa kanya at hinampas siya nito sa binti. Gulat na gulat siya. Yun pala ang gamit ng walis-tambo.

"Sampung million ang utang mo, Dylan Eros! Sampung million!!" Hinampas na naman siya ulit nito ng mas malakas.

"Ma ㅡ"

"Umalis ka! Maghanap ka ng pambayad mo sa mga utang mo! Umalis ka na! Puro ka problema, Dos. Mula pa nung highschool ka, sugal na lang ang inaatupag mo! Lumayas ka sa pamamahay na to! Layas!"

Hindi siya tinigilan ng matanda sa paghampas hanggang sa makalabas siya sa front door.

Alam ng parents niya! Buong akala niya walang kaalam-alam ang mga ito sa pagkahilig niya sa sugal, pero nagkamali siya. Now, he have no one to turn to.

Punung-puno ng pagsisisi ang mukha ni Dos.

Nanlulupaypay ang mga balikat niyang napaluhod sa harapan ng kanilang pinto, kaharap ang kanyang Inang galit na galit.

"Right now, your gambling debts have been settled already." Mrs. Madrigal uttered. Napatingala si Dos at nakaramdam ng kaunting kapanatagan.

"Pero hindi ka makakauwi dito hanggat hindi ka nakikipag-transact kay Skylight Ong. Hanapin mo siya. Sa kanya mo bayaran ang mga utang mo."

Without further explanation, Mrs. Madrigal just shut the door closed.

Settled na nga yung utang niya sa sugal, pero may panibago siyang problema.

Sino si Skylight Ong? At saan naman niya ito hahanapin?

Marrying The Abandoned Bride ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon