SC: Solo

14.2K 366 22
                                    

I'm writing this while on a bench at Taoyuan International Airport, all alone, while waiting for my next flight. Try niyo mag-travel alone. Haha. Awkward gumalaw-galaw kaya idinadaan ko na lang sa pagtitipa sa phone ko.

Working for my travel papers made me busy that's why may mga ilang araw na hindi ako nakakapag-update. Again, sorry po. Pero thank you sa mga readers na nakakaalala pa rin sa'kin at sa story na ito, at kinukulit ako.

Marrying the Abandoned Bride is included in Wattys 2018 Longlist. 😭😊 I'm so happy. Kahit hindi 'to magkaroon ng award, magiging happy pa rin ako.

Anyway, HAPPY SEPTEMBER!! Umpisa na ng Christmas season. Magmahalan tayo. 😄🤗❤

THE UNWANTED BRIDE, don't forget. Kkkkk~

~IBetYouKnowMe

===============
===============

"Alphaeus." Skylight said.

"Marcus." Sagot niya.

"Amadeus."

"Marcus."

"Thadeus."

"Marcus."

"Zeus."

"Marcus."

"Dos!!" Nagrereklamong pahayag ng babae. She was still in the hospital that moment, and they're having an argument about their second baby's first name. "I wanted his name to rhyme with Aeious. Mamili na lang tayo sa mga suggestions ko."

Dylan Eros strongly shook his head. "Wala ako nung isilang si Aeious. Let me decide this time, my love." May kaunting pakikiusap sa kanyang boses. Simula pa kasi nung kumalma ang utak niya, Marcus na talaga ang napusuan niyang ipangalan sa baby. "Besides, nag-ra-rhyme din naman ang Marcus sa Aeious a."

Nag-pout ang mga labi nito. Hanggat maaari gusto niyang pagbigyan ang gusto nito, ngunit umaayaw ang damdamin niya. Gusto talaga niya ng Marcus dahil ang alam niyang sinisimbolo niyon ay 'masculinity' at 'royalty'. "Isa pa, ayoko ng masyadong kumplikado. Ang ko-korny kaya ng mga naiisip mong pangalan." Aniya habang nakatitig sa nakapanguso pa ring asawa niya. Wala siyang balak na saktan ang damdamin nito o anupaman, gusto lang niyang ipaalala rito na hindi sa lahat ng oras, siya lagi ang nakasunod, dapat may mga pagkakataong siya naman ang magdedesisyon.

He cupped her face and kissed her pouted lips sweetly. "Marcus." He murmured, smiling before her.

"Give me the paper." Skylight commanded. Ang tinutukoy nito ay ang papel na finifill-up-an nila para sa new born screening. Dos handed it to her along with the pen. Sumilay ang kanyang malapad na ngiti nang ang unang letrang isinulat nito sa taas ng 'First Name' ay M. He won.

Pagkatapos nilang mailagay ang lahat ng impormasyon sa papel, dumating ang nurse na may dala sa bagong panganak nilang sanggol. The baby was crying that time, siguro dahil kailangan na nito ng supply mula sa Ina nito. Umalalay si Dos nung ibaba na ng nurse ang bata sa mga bisig ni Skylight. Nung mga sandaling iyon ㅡ habang pinagmamasdan niya ang napakalusog na baby ㅡ, abot-langit ang tuwa sa puso niya. Walang humpay ang tahimik na pasasalamat niya sa taas. He's grateful for everything. Hindi sila pinabayaan ng Maykapal.

"Akala ko anak siya ng Bumbay."

Bigla siyang napalingon sa nurse, batid niyang gayundin ang naging reaksyon ng asawa niya. Bumbay?, he asked silently, as he moved his sight to the small and fragile face of the baby. Nagsalubong ang mga kilay niya. Alin ang bumbay diyan?

"Ang kapal kasi ng mga kilay niya at antangos pa ng ilong."

Bumalik ang tingin niya sa nurse na noo'y ngiting-ngiti habang pinagmamasdan ang mag-ina niya. "Hindi ko ba siya kamukha?" Tanong niya. Confident siyang kamukha niya si Baby Marcus. Confident siya. Maputi ang anak niya kagaya ng kutis ng Ina nito, unlike Indians who have darker complexion than Filipinos. May kaputian din naman siya. Kaya hindi ito magiging mukhang bumbay dahil hindi naman siya mukhang bumbay.

Marrying The Abandoned Bride ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon