PANG-48: Arousal

9.5K 279 11
                                    

Bahagyang nahilo si Dos dahil sa pagkakatama ng matigas na bagay sa kanyang pisngi. Pucha! Masyado siyang nag-concentrate sa galit niya kay Adrianne kaya hindi niya napansin ang pagdating ni Kinn bilang tagapagtanggol ng babae. He discreetly cursed again when he tasted the metallic taste of his own blood from the cut inside his cheek. No one have ever dared to punch him like that before, at least not in the face, not in his handsome face. So, when he gained enough strength, madilim at matalim ang mga mata niyang tumingin sa kanyang kaaway.

Paano nga ba niya ito naging kaaway, when in the first place, wala naman siyang atraso rito. Pinoprotektahan lang niya si Skylight mula sa babaeng mas malaki pa ang sungay kaysa kay Maleficent. Hindi dapat siya nakatikim ng ganti. Hindi niya deserve iyon.

He deathly-glared at Kinn, holding his fist and the necklace tight, and clenching his jaw. May maliit na parte sa kanyang isip na nagsasabing palagpasin na lang niya ang ginawa nito, subalit naghari ang galit, ang poot. Pakiramdam niya, kaya niyang pumatay ng tao nung mga oras na iyon.Para bang tuluyan nang nabalutan ng dilim ang kanyang paningin at sa mabilis na paraan, ipinahawak niya kay Skylight ang mamahaling kuwintas at saka niya ibinato ang kanyang kamao sa mukha ng lalaking di hamak na mas tarantado kaysa sa kanya.

Sa lakas ng pagkakasuntok niya sa mukha ni Kinn, bumulagta sa sahig ang huli kasabay ng paghiyaw ng girlfriend nito. Hindi siya nakuntento. Hindi siya nagpaawat. Kahit na nakahiga na ito, kinuwelyuhan pa niya ito at muling sinuntok sa kabilang pisngi. "TAMA NA!!" Narinig niya ang umiiyak na awat ni Adrianne subalit lumabas lang iyon sa isa niyang tainga. His fist met Kinn's face again... and again... and again.

"AAAHH! TAMA NA!! SKYLIGHT, AWATIN MO SIYA!!"

That's it. Si Skylight ang hinihintay niya. Ang pananakit niya kay Kinn ay para sa mga pananakit nito kay Skylight kaya hindi siya makukuntento hanggat hindi siya pinipigilan ng babae.

Nababahiran na ng dugo ni Kinn ang kamao niya. Hindi na rin ito halos makadilat ng mata. Ngunit wala siyang pakialam. He's teaching him a lesson ㅡ a lesson that he'll be carrying throughout his life ㅡ a lesson that will make him realize whom he is messing with ㅡ a lesson that will make him regret every mistake he have done.

"Dos..." Finally. Narinig na rin niya ang boses na hinihintay niyang marinig. He felt her hand over his shoulder and in a calm and soft tone she said, "Tama na 'yan."

Her voice is music to his ears, but most of all, it's a command that he can't disobey. He won't. Nagmistula siyang isang masunuring aso na tumigil pagkarinig na pagkarinig sa utos ng kanyang amo. His left hand freed Kinn's colar then he held Skylight with the same hand. He dragged her one step away from her ex.

Napatingin siya kay Adrianne na noo'y takip-takip ang bunganga habang umiiyak na pinagmamasdan ang nakahandusay na boyfriend sa sahig. She was helpless. Dapat lang. Tapos napansin niya ang suot nitong kuwintas na sa stage ng function hall ay ginamit upang ipahiya ang mahal niya. It doesn't suit her well, he thought. Kaya naman lumapit siya sa babae ㅡ nang hindi binibitawan ang kamay ni Skylight ㅡ tapos hinablot niya ang kuwintas sa leeg ng una nang hindi halos nito namalayan.

Adrianne's mouth opened in surprise when she finally noticed that something was taken from her. "Give it back to me!" Sigaw nito.

Ngunit tila walang narinig si Dos. Hinila niya si Skylight palayo sa nagwawala, nag-aalala at hindi mapakaling kampon ng kadiliman. But then they stopped just before the end of the hallway. Hinarap niya ang isang trash bin doon, itinaas niya sa tapat niyon ang kuwintas at bago niya iyon inihulog, ay sumulyap muna siya kay Adrianne. He, then, dumped the red diamond necklace just like that.

Marrying The Abandoned Bride ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon