PANG-40: Na-tegi

8.8K 279 18
                                    

Napapangiti si Dos.

Dinala niya si Skylight sa tabing-dagat ㅡ kung saan may malakas, malamig at sariwang hangin ㅡ kahit na napakadilim na ng gabi. But the city lights that have been lined-up through the horizon and reflecting on the water made the view a little bright and extravagantly breath-taking. Napapangiti si Dos dahil nakikita niya sa mukha ng babae ang pagkamangha.

Sa langit dapat niya ito dadalhin, ngunit, saan 'yun? Dalawa lang ang alam niyang klase ng langit ㅡ ang una ay mapupuntahan lang nila ng sabay kapag pareho na silang na-tegi, habang ang pangalawa ay mangyayari sa loob ng kwarto...

Pucha!

Muli na namang nabuhay ang sikretong pagnanasa niya sa babae. Hindi niya iyon sinasadya. Ni hindi niya iyon gustong mangyari. Subalit, naiisip pa lang niya ito o kahit ang pangalan lang nito, ay talagang nagwawala na ang alaga niyang nagtatago sa loob ng kanyang pantalon. Habang tumatagal, habang lumilipas ang mga araw at oras, tumitindi ang kanyang nararamdaman. He likes her, and he wants her to death.

Sa katunayan, hirap na hirap na siyang magpigil.

"May gusto sana akong ㅡ."

"Lilinawin ko lang, Dos, na wala tayong relasyon."

He held his tongue back. Bukang-buka ang kanyang bibig habang nakatitig ng may pagtataka sa mukha ng babae. Sasabihin palang dapat niya ang tungkol sa kanyang mga nararamdaman ngunit pinangunahan na siya nito. Nawalan tuloy siya ng lakas-ng-loob dahil sa kanyang narinig. Malinaw.

Malinaw.

At natapos na pala ang kanilang engagement ng ganun-ganun lang? Napangisi siya sa pagkadisgusto. Buong akala niya, kasama niya si Skylight ngayon dahil nami-miss na rin siya nito. Akala lang pala niya. Isang nakamamatay na akala.

"I'm already finishing what we've started." Pagpapatuloy nito, habang nakatingin sa malayung-malayo parte ng dagat. Ilang strands ng buhok nito ang naililipad ng hangin at tumatama sa makinis at maputi nitong mukha. Though the sea has a great view, Skylight's picture at that time was the greatest.

Kung alam lang sana nito kung gaano siya nahuhulog.

Kung alam lang din sana nito na unting-unti nadudurog ang puso niya dahil sa mga sinasabi nito.

Why did he fall too fast? Konting-konti na lang, lalagapak na siya sa lupa.

"I dreamed of giving my son a complete family... a father... but it looks like, it will always be a dream. It will no longer be a reality. Siguro, tatanda na lang akong single... single parent."

"Actually, kaya ko naman maging ina at ama sa anak ko. Kaya ko siyang buhayin kahit wala akong katuwang sa buhay..." Tiningnan na siya nito. "Kaya ko, Dos... That's why I want you to go. Bumalik ka na sa parents mo, bumalik ka na sa dati mong buhay, sa barkada, sa inuman, sa sugal."

Nakaramdam siya ng panlulumo nang makitaan ng pait ang mukha ng babae. Surely, labag sa kalooban nito ang mga bagay na lumalabas sa bunganga nito. Napipilitan lang itong sabihin ang mga iyon. Alam niya. Kitang-kita niya mula sa ekspresyo ng mga mata nito hanggang sa tono ng boses nitong malapit nang mamaos. Mayro'n lang siyang isang tanong.

"Pero, bakit?" Hindi naman siya nagrereklamo. Okay lang sa kanyang mag-alaga ng bata kahit hindi siya marunong, kahit hindi niya ito anak. He's learning to be a good father, and he can be the best husband. Pero bakit itinutulak na siya nito palayo?

"Because, there's nothing more complicated than my life." Malungkot na sagot nito. "Ngayon ko lang na-realize, that if you're going to be officially part of me, baka hindi ka rin makakapagtiis. Pag ipinagpatuloy natin 'to, sooner or later marerealize mo din na ganun pala ka-miserable ang buhay ko. I'm choosing the way where neither of us will painfully get hurt after."

"Teka ㅡ Sky... ano kasi... hindi ko maintindihan." Sabi niya. Gulong-gulo ang isip niya. Who will gonna hurt who? He swear, he'll never gonna do that to Skylight. He swear. "Ngayon pa lang nagtitiis na ako sa bagay na mahirap pigilan ng isang lalaki, ano pa ba'ng hindi ko kayang pagtiisan?"Napansin niyang nangunot ang noo ng babae. Gayunpaman, nagpatuloy siya. "Ipaintindi mo sa'kin. Dahil kung ako ang tatanungin, at kung ako lang ang magde-desisyon..." Huminga muna siya upang makahugot ng lakas-ng-loob. "...hindi masusunod ang sinasabi mo."

Umiling ang ulo ni Skylight. "Kung si Adrianne, nakaya akong pahantungin sa korte, ano pa kaya kapag ang Daddy ko na ang gumawa ng aksyon laban sa'kin?" She asked. Nagsalubong ang kanyang mga kilay. "My worst enemy is my Dad. Kung hindi niya ako mapapasunod, kakalabanin niya ako, kaya ang mga taong nasa likod ko ay kalaban din niya. He'll run as a Mayor in the upcoming elections, competing with your mother. He warned me about it. Tingin mo, hindi makakaapekto yun sa'tin? Ganun kung mang-asar ang Daddy ko. He would join a competition for personal reasons, not because it's his heart's will or someone directed him. Gusto lang niya akong insultuhin."

"Sana maintindihan mo. Ayokong dumating pa sa punto na parents mo na ang magsasabing dapat na tayong tumigil."

Hindi tinanggal ni Dos ang tingin sa babae. So it's just because of her father. Nag-aalala ito sa maaaring gawin ng ama nito sa kanyang pamilya o sa kanya mismo. Now, he understands, but he still don't get why they have to go separate ways. Kung 'yun lang din naman pala ang dahilan... Pucha, ang babaw!

"Ayokong... tumigil tayo." He stated, pretty much shyly. Nagtataka namang umangat ang tingin ni Skylight sa kanya at sinalubong ang kanyang titig. "Hindi, Skylight. Ayoko. Tandaan mo, ikaw ang naghanap sa'kin, ikaw ang nag-alok sa'kin ng option na babayaran mo yung utang ko kapalit ay ang pakasalan kita. Ikaw ang nagpasok sa'kin sa buhay mo at sa buhay ng anak mo. Responsibilidad mo 'ko. Yung agreement na ikaw mismo ang nagsulat at pinirmahan ko lang, panindigan mo 'yun."

"Pero ㅡ."

"Walang pero-pero... Wala akong pakialam sa p*tang-inang tatay mong kung makapanghusga akala mo siya na ang diyos. Kung gusto niyang maging Mayor, e di pagbigyan. Kelan ba umurong ang magulang ko? Malinis man o maduming eleksyon, lumalaban sila ng patas. At kung iniisip mong hindi ko kakayanin ang kumplikadong buhay...Pucha, ano'ng tawag mo sa buhay ko bago kita nakilala?" Umikot siya at bahagyang lumayo sa babae saka niya ito muling hinarap.

"Inaamin ko, natotorpe ako sa pagsasabi ng mga nararamdaman ko, pero pagdating sa totoong laban, p*tang-ina, hindi ako duwag!... Kaya, Skylight, kung may tiwala ka sa'kin, sumakay ka na sa front seat... Pero kung ipagpipilitan mong layuan kita..." He stared at her as if saying that her life depends on him. "...simulan mo nang maghanap ng masasakyan pauwi."

Skylight was speechless. Pinakitaan siya nito ng masamang tingin. Subalit, hindi nagtagal, kusa ring gumalaw ang mga paa nito at naglakad palapit sa SUV, kaya napangiti siya. Madali lang palang i-blackmail ang babaeng ito.

Marrying The Abandoned Bride ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon