PANG-46: A hundred-carat diamond

8.4K 315 36
                                    

"Siya yung anak ni Mr. Ong sa labas?"

"She's quite beautiful, though. Para siyang Korean."

"Ang sabi, sobrang ganda ng Mama niya kaya ginawang kabit ni Mr. Ong."

"Too bad, anak siya sa labas."

Hindi na bago sa pandinig ni Skylight ang mga ganitong klase ng bulung-bulungan tuwing may okasyon ang pamilya Ong. Tila sinasadya ng mga taong iparinig iyon sa kanya. But it's okay. She's fine with it eventhough it's not the truth. Totoong anak siya sa labas. Totoong kabit lang ng Daddy niya ang kanyang Mama. Iyon ang katotohanan kaya bakit siya maiinsulto. Kasal na ito kay Estrelita bago pa man nito makilala ang kanyang Ina.

But, most of the people doesn't know that she's not sharing the same blood with Adrianne ㅡ bagay na hindi pa niya nililinaw kay Dos.

Bago pa man makasal ang Daddy niya kay Estrelita, nabuntis na ang huli ng ibang lalaki. So, between her and Adrianne, she's the biological child.

Nagkataon lang talaga na pareho sila ng birthdate.

Umupo siya sa harap kung saan katabi niya si Adrianne. Katabi ng huli ang Mommy nito at sa isa pang upuan ay ang kanilang Daddy. Kaharap naman nila ang kanilang mga bisita na nakatayo at nakapalibot sa mga cocktail tables. Di nagtagal, sinimulan na ng host ang party sa pamamagitan ng pagpapakilala sa kanila ng step-sister niya bilang mga celebrants.

Wala siyang imik, habang si Adrianne ay panay ang ngiti lalo na nang dumating si Kinn at nag-abot ng regalo sa host, na malamang ay para sa kasintahan nito. Oo, tuloy pa rin ang relasyon ng mga ito sa kabila ng pangangaliwa ng babae. Bilib naman siya. Natanong tuloy niya sa kanyang isip kung ano kaya'ng gayuma ang ginamit ni Adrianne kaya ganun na lamang ang pagkahumaling ni Kinn rito? Bilib na bilib siya. Sa kabilang banda, naaawa siya sa mga ito dahil alam na alam niyang naglolokohan lamang ang mga ito.

Napahinga siya ng malalim nang dumating na ang oras ng tradisyon na gusto niyang iwasan ngunit hindi niya magawa ㅡ ang pag-a-announce ng mga regalo. Hindi siya kumportable sa tradisyong iyon dahil sa halos dalawampung regalong nasa harapan nila, isa lang ang sa kanya, o madalas wala pa, dahil ang lahat ay para lamang kay Adrianne. Tapos isa-isa pang bubuksan ang bawat regalo upang makita ng publiko ang mga laman kaya, for sure, maboboring siya. Well, wala naman siyang interes sa mga materyal na bagay, kaya lang, tuwing dumarating na ang oras na iyon, ang tingin sa kanya ng lahat ay kaawa-awa.

"So this is the first gift. To Miss Adrianne Ong, from Mrs. Weng Johanson... Wow!" Binuksan ng host ang kahon at ipinakita ang pares ng mamahaling silver high heels. "Elegant. This will suit you a lot, Miss Anne." Tumayo si Adrianne upang abutin iyon mula sa host. Abot-tenga ang ngiti nito habang inilalapag ang kahong may lamang sapatos sa tabi ng paanan nito. Ang sumunod pang dalawang regalo ay para kay Adrianne ulit ㅡ isang gold watch at isang pares ulit ng sapatos.

Muli, bumuntung-hininga si Skylight, senyales na nababagot na siya sa bagal ng oras.

"The fourth one. I just hope this is not another wrist watch..." Tumawa ang host. Kasinlaki kasi iyon ng kahon ng gold watch na ibinigay kay Adrianne, na inilagay sa isang maliit na bag. "The sender is unknown. I guess they forgot to put their name." Said the host, but Skylight remembered that it was the gift Kinn handed to the host earlier. "But... this time... this present is for Miss Skylight." Naningkit ang mga mata ni Skylight, habang naramdaman naman niya ang mahinang pagsinghap ng katabi niya. Naisip agad niyang nagsisimula na naman sa paglalaro ang lalaking iyon. "Of course, kung meron kay Miss Anne, meron din syempre kay Miss Sky." Pinunit nito ang wrapper at maingat nitong binuksan ang kahon, and to everyone's surprise, it's not a watch that's in the box but a necklace.

Marrying The Abandoned Bride ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon