PANG-LIMA: Genuinely fake

11.7K 332 21
                                    

It was Dylan Eros!

Nagtaka ng sobra si Skylight kung bakit ito naroon? Nagpunta ba ito roon para sa kanya? Para makita siya? Kung gano'n, bakit hindi siya sinabihan ng butler niyang si Melvin? Hindi naman malalaman ni Dylan Eros kung saan siya ngayon kung hindi nito kinausap ang kanyang butler.

Dos faced the audience, or the very intrigued students around them.

"What? Is it really funny to see her in this state? Wala ba kayong mga Nanay?"

Skylight suddenly froze, but at the same time, she was amazed by how Dylan Eros defended her. Kung gaano kaseryoso ang mukha nito, ganoon din ang tono nito. There was no anger in it, but there's the authority. Pwedeng umaarte lamang ito, but she was thankful, she was touched.

Walang nakaimik sa mga kapwa niya estudyanteng naroon. Lahat ay nagulat, nagtaka, at mukhang natakot sa maawtoridad na lalaking bigla na lamang sumulpot at nagtanggol sa kanya. Now, she thought that he's not really bad, he can act, he can also be changed. Yung ugali nitong walang alam sa buhay kundi sugal, naniniwala siyang pwede pa iyong mawala o mabago.

"Tara. Huwag kang kumain dito." He said before pulling her hands. Nagulat na naman siya dahil bigla-bigla itong nanghihila. She was dragged by him outside the canteen in a gentle manner. Tapos binitawan rin siya nito.

"Bakit mo hinahayaang bastusin ka nila? Ano'ng nangyari sa mayamang Skylight Ong na nakilala ko kahapon? Isang gabi lang, nagbago na siya?"

She was still in shock. She doesn't know what to say. Nagugulat siya sa inaasal ng lalaki ngayon. Looked like he's really concerned about her. Or is it because of the money?

"Akala ko ba mayaman ka? Bakit dun sa loob parang ikaw yung pinakamahirap na tao dito?"

"Wala silang alam."

"Tungkol sa'yo?"

Skylight nodded her head formally. In this place, and in all of the places in the world, except her home, no one knows who she really is. Maski Daddy niya hindi siya kilala ng totoo. Siya, si Melvin at ang Attorney ng kanyang Ina lang ang nakakaalam kung sino talaga siya at kung ano'ng meron sa kanya. Her Dad and her step-family didn't know that she inherited millions of money from her deceased mother.

"Why?" Dylan Eros asked curiously.

"Because I don't want them to praise and respect me just because I have money. Mukhang pera ang mga tao. Nowadays, you can't find a loyal one if you're using your wealth. Kapag wala ka nang pera, tatalikuran ka rin nila. It's better to stay on the ground so that you know whom to trust and not." She very well said. Wala siyang kaibigan, wala siyang tinatawag na bestfriend. All she have is her butler Melvin, after Kinn Torres deserted her. Since almost a year ago, nagkaproblema na siya sa salitang "tiwala".

Napatangu-tango ang kanyang kausap ng ilang beses. But she doesn't know if he was convinced enough. She also doesn't know if the man is worthy to be trusted. Malalaman pa lang niya, kikilalanin pa lang niya ito.

Sa gitna ng kanilang pag-uusap, nakalimutan na nilang lumayo sa lugar na iyon. That's why she regretted it the moment she saw a romantic couple coming. The couple's hands were intertwined. They looked so much in love with each other. While she, on the other hand, was hurting. Masakit para sa kanyang malaman na ipinagpalit siya ni Kinn sa step-sister niya, ngunit mas masakit pa palang makita ang mga itong masayang magkasama. Mag-iisang taon na, subalit durog na durog pa rin ang kanyang puso.

She felt completely annoyed when Adrianne flashed a fake smile at her. Mukhang hindi bukal sa loob ni Kinn na lumapit sila sa kanya, ngunit dahil hinila siya ni Adrianne, wala na rin itong nagawa. He wasn't smiling, he looked pissed instead.

"Hey, sissy. It's been awhile. Nakabalik ka na pala sa pag-aaral. Do you need something? Allowance? or what? Kung nahihiya kang magsabi kay Dad, pwede kang lumapit sa'kin. May extra pa naman ako ㅡ"

"I don't need anything from you." Mabilis niyang sagot. Kailan pa siya humingi sa kanila? All she needed was moral support from a family, pero wala siyang nakuha mula sa mga ito. Wala kahit kaunti.

She won't fall for that humbleness of Adrianne because she certainly knew that her step-sister is genuinely fake. Mabait lang ito kapag kasama nito ang pinakamamahal na boyfriend. But if Kinn wasn't around, she's one hundred percent sure that Adrianne would have thrown something rude towards her.

Tumaas ang isang gilid ng labi ni Adrianne, ngunit din nagtagal ay pinilit nitong ngumiti ng maayos. "I'm trying to be a good sister to you, Sky." Sabi nito sa mahinhing pamamaraan. Kung ibang tao ang makakakita at makakarinig dito, malamang iisipin nilang napakabait nitong dalaga.

But Skylight wasn't convinced, she can never be convinced no matter what Adrianne do.

"Stop pretending to be a good-hearted heroine, Adrianne. Wala akong balak makipagkasundo sa'yo." She said. Annoyance was visible on her face.

"Skylight, huwag mo naman sanang idamay si Anne sa galit mo para sa'kin." This time, Kinn intruded on their conversation. "Ang gusto lang namin ay makabawi sa kasalanan namin sa'yo. Can't we just forget what happened 10 months ago, and start again? Me and Anne, and you as our friend or sister?"

Lalong kumulo ang dugo ni Skylight. Paano niya makakalimutan ang nangyari sa kanila? Paano niya makakalimutan na ang lalaking minahal niya ng lubos ay siya ring nanakit ng sobra sa kanya? Paano siya magiging kaibigan o kapatid sa mga ito, kung ramdam na ramdam pa rin niya ang matinding sakit?

"Actually, he's right."

Silang tatlo ay napatingin sa lalaking kanina ay tahimik lang na nanunuod at nakikinig sa kanila. Skylight almost forgot that she was still with Dylan Eros. Good thing, nagsalita ito.

"Skylight... forget your past. Your present and future is right beside you now." He said that, while gently caressing Skylight's hair.

She gaped at him with complete bewilderment.

Marrying The Abandoned Bride ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon