PANG-56: Pleasured

9K 271 28
                                    

"You got her pregnant nung 18 pa lang siya. It's almost a child abuse!" Gian blabbered as he hit Dylan Eros' shoulder using his hand with a slightly heavy force. Ngunit di man lang nag-react si Dos. Naka-concentrate lang siya sa pagtitig sa mga thumbnails ng mga CCTV footages sa screen ng laptop ng kaibigan niya. Without knowing what to do, he sighed. Tinakpan ng dalawang kamay niya ang kanyang mukha tsaka inihilamos ang mga iyon pababa habang siya ay humuhugot ng hiningang malalim. 

Hindi siya makapaniwalang naroon siya sa mga footages na napanood niya kasama ang isang babaeng nakilala lamang niya sa club. Hindi siya makapaniwalang totoong nangyari yung mga napanaginipan niya. Hindi siya makapaniwalang nakipag-one-night-stand siya just after he broke up with Stacy. At lalong hindi siya makapaniwala sa kung sino'ng naka-one-night-stand niya.

Kitang-kita niya ng malinaw ang mukha ni Skylight sa videos. Yes, it was Skylight. Mula sa loob ng club ay yakap-yakap na niya ito hanggang paglabas nila at bago pumasok sa kanyang sasakyan. The club's parking was also fully equipped with CCTV cameras kaya nalaman niyang nagtagal sila ng halos isang oras din sa loob ng sasakyan, at alam na niya kung ano'ng nangyari sa loob ㅡ just like on his dreams.

Nahanap din ng kaibigan niya kung saang hotel niya dinala si Skylight, at mayroon din itong nakuhang CCTV footages mula roon na lalong makapagdiriin sa ginawa niyang kasalanan. Sa hallway pa lang ng hotel ay halos hubaran na niya ang babae habang hindi tinitigilan ang mga labi nito. That scene was embarrassing and quite gross for others to watch kaya todo-sisi siya sa mga alak na lumasing sa kanya. Alam na alam niya kung gaano karami ang nainom niyang alak noon na naging dahilan kung bakit wala siyang maalala sa mga nangyari paggising niya nung sumunod na araw.

At kung may pinagsisisihan siya ng todo pa sa todo, 'yun ay ang iwan niya si Skylight sa hotel room matapos niyang angkinin ㅡ ng paulit-ulit ㅡ ang pagkababae nito.

"Brad, ano na'ng gagawin mo?" Tanong ni Gian sa medyo nag-aalalang tono. "Kailangan niya 'tong malaman, may karapatan siya. Isa pa, ikaw na siguro yung hinihintay niyang makakapagsalba sa buhay ni Aeious... Sa buhay ng anak mo."

Umiling siya at huminga na naman ng malalim. Tapos natulala na naman siya nang sumagi sa kanyang isip ang mga salitang 'anak mo'. Anak ko? Tanong niya sa isip tsaka siya ngumisi. "Paano naman ako makakasigurong anak ko si Aeious?" Mapait niyang tanong sabay tingin kay Gian. "Sila pa nu'n ni Kinn. Di ba nagpa-DNA test na yung gagong 'yun at lumabas naman na match sila ng bata?"

"Paano kung niloloko na naman ni Kinn Torres si Skylight? Paano kung wala naman talaga siyang maitutulong na kahit katiting sa mag-ina? May paraan para malaman mo..." Matamang tumitig si Dos sa kaibigan. "DNA... buhok at laway lang naman ang kailangang makuha sa bata, hindi 'yun kumplikado."

Pinagdikit niya ang kanyang mga ngipin, gayundin ng kanyang mga labi, at muli siyang tumitig sa screen ng laptop. "Titingnan ko lang kung pa'no ako makakatulong sa paggaling ni Aeious, pero wala akong sasabihin kay Skylight."

"Brad, nagbibiro ka ba? Karapatan niyang malaman 'yon!" Halos pasigaw na pahayag ni Gian.

Marrying The Abandoned Bride ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon