PANG-18: Moral support

9.9K 300 8
                                    

Maagang dumating si Nimfa at kinuha si Aeious upang alagaan na naman maghapon. Pagkabigay niya sa bata, bumalik ulit si Skylight sa kwarto upang makapaghanda na ng mga isusuot. Pagkalapag niya ng damit sa kama, napabuntung-hininga siyang umupo sa tabi ng mga iyon. She just stared on the floor, not moving for a couple of seconds, then she sighed once more.

Hindi siya masyadong nakatulog dahil ginambala ang isip niya ng nangyari sa pagitan nila ni Dylan Eros nitong nagdaang gabi. Tandang-tanda niya kung paano dumikit ang labi nito sa kanya. It wasn't a kiss, tho. It didn't even last for ten seconds. Nagdikit lang talaga ang mga labi nila. Napakasimpleng bagay lang yung nangyari at kung tutuusin, hindi naman dapat binibigyang halaga at pansin, ngunit bakit hindi mapakali ang isip niya? What happened gave a great impact on her body.

Napalunok siya. Napapikit at muling huminga ng malalim. Pagdilat niya, kinuha niya ang kanyang cellphone mula sa ilalim ng kanyang unan at nag-scan sa Mukhang Libro app.

Troy Hantson posted 6 hours ago:

[My sincerest apology to the Golden University and my students. Forgive me. I didn't mean to offend anyone. I didn't mean to hurt anyone. I'm just a man who have been bewitched by this beautiful student. I'm so in love with her. I'm sorry, but it's true. I'm in a secret relationship with Skylight Ong. Now it has been revealed. I hope you would understand me.]

Nakatag ang post sa pangalan niya. Nabuhay ang tigre sa loob niya. She gripped her phone tightly as if she can break it with her mere hand. Nang ma-realize niyang hindi niya kaya iyon, humiyaw siya at itinapon sa dingding ang mamahaling smartphone.

Sa lakas ng imapact no'n, naihiwalay ang basag niyong screen nang dumapo iyon sa sahig.

Biglang bumukas ang pinto at mabilis na pumasok si Dylan Eros. Magulo pa ang buhok nito at pupungay-pungay pa ang mga mata.  "What? Ano'ng nangyari?" Nag-aalalang tanong nito. He looked at her with wonder, before slowly taking steps towards the broken phone.

Mabigat ang mga paghinga ni Skylight. Nanginginig rin siya sa galit. Sa halip na klaruhin ng Professor na walang katotohanan ang chismis, umamin pa ito ng hindi totoo. She's bursting in anger. Ramdam niya ang pag-init ng kanyang ulo.

"Sky..."

Naglie-low ang galit niya nang dumapo sa kanyang balikat ang kamay ni Dylan Eros. Tiningala niya ito. At nakita niya kung gaano ito nag-aalala sa kanya through his eyes.

"I'm sorry kung nagising kita." Pagpapaumanhin niya.

"Ah, hindi naman. Kanina pa 'ko gising, tinatamad lang akong bumangon." Tugon naman nito, bago itinuro yung nasirang cellphone. "Ano'ng nangyari? May problema ba?"

Kumisap-mata si Skylight habang nakatitig sa lalaki. Sasabihin ba niya? Sabihin man niya o hindi, wala rin naman itong magagawa upang siya ay matulungan bukod sa moral na suporta. But she has to admit that, even a mere moral support would be a big help.

"Tell me. How can I be of help?" Dahil sa tanong na iyon ng lalaki na tila ba akmang-akma sa nasa isip niya, nagsimula siyang magkwento at magpaliwanag.

*

After a few hours at the Golden University, nag-excuse si Skylight sa kasalukuyang klase niya at hinanap ang room kung saan nagka-klase si Mr. Hantson. She's desperate to talk to him. Kanina pa nangangati ang bunganga niyang makausap ito. Kanina pa rin nangangati ang mga kamao niyang sapakin ito sa mukha.

Sa H building, kung saan pawang mga Engineering students ang gumagamit siya nagawi. Naroon daw kasi ang hinahanap niyang Prof. Nakarating siya sa 3rd floor, at nakita na nga niya ito sa pangalawang classroom. She found him currently teaching Calculus to a class of 20-30 people.

Her appearance on the middle of the door immediately caught his attention. Saglit itong natigilan tsaka ito tumingin sa klase at nag-excuse. Ang mga estudyante naman nito ay tila-bagang mga bubuyog na nagsimula sa pag-chichismisan nang makita kung sino ang sumadya sa guro ng mga ito. She won't give a care, tho.

Ngising-ngisi ang gwapo ngunit walang kwentang Propesor nang makalapit ito sa kanya.  "Miss me, babe?" Mayabang nitong tanong, at sinadya pa yata nitong lakasan upang marinig ng mga naroong estudyante. Fvck you naman ang isinisigaw ng isip ni Skylight.

"Nakapag-isip-isip na ako, Mr. Hantson." Pag-uumpisang usal niya sa mahina at mahinhing tono, 'yun bang klase ng tono na pwede makapang-akit sa kahit na sino'ng kaharap niya.

"Well, sounds great. I hope your idea won't get me disappointed." Nakangising tugon nito. Umaasa yata talaga bibigyan ito ni Skylight ng positibong sagot.

She gasped an air as she flipped her thick and long black hair gracefully. Alam niya kung paano mang-seduce ng lalaki. Sad to say, the guy in front her wasn't lucky enough to be given that pleasurable kind of seduction. Maya-maya pa ay umawang ang bibig ni Skylight.

"Gusto kita, Sir." She said softly. Any guy who could have heard it might have gotten jealous of the Professor. Natulala maski si Mr. Hantson. Alam niyang hindi nito inaasahan sasabihin niya iyon. But then, her voice became a lullaby to his ears. Ngumiti ang guro, isang nagmamayabang na ngiti, at para bang gusto nitong sumigaw nung mga oras na iyon.

Skylight turned her head to her right when she noticed something. Kanina pa parang may nakasunod at nakatingin sa kanya. And she haven't felt it wrong. Meron nga! To her surprised, nasa tabi na pala niya si Dylan Eros.

Napansin din ito ng Professor kaya dagling nawala ang ngiti sa mukha nito. "Dos? Ano'ng ginagawa mo rito?" Nagtataka nitong tanong.

Nakita ni Skylight kung paano nagdilim ang mukha ni Dylan Eros, however, he maintained a cold facade which, she's sure, will make any woman's underwear to drop on its own, and make them say, "Damn! He's so cool." with thumbs ups. Mula ulo hanggang paa, malinis na malinis ito, at kung hindi lang niya ito kilala, iisipin niyang isa itong respetadong Kapitan ng barangay. Napa-trim ang buhok nito. Naka-white longsleeves na natupi hanggang siko. Pagdating nga lang sa pang-ibaba ay tattered black jeans at sneakers. Nakadagdag sa kapogian nito ang isang kamay nitong nakapamulsa. Nakasiksik ang kamay nito sa masikip nitong pantalon. So great!

She anticipated Dylan Eros' answer. Ano nga ba ang ginagawa nito dito? Hindi ba't nag-usap na sila kung paano siya nito matutulungan? Wala naman sa usapan nila na pupuntahan siya nito doon sa school. Ngayon, isa rin siya sa naghihintay sa sagot nito. What could it be? Nag-concentrate siya sa labi nito nang unti-unti iyong bumukas.

"Gusto rin kita." Sagot ni Dos habang nakatitig kay Mr. Hantson.

Nalaglag ang panga ni Skylight. Gusto rin niya si Mr. Hantson? She was perfectly stunned. Bakit naman nito nasabi SA ISANG LALAKI na gusto nito ito? Ano siya, bading?! Kinilabutan siya sa naisip. But that's just so impossible. Nahuli na nga niya ito minsan na nags-stroke ng sarili nitong alaga. Napakalaki nun para ㅡ para maging bading!

She's going crazy in her deepest thought when Dylan Eros turned his gaze on her, and then repeated what he said. "Gusto rin kita." Nakabuka pa ang kanyang bibig nang bumuka rin ng malaki ang kanyang mga mata. Oh, she thinks she's going to get insane. At bago pa man siya mabaliw ng tuluyan, napansin na niyang inalis ng lalaki ang pagkakatitig sa kanya at lumipat iyon sa ㅡ katulad niya, ay nakatulala ring ㅡ guro.

"Gusto kitang bigwasan!" Bigkas ni Dylan Eros bago dumapo ang kamao nito sa mukha ng gwapo ngunit tarantadong si Mr. Hantson. Bumulagta ito sa sahig.

Napatakip ng bibig si Skylight. Before she could say anything, nakuha na ni Dylan Eros ang kanyang kamay. Hinila siya nito, at patakbo silang bumaba ng building papunta sa langit ㅡ este ㅡ sa rooftop ng pinakamataas na building ng eskwelahan.

"Basagulero ka rin pala, 'no?" Hinihingal na tanong ni Skylight.

Hinarap siya ni Dylan Eros na kapwa niya naghahabol din ng hininga. "Slight lang." Sagot nito saka ito ngumiti ng malapad.

She froze eventhough she's smiling back. Kakaiba ang dating sa kanya ng ngiti nitong iyon.

Marrying The Abandoned Bride ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon