PANG-47: Kamao

8.4K 266 14
                                    

Lumipas na ang mahabang sandali subalit ramdam pa rin ni Skylight ang pagka-overwhelm nung mga oras na iyon. She's trying very hard not to fall really deep for Dos, ngunit paano niya mapipigilan ang pag-usbong ng kanyang damdamin kung panay ang pagpapakita nito ng mga magaganda at nakakakilig na bagay sa kanya? Para siyang lumutang sa alapaap. Ilang sandali rin siyang nawala sa konsentrasyon dahil masyadong na-invovled ang isip niya sa tungkol sa lalaki. Kung makikita lang sana niya ang sarili sa salamin nung nga sandaling iyon, siguradong matatakpan niya ang kanyang mukha. Her cheeks have turned cherry red under her light pink blush-on as she absentmindedly touched the tip of the diamond necklace she just put around her slim neck.

Suprised. Overwhelmed. Grateful. Ilan lamang ang mga iyon sa mga nararamdaman niya. Magkakahalong emosyon ang bumulabog sa kanyang lohikal na pag-iisip, hanggang sa narinig niyang muli ang pangalan niya mula sa host. Nahimasmasan siya at muling nag-focus sa kasalukuyan.

"A gigantic bouquet of white and pink roses with a box of Miss Stay's Milky Way! Oh, G! This is a luxury chocolate from Australia and one of the most expensive chocolates in the world! Na-shu-shookt ako!"

She didn't give a thing about the host's over reaction. Mas nakakagulat pa rin, para sa kanya, iyong diamond necklace mula sa mga Madrigal, kaysa sa isa sa mga pinakamahal na tsokolate sa mundo. Nang marinig niya ang Australia, alam na alam na niya kung kanino iyon nanggaling kaya hindi na siya nagtaka pa. At for sure, alam na din ng katabi niya because she heard her chuckled, maybe in insecurity or annoyance.

"These are from... Mr. Ulap?" Natawa ang host pagkatapos nitong mabasa ang pangalan ng sender. "From Mr. Ulap with Love." He flashed the small card to everyone. "Could it be a suitor, Miss Skylight?" Tanong nito habang iniaabot sa kanya ang bouquet at box ng chocolate. Ngumiti lang naman siya.

The host went to pick up another present. Isa na namang bouquet ng puting rosas at isang maliit na kahon ang pinulot nito. Mas maliit nga lang ang bouquet na iyon kaysa sa hawak ni Skylight. "Again, from the same sender, Mr. Ulap. But this time, these are for Miss Anne... Hmm... Na-i-intriga ako kay Mr. Ulap. Sino ba siya?"

Narinig ni Skylight na tumikhim ang kanilang Daddy. Hinuha niya ay hindi nito nagustuhan ang tungkol sa Mister Ulap na iyon.

"Oh my God!" Na-distract siya sa reaksyon ng host. Nang tingnan niya ito, ito ay napatakip ng bibig upang magpigil ng tawa. Not just him, but their visitors also laughed when Adrianne opened the gift box from Mr. Ulap. Ang laman niyon ay isang piraso ng Cloud Mine at hindi isang mamahaling tsokolate.

Kitang-kita niya ang mapait at napipilitang pag-ngiti ni Adrianne. Minumura na siguro nito si Cloud sa isip nito nung mga oras na iyon. She smirked and shook his head thinking of the man's silly actions. Though, she found it funny and interesting, hindi pa rin dapat ganoon ang nangyari. Kung sakaling magkikita sila ni Cloud in the future, sisiguraduhin niyang kukomprontahin niya ito tungkol sa ginawa nitong katarantaduhan.

She didn't take time to talk to her father or anyone in the party, dahil pagkatapos na pagkatapos niyang makuha ang regalo sa kanya ni Mr. Ong ㅡ which is a cheque of 100 Thousand Pesos ㅡ pasimple na siyang um-exit. She looked for a toilet and texted Dylan Eros as she was inside. Ayaw na niyang magtagal doon. She wants to go home. She wants to see her child. She also wants to hug Dos, and kiss him... and more.

Pakiramdam niya, tinatraydor na siya ng sarili niyang katawan, because suddenly, she just felt the unfamiliar wanting.

Suddenly, she just felt that she wanted him so bad.

Suddenly, she just felt that weird feeling on her lower body.
Her body was already surrendering. She wanted to know how good it feels to be with her love... actual, raw, and naked.

Her rational state of mind was still hesitant, however. Nag-aalala pa rin siya hanggat hindi pa sila kasal. Hanggat wala pa siyang pinanghahawakang katibayan. Hindi niya maiiwasang mag-alala. Naguguluhan na siya. Hindi rin niya malaman kung bakit ilang minuto na siya sa loob ng toilet ngunit wala pa ring reply si Dos.

Fine. Nag-desisyon siyang sa labas na lang ng function hall niya ito tatawagan dahil ayaw niyang madatnan pa siya ng kung sino roon. She slid her phone on her purse, at nagmadali na siyang lumabas.

The edges of her eyes became pointed in an instant just when she saw Adrianne's furious face on the hallway. Sa dami ba naman ng taong pwedeng makasalubong niya, bakit ito pa?

"Did you intentionally plan this Cloud Mine thing with that *sshole?!" Unang linya pa lang, tinaasan na siya nito ng boses. Hawak nito ang mumurahing tsokolate na regalo dito ng nagngangalang Mr. Ulap at kulang na lang ay ibato nito iyon sa kanya.

"Cloud isn't an *sshole." Pagtatanggol niya sa lalaking alam niyang naroon sa malayo.

"Yes he is!!... How dare you to insult me? Tingin mo palalampasin ni Daddy 'to? Kapag nahanap niya si Cloud, ipapamukha ko sa kanya kung sino'ng kinakalaban niya."

"Hindi ka niya kinakalaban." Mariin niyang tugon. Sinusubukan niyang huwag sumabay sa galit nito, dahil kapag hindi siya nakapagtimpi, soguradong magkakasakitan na naman sila.

Adrianne smirked. "Of course you're defending him 'cause you're allies. Ano? Ipinagmamalaki mo yung ibinigay niyang mamahaling chocolate na kung tutuusin e hindi naman talaga niya afford pero hindi ko alam kung saan siya kumuha ng pambili. Do you think I appreciate this gift? Hindi ko alam kung saang dumi galing 'to, eh, alam mo namang hindi ako kumakain ng marurumi." After speaking, ibinato na nga nito ang chocolate sa taas ng dibdib niya bago iyon dumapo sa sahig.

Skylight closed her eyes for a moment, just to keep her anger from bursting. Cloud have never been dirty nor into any dirt. Nung mga oras na iyon, naisip niya na kung magpapakita lamang si Cloud, kakainin ni Adrianne ang mga sinabi niya, at nakakasiguro siyang hihilingin nitong sana hindi na lang ito naging parte ng kanilang pamilya. Just wait until the right time... Just wait.

"Fine." Huminga siya ng malalim. "Kung ayaw mong tanggapin ang regalo niya, okay lang. Pero wag mo naman sanang maliitin si Cloud. Wherever he is right now, I know he's doing fine. Alam kong hindi siya gagawa ng marumi gaya ng iniisip mo ㅡ."

"Bitch."

Nakipagtitigan siya ng matalim sa babaeng kaharap. Adrianne seemed to be really furious at that time kaya medyo naintimidate siya. However, she managed to keep calm to avoid any commotions.

"Adrianne, hindi ko gustong kalabanin ka kaya sana, bawasan mo na ang pagiging insecure. Umalis na nga ako sa poder ni Daddy ㅡ."

"But you're still here! Nagpapapansin ka pa rin kay Daddy. At akala mo hindi ko napapansin na panay pa rin ang titig mo kay Kinn? Damn, it's obvious! Ginagamit mo lang yung anak ng Mayor para isipin ng lahat na nakamove-on ka na!... And that necklace..." Sumulyap ito sa suot niya. "That FAKE diamond necklace. Palabas lang 'yan, hindi ba? It's fake! IT'S ALL FAKE!" Mabilis ang kamay ni Adrianne sa paghablot sa suot niyang kuwintas kaya laking-gulat niya nang mahulog iyon sa sahig. Nabigla siya kaya hindi agad siya nakapag-react.

She was just quietly staring at the precious necklace on the floor when someone came to pick it up.

Nung una, sapatos lang nito na puting sneakers ang nakikita niya, then she moved her sight upward, hanggang sa magtama ang mga mata nila ni Dos.

Mula sa kanya, lumipat ang tingin ng lalaki sa babaeng nanggagalaiti sa galit at insekyuridad. Skylight noticed that he fisted the necklace hard as he walked closer to Adrianne. His face was as dark as the night and his eyes were filled with anger.

Napaatras si Adrianne, kalakip ang pagpapalit ng ekspresyon nito sa takot.

With a pinch of nervousness, Skylight carefully watched. Kinabahan siya nung itaas ni Dos ang kamao nitong may hawak sa kuwintas at malayang isinuntok iyon sa harapan nito.

Napasigaw si Adrianne nang tumama ng malakas ang kamaong iyon sa pader sa tabi lang ng kanyang ulo. Kitang-kita ni Skylight sa mukha nito ang takot, kaba at pagkabigla. Her step-sister was completely stunned.

"Kung hindi ka lang babae, basag na sana ang mukha mo." Iyon ang mga salitang narinig ni Skylight mula kay Dos bago niya napansin ang pagdapo naman ng kamao ni Kinn sa mukha nito.

Nanlaki ang mga mata niya.

Marrying The Abandoned Bride ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon