PANG-34: Pathetic

9.1K 261 16
                                    

Lumapag ang eroplanong sinasakyan ni Skylight mula Timog nang mas maaga kaysa sa inaasahan niya. She went on a five-day educational trip with her classmates and advisers, and she's somewhat tired from the seminars, tours, and some other activities they have attended that she just wanted to go home immediately, kiss her kid and take a good rest.

Pero kung kailan nagmamadali siya, dahil gustung-gusto na niyang makita si Aeious, at si Dylan Eros na rin, ay saka naman humarang ang kanyang Daddy at ilang mga tao nito. She was a bit surprised but she stood infront of him mouth-shut. Na-track marahil siya nito sa pinuntahan niyang trip o baka nagpakuha ito ng impormasyon sa kanilang unibersidad, kaya sa mismong airport na ito nag-abang sa kanya.

"Skylight..." Kumulo ang dugo niya nang sandaling tawagin siya nito sa kanyang pangalan. Pakiramdam kasi niya, wala itong karapatang tawagin siya sa kanyang pangalan na Mama niya ang nagbigay.

"Bumalik ka na sa bahay. Dun na kayo tumira ng apo ko." The old man sounded so sincere. Lihim na nagngitngit ang kanyang mga ngipin. Apo ko? Oh, why?, she wondered.

Bumalik sa memorya niya yung araw na dapat ay kasal niya, at kung paano siya itinakwil nito dahil isa siyang disgrasyada. That time, her situation was so dark and cold. Iniwan siya ni Kinn sa ere at tinalikuran siya ng sarili niyang ama. Wala nang mas lulungkot pa roon. It was very depressing that she ended up cursing them to the point that she had almost forgotten how she was related to them. Then the old man came to beg her? Ano'ng nakain nito at tila sinusuyo siya nito ngayon?

It was unbelievable and pathetic.

Tiim-bagang siyang tumitig sa matanda ng mahabang sandali bago siya tuluyang sumagot. "May tirahan ho kami." Tipid at maliwanag na pahayag niya.

"Sky, kung si Anne ang iniisip mo, pinalipat ko na siya ng bahay pagkatapos ko siyang ilabas sa kulungan. That kid is a bigger disappointment... Kaya sana, bigyan mo ako ng pagkakataong makasama kita at makilala ko ang apo ko ㅡ."

Mabilis siyang umiling. If she was a big disappointment, and her step-sister was a bigger disappointment, then ㅡ for her ㅡ, her father is the biggest disappointment. He is so very unimaginable. Right then, na-gets na niya na may kumpetisyon talaga sa pagitan nila ni Adrianne at ama nilang mismo ang promoter o organizer, at kung sino man ang manaig, siyang pipiliin nito. What a shame!

"Hindi ko iiwan ang apartment ko... My place is where my family is." Saad niya saka na niya taas-noong nilagpasan ang kanyang natigagal na Daddy. She's thinking of her son, and she's also thinking about Dylan Eros. Tama, itinuturing na niyang pamilya si Dos, kaya bakit niya ito iiwan? Hindi niya ito ipagpapalit sa totoong pamilyang tumalikod sa kanya.

"You have to leave that Madrigal guy, Skylight." Pahabol sa kanya ng matanda. Kusang pumreno ang mga paa niya ngunit hindi siya nag-aksaya ng oras upang lumingon. Alam naman niyang non-sense ang idaragdag pa nito.

But she's wrong.

"I'm going to compete with Vice Mayor Madrigal in the near National Elections. Magkakaproblema ang mga pamilya natin kapag nagpatuloy ang relasyon niyo ng lalaking yon."

Mabilis rin niya itong nilingon. "You're kidding, right?" Her jaw clenched. Businessman ito at ni minsan hindi pa ito pumasok sa politiko, ni hindi pa nga nito nararanasang maging Barangay Kagawad, tapos susubukan nitong maging Mayor? Napailing siya.

"Hindi ako nagbibiro. Sumuko na si Mr. Dela Guardia sa pakikipag-agawan ng Mayor's seat kaya ako ang napili ng partido nila. Every businessman in this city knows me very well, so I'm confident to play the game. Very soon, I'm going to file my COC."

"You're not going to win." Sabi niya.

"How sad to know that my own daughter is underestimating me. But don't worry, I have a big chance, I know... Kaya makipaghiwalay ka na sa kinakasama mo. Don't wait for it to be a swelling issue between your families."

Marrying The Abandoned Bride ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon