PANG-21: First real kiss

10.6K 326 16
                                    

Natahimik si Dylan Eros habang rumerehistro sa utak niya ang sinabi ni Skylight. Kabilang siya sa mga bagay na ikukunsidera nito sakaling makilala nito ang ama ng anak nito. Unting-unti iyong naging malinaw sa kanyang isipan. Pinigilan niyang mapangiti nang maramdamang parang nakiliti siya sa dibdib. She made him thrilled, and it made him proud of himself. Nabawasan ang pangamba niya dahil kahit papa'no, may halaga naman pala siya rito.

"Yung... video scandal nga pala nina Sir Troy at Elizabeth?..." Pag-iiba ng babae sa usapan. Nag-angat siya ng tingin dito dahilan upang mapagmasdan na naman niya ang maamo nitong mukha. Magkaharap lang naman sila sa table habang umiinom ng beer kaya nasa eksaktong anggulo siya upang hindi mawalay sa kanyang tingin ang nakakaakit na mukhang iyon. 

"Bakit?" Kaswal na tanong niya.

"Curious lang ako kung sino'ng nagpakalat nun." Tugon nito. "May kinalaman ka ba?"

"Magagalit ka ba kapag sinabi kong oo, may kinalaman ako." Sagot niya. Saglit siyang tinitigan ng babae bago ito tumingin sa ibang direksyon at ngumiti. Nagsimula na naman tuloy ang puso niya sa pagtibok-tibok. Nababahala na siya sa epekto sa kanya ng mga ngiti nito. Baka hindi siya makapagtimpi at sunggaban na lang niya ito nang wala sa oras.

"Bakit ako magagalit?..." Nakangiti nitong tanong. "Ang cool mo nga, eh. Useful ka rin pala paminsan-minsan."

"Useful?" Napangisi siya. "Skylight, hindi ako bagay. Wag mo 'kong gamitin." Kunwari'y walang biro niyang saad. But deep inside him, tila gusto na niyang mamatay sa kilig. Sige lang, gamitin mo pa ako.

"Ano'ng hindi bagay? ㅡ."

"Yung pagkakasabi mo kasi parang isa lang akong gamit. Ginagamit mo lang yata ㅡ"

"ㅡ bagay kaya tayo."

Nagsasalita pa siya nang bigla siyang mapatigil. "Ano?" He lowered his voice as he gazed at her with anticipation. Bagay ㅡ Bagay tayo? Naguluhan siya kung tama ba ang pagkakarinig niya. Gayunpaman, nagpaulit-ulit ang mga salitang iyon sa kanyang utak, at ang boses ni Skylight na palagay niya'y makakapagpaamo ng kahit na sino'ng makulit na matsing.

"Wala." She casually replied, smiling.

Dylan Eros became slightly frustrated. But the smiling woman motivated his insides to be hyperactive ㅡ his heart, and most especially, the thing that he's hiding beneath his pants. Hindi niya mapigilan ang pag-usbong ng init mula sa loob ng katawan niya. He wants her. He wants to pin her over the bed, or on the wall ㅡ wherever. But the thing is, ... gusto kaya nito? Yun lang. Makuntento siya sa pagpapantasya, dahil kahit ano'ng pagwawala ng alaga niyang nagtatago, pipigilan at pipigilan niya ang sariling pwersahin ang babae.

"Sayaw na lang tayo." Yaya niya rito. Napansin kasi niya dumarami na ang mga tao sa dance floor na umiindayog sa tugtog ng DJ. Hindi siya nagdalawang-isip na ayain ito dahil tingin niya nasa maganda naman itong mood. Sumang-ayon nga ito sa pagpunta nila sa lugar na iyon kaya bakit ito tatanggi sa pagsayaw?

"Ayoko." Sagot ng babae. Agad na nadismaya ang loob niya.

"Uupo ka lang ba rito at iinom?" Tanong niya.

"Oo. Pero hindi rin ako magpapakalasing."

"Halika na, sayaw tayo." Pagpupumilit niya. Aba't naroon na sila sa club. Hindi pwedeng hindi niya ito makasayaw kahit minsan lang.

"Hindi ako marunong." Muli nitong sagot. Napasinghal siya.

"Tuturuan kita."

"Ayoko pa rin. Ikaw na lang." Mariing pagtanggi ng babae.

Looking at her no-joke facial expression, alam ni Dos na hindi niya ito mapipilit. Wala siyang magagawa. Gusto niyang ilabas ang init na nararamdaman niya. Hindi naman siya pwedeng basta na lang magpalabas doon gamit ang kanyang kamay kaya pagsasayaw na lang ang naisip niyang paraan.

Marrying The Abandoned Bride ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon