PANG-33: Hug

9.4K 281 25
                                    

Natuliro ng wala sa oras si Skylight. Tila may malaking bagay na bumara sa lalamunan niya kaya hindi agad siya nakaimik. Narinig ba niya? It's so obvious with that mix of anger and sadness look in his eyes. She thought, for the first time, she cared about Dylan Eros' feelings, and she felt the guilt. Ngunit hindi iyon first time. She'd always cared for him. Hindi lang niya alam kung kailan pa iyon nagsimula ㅡ siguro noon pang mga bata sila, o noong nalaman niyang magkaibigan na sila noon pa. She doesn't want to hurt his feelings, wether it's intended or not. She would always care about it ㅡ about him.

That's why when their eyes met, she suddenly felt the urge to explain and say that she's sorry. Pero bakit? Naisip niyang bakit niya gagawin 'yon? Do they have that kind of REALationship? Paiiralin na lang niya ang pride niya, dahil, sino'ng makakapagsabi kung tama ang interpretasyon niya o masyado lang siyang assuming? Paano kung ganun lang talaga ang bumungad sa kanyang facial expression ni Dos? As long as he won't question it, iisipin na lang niyang wala lang iyon dito.

She calmed her inner senses down and acted as if nothing happened. "Let's go." Kaswal na saad niya. Nanatili itong nakatingin sa kanya nang hindi nagbabago ang ekspresyon, at hindi ito umimik. She avoided his gaze and started moving on the space on his side. Magtutuloy na sana siya sa paglalakad nang mapansin niyang papasok si Dos sa loob ng kwartong pinanggalingan niya.

"Huy!" Hinawakan niya ito sa braso. Bahagya pa siyang nagulat at napahanga sa kung gaano iyon ka-hubog. Napaisip tuloy siya kung nagpupunta ba ito sa gym o ano. But then, she erased the thought when he looked at her. "Tara na. Uwi na tayo." Mariin niyang bigkas. Tumango naman ito.

Nagsabay na sila sa paglalakad, ngunit hindi pa sila nakakapitong hakbang nang tumigil si Dos at umikot. Skylight stopped and followed him with his eyes, wondering. "Walang dahilan para pumasok ka pa do'n." Pagsesermon niya dahil buong akala niya pupuntahan nito ang ex niya sa loob ng hospital room nang ito ay nagsimulang maglakad. Pero nilagpasan nito ang pinto at dumiretso sa bench kung saan ito umupo kanina.

May pinulot ito sa upuan at itinaas nito iyon upang ipakita sa kanya. Cellphone. Napahinga ng maluwag si Skylight at napairap ng hindi niya sinasadya. Ulyanin! She turned around and continued walking, followed by Dylan Eros.

Wala na naman silang imikan nung makasakay na sila sa SUV. Dos drove and she sat on the passenger's. Ilang beses siyang bumuntung-hininga habang binabaybay nila ang daan pabalik sa bahay ng mga Madrigal. When they were halfway there, she finally decided to break the silence.

"Ulyanin ka pala." Wala siyang ibang maisip na pwedeng sabihin. But, at least, she had opened a topic. Kaysa naman tuluyang maging awkward ang kanilang sitwasyon. Parang ang tagal na nilang magkasama, parang ang tagal na nilang magkakilala, pero hindi niya maiwasang tanungin sa kanyang sarili kung bakit parang wala pa ring progreso ang kanilang relasyon. There's always the awkwardness, na panira lagi ng moment.

"Ginagamit mo lang pala talaga ako." And then, again, the awkwardness. Nasamid siya ng sarili niyang laway. Akala niya, ang pag-o-open ng bagay na malayo sa mga salitang binitawan niya sa harap ni Kinn tungkol sa relasyon niya kay Dos, ay magsasalba sa hindi kumportableng hangin na namamagitan sa kanilang dalawa ng huli sa loob ng sasakyan nung mga sandaling iyon. But she's wrong. It's as if she was caught red-handed, she was cornered and there's no way out.

Sumulyap siya sa lalaki just to find out na naka-focus ito sa daan at seryosong-seryoso ang mukha. She absentmindedly cleared her throat. "I didn't mean to... that... it's not really..." Oh, God, she stammered, bagay na hindi normal na nangyayari sa kanya. She can talk professionally and confidently even in the middle of panel interrogation during thesis defense. Ngunit bakit iyon nangyayari sa kanya sa harap ni Dos? Si Dos lang naman ito, bakit tensyonado siya?

"Okay lang." Sabi ng lalaki. Agad siyang napatingin dito, at hindi na niya naalis ang kanyang titig. "Kung kasingganda mo naman, kasing-sexy mo, oo, lahat maganda sa'yo, willing akong magpagamit. Laspagin mo ako, hanggat gusto mo..." Tapos tumingin na rin ito sa kanya, and with a dashing smile he said, "Sa'yong-sa'yo ako, Skylight."

She was pretty much stunned. Bahagyang lumaki ang mga mata niya habang hindi makapaniwalang nakatitig sa mukha ni Dos dahil sa mga sinabi nito. Pilit niyang inintindi ang mga sinabi nito, but she was confused. Willing magpagamit? Laspagin? Ibang bagay yata ang tinutukoy nito? O siya lang iyong may mataba at berdeng utak?

Lalong nagsalubong ang kilay niya nang ngumisi ang lalaki. She's so slow, she thought.

Excited si Dos. Makikita na niyang muli ang babaeng gusto niya. It's been five days since she last saw her, and he missed her so bad.

Skylight went on an educational trip to the South kaya hindi sila nagkasama ng ilang araw. Kaya naman nung matanggap niya ang text nitong nakalapag na ang eroplanong lulan nito, dali-dali siyang umuwi sa apartment nito mula sa Autoshop. Dapat sana ay maghapon siyang tatao sa shop bilang Manager dahil wala si Gian at hindi niya alam kung saang lupalop ito nagpunta ngunit dahil nga excited na siyang makita ang kanyang iniirog, ipinasa na lang niya ang pagbabantay sa isa sa mga mapagkakatiwalaan niyang empleyado.

Using Skylight's SUV, he drove back to her house. Uunahan niya itong makarating doon. May mga naiwan siyang hindi nahugasang pinggan, baso at mga kutsara sa lababo, kaya dapat malinis na niya iyon bago pa man ito dumating. He drove the car in a faster speed but he realized he still arrived late just when he parked it few meters away from her apartment.

Gayunpaman, napangiti na rin siya nang makita ang likod ng babaeng nakatayo sa tapat ng hagdan  patungo sa apartment. She was in a floral dress and her hair was tied in a pony tail ㅡ something that is new to his sight. Mukhang hinihintay niya ako. Halos mapahagikgik siya na parang babaeng kinikilig habang iniisip iyon.

He went out of the car with all smiles. Plano niyang gulatin ito at isurpresa kaya nagdahan-dahan siyang lumapit sa likuran nito. He managed not to make any noises until he have finally reached her.

He surprised her with a hug from behind.

"Na-miss kita." Sinserong bulong niya habang sinusulit ang pambabaeng amoy nito. He even closed his eyes to indulged more into the warm feeling. Napansin niyang nagbago yata ito ng gamit na perfume, pero hindi na niya iyon masyadong binigyan ng pansin. Totoong na-miss niya lang ito kaya kahit hindi nito gustong payakap sa kanya, ay ginawa pa rin niya. He just missed her so much.

"Dos?!" A man's voice suddenly interrupted him, causing him to open his eyes.

Pagbukas niya ng mga mata, nakita niya si Gian sa harapan, nanlalaki ang mga mata at mukhang labis na nagulat. Bumaling ang tingin niya sa tapat ni Gian kung saan naka-park ang isang itim na Mercedes na kanina, bago niya niyakap, ay wala pa iyon doon.

Beside the luxury car was a woman standing in black t-shirt, tight jeans and sneakers, staring blankly at him. It's the girl he's been longing for. It's the girl he's been missing. It's the girl he had supposed to hug.

Napabitaw siyang bigla sa babaeng yakap-yakap niya. Hindi ito si Skylight!

Marrying The Abandoned Bride ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon