PANG-28: Sparks

9.7K 301 15
                                    

"Ano'ng kaso mo?" Tanong ng isa sa mga kapwa niya detainees. Ngumunguya ito ng chicharon na galing sa bisita nito noong nagdaang-araw. Pangatlong araw na ni Skylight sa selda at kahit papano ay naging kumportable na rin ang loob niya roon.

"Nangchap-chap ka ng aso 'no?" Mausisang tanong ng isa pang nakikikain ng chicharon.

"O nakabundol ka ng pusa sa National Hi-way?" Kuro-kuro naman ng chismosang amasona na nakadukwang mula sa itaas na kama.

"Ay alam ko!" Bumungisngis ang pang-apat na babae. "Nagnakaw ka ng pagkain ng baboy sa kapitbahay niyo!" Matinis nitong pahayag.

"Ay nakaka-hurt ka, manang!" Singit ng matabang ngumunguya ng chicharon.

"Tange! Nagnakaw 'yan ng poster ng KPop sa korean restaurant. Tingnan mo nga ang itsura o, kumu-korean. Nagpa-gluta drip ka para ma-achieve mo ang kaputian ng kpop idol mo 'no, pustahan tayo?" Maangas namang paratang ng huling babae.

Well... ngumiti lang siya ng pilit. Hindi kasi niya gets ang sinasabi ng mga ito dahil puro mga walang kwentang haka-haka. Noon lang siya nakipag-usap sa mga ito mula nang maipasok siya roon. Hindi dahil sa nag-iinarte siya o takot sa mga inmates, noong araw na iyon lang talaga siya nagkaroon ng mood para makipaghalubilo sa mga ito. Yun nga lang, napagtanto niyang mahirap pala. Naisip niyang kaya siguro wala siyang kaibigan dahil hindi siya marunong sumakay sa mga pang-kalog na usapan.

Kay Dylan Eros lang talaga siya nakakapag-adjust.

"Skylight Ong, may gustong kumausap sa'yo."

Tumingin siya sa labas kung saan nakatayo ang babaeng jail guard. Kasalukuyan siyang nakaupo sa ibabang katre ng double-decked bed at kaharap ang kasama niyang mga babaeng detainees. Mabilis siyang tumayo nang mabuksan na ng jail guard ang rehas na pintuan. Ini-lock nitong muli iyon nang makalabas siya. Sumunod siya sa paglakad hanggang sa makarating sila sa visitor's area.

Akala niya si Dylan Eros iyon, o ang kanyang lawyer kaya na-excite siya ng kaunti. Ngunit nawala ang kanyang galak nang tuluyan na niyang malaman kung sino iyong dumalaw. Naging malamig ang kanyang facial expression nang magkaharap na sila ni Kinn.

Umupo siya sa harap nito. Bakanteng mesa ang pagitan nila. Ibinulsa niya ang kanan niyang kamay sa kulay orange niyang pantalon at inihanda ang kanyang pandepensa. Tuwid na tuwid ang kanyang likod, ang mga mata niya ay walang anumang emosyon at nakataas ang kanyang mukha. Di nagtagal ay ipinatong na rin niya ang kanyang mga kamay sa table.

"I thought you're still recovering. What made you come here?" Tanong niya sa lalaki. Walang pagkabigla o pagtataka sa kanyang tono, wala ring pag-aalala, at mas lalong walang pait o galit. Ang meron lang niyon, ay nagyeyelong lamig.

Huminga ng malalim ang kaharap niya at matuwid ding umupo. "Gusto kong makipag-areglo." Straightforward nitong sagot.

"Areglo?" Pumilig ng bahagya ang kanyang ulo at ngumisi din siya ng bahagya. "Ako dapat ang nagsasabi niyan, di ba? Ako ang akusado... Unless, you're acknowledging that what happened isn't my fault... at all." Wika niya. Kilala niya ito. Batid niyang, kahapon, habang kinukwestiyon ito sa trial, umaarte lamang itong masama pa rin ang pakiramdam. She didn't get it why he had to act like that. Hindi na nga siguro niya dapat ito pagkatiwalaan pa.

"Skylight... I'm sorry. ㅡ"

"You're sorry? For what?..." Siya na itong napabuga ng hangin. "Alam mo, di ba?... Malinaw talaga sa isip mo, pero hindi mo sinabi ang totoo. You acted like you can't remember clearly para pagtakpan si Adrianne."

"Sky, I'm here to give you a choice." Sabi nito sa marahang pamamaraan, na para bang nakikipag-usap ito sa isang bata. Awtomatikong naningkit ang mga mata ni Skylight. "Sa final trial, uupo ulit ako sa harap ng courtroom at sasabihin ko na ang totoo. That it's not you who pushed me but Adrianne, and what happened after that was totally an accident. Makakalabas ka na rito bukas na bukas din. Makakasama mo na ang anak mo ㅡ."

Marrying The Abandoned Bride ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon