PANG-60: Who's the father?

10.2K 294 43
                                    

Para kay Scxiaylle. Thank you sa pagiging supporter. 😊😘😘

~IBetYouKnowMe

===============
===============

CHAPTER 60

Ang lamig. Wala pa siya sa Canada ngunit nanginginig na siya sa lamig. Napapahalukipkip siya at napapabaluktot dahil parang nagyeyelo ang paligid niya. Badtrip. Pakiramdam niya nasa North Pole siya nung mga oras na iyon.

"Aargh... ba't ka ba siksik ng siksik?" mahinang pagrereklamo ng babaeng katabi niya. Dahil sa lamig kaya lang naman siya napapasiksik rito. Hindi man lang kasi siya pinabaunan ng jacket ng kanyang Mama. At iyon namang eroplanong sinakyan nila, parang Antarctica ang lamig, naka-set yata sa 1° degree and thermostat niyon. His thin airline blanket wasn't enough to cover his body from coldness.

"Malamig e." Aniya, sabay upo ng maayos. Iniyakap na lang niya ng mas mahigpit ang kumot na nakabalot sa katawan niya.

"Ba't kasi wala kang jacket?" Tanong ni Skylight. Nang-aasar pa yata ito.

Napanganga siya, saka siya tumawa ng sarkastiko. "Kung sinabi mo lang sana ng mas maaga ang plano mo, nakapag-ready sana ako di ba?..." Iniksik niya ang sarili sa upuan baka-sakaling mapawi ang lamig. "Pvta, ang lamig." Mahina niyang pagmumura, tsaka siya napasulyap kay Aeious. Balot na balot ito ng makapal na baby blanket at ang sarap ng tulog. Buti pa siya.

"Tiisin mo na lang." Ani Skylight. "Wag kang sumiksik dito kasi maiipit si Aeious."

He just closed his eyes. Titiisin talaga niya kahit pa manigas siya sa lamig, kung nasa tabi lang din naman niya si Skylight at ang kanyang anak. Magtitiis siya. Hindi kayang talunin ng artipisyal na lamig ng aircon ang tuwang nararamdaman niya noong mga oras na iyon. Hindi man halata, ngunit walang mapaglagyan ang saya niya.

Di nagtagal ay nakatulugan na rin niya ang sobrang lamig. Paggising niya, saktong papalapag na sa airport ng Vancouver ang eroplano.

"Teka, magsi-CR lang ako." Paalam niya nang palabas na sila mula sa terminal. Buong flight siyang nagtiis ng ihi dahil hindi niya kinayang tumayo dulot ng lamig. Almost 15 hours din niyang tiniis ang ihi niya. Pvta! Namimilipit ang pantog niyang tumakbo at naghanap ng public toilet.

Tatlong minuto siyang nagtagal sa loob ng men's room. Magaan na ang pakiramdam niya paglabas niya kaya't nakapaglakad na rin siya ng maayos pabalik sa lugar kung saan niya iniwan sina Skylight. Pangiti-ngiti na rin siya nung mga sandaling iyon dahil, finally, masosolo na niya ang babaeng mahal niya at ang kanyang anak. Hindi niya alam kung ano'ng mangyayari sa kanila sa Vancouver, but he's hoping for the best. Timing na lang ang kailangan niya upang sabihin sa babae ang dapat nitong malaman.

Malapit na siya sa mag-ina nang makita niya ang mabilis na paglapit ng isang lalaki kay Skylight, at wala anu-ano'y yumakap ang estranghero sa huli. Nabigla yata ang babae kaya hindi ito nakapagprotesta agad, but after a couple of seconds, nagpumiglas ito sa mga bisig na kumulong dito. Ngunit nagmatigas ang estranghero, hindi nito pinakawalan si Skylight.

Kaya naman hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Dos. He approached them quickly, grabbed the strange man's arm, then he punched that stranged face, kasabay ng pagsigaw ni Skylight. Sa lakas ng pagkakasuntok niya rito ay napaupo ito sa sahig.

"Okay ka lang?" Hinarap niya si Skylight na noo'y nakatulala sa pagkabigla. Nakatingin ito ng may pag-aalala sa lalaking nasa sahig, kung hindi siya nagkakamali ng interpretasyon.

"Bakit mo siya sinuntok?!" Tanong nito nang siguro ito ay mahimasmasan mula sa pagkabigla. Nagsalubong ang mga kilay ni Dos. Hindi ba dapat nagpapasalamat ang babae? Hinarass ito nung lalaking 'yon! Ang malala pa ay nilapitan pa nito ang lalaking 'yon at tinulungan tumayo. "I'm sorry... are you okay?" Concerned nitong tanong.

Marrying The Abandoned Bride ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon