PANG-19: Intimate moves

10K 307 19
                                    

"Ikaw?" Naningkit ang mga mata ng kaharap nilang maganda at sopistikadang babae. Maayos na maayos ang pagkakahulma ng katawan nito mula ulo hanggang paa. This woman also moves like a reputable queen. Her 5'7 height plus her 4 inches shoes, made Skylight feel really small. Ano'ng laban ng magiging 5'4 niya at ng suot niyang ballerina shoes? Nanliit siya at bahagyang nainsecure sa babae.

Ito si Charmille Marquez Hantson. Asawa ng manyak na Professor niya. Sinadya siyang dalhin ni Dylan Eros sa bahay nito at ni Mr. Hantson upang makapag-usap-usap sila at ma-settle na ang issue.

Sa itsura ng pagkakatitig nito sa kanya, alam niyang nakilala agad siya nito at alam niyang may galit ito sa kanya, dahil dun sa fake news na malamang nakarating na rin dito.

"Char, cool down. Hindi siya ang kaaway mo." Dylan Eros quickly informed. Buti naman. Baka kasi biglang hilahin pa ng babae ang buhok ni Skylight.

"Hindi ba't siya yung babaeng kasama ni Troy dun sa pictures? Siya yung babae niya. Skylight Ong? Hindi ba ikaw 'yon?" Sunud-sunod na tanong nga babae. Lumalaki ang mga mata nito at parang leon na nakahanda nang dumamba.

"Yeah, but ㅡ."

"Ang kapal ng mukha mong magpakita rito!" Sigaw ng matangkad na babae. She pointed a finger on her.

"Teka ㅡ Char, we're here to explain. We're ㅡ."

"Shut up, Dos! Kinausap ka ba ni Troy para tulungan siyang pagtakpan ang mga kalokohan niya?"

"Hindi. Nandito ako para isiwalat ang mga katarantaduhan niya."

"Liar. You're his friend? Why would you do that?"

"Can't a friend do that? And for the sake of your fvcking mouth with no brakes, Charmille, I already unfriended your fvcking fvcker husband."

Skylight's expression turned in awe. Kaninang tanghali, nasurpresa siya sa pagsuntok ni Dylan Eros sa kanyang Propesor, ngayon naman ay nagsalita ito na parang ibang tao ito. Nagmistula itong boss. Hindi. Parang isang kapita-pitagang boss na may mga kaibigang tambay sa kanto ng Apple street. Tahimik man siya, hindi niya maililihim sa kanyang sarili na pinapahanga siya nito.

"Tell me what are you doing here..." Bumaba ang tono ni Charmille at umamo ang mukha nito. "Explain." Dagdag nitong wika.

Niyaya sila nitong umupo sa living room upang sila ay makapag-usap ng mas maayos. Sinimulang ipaliwanag ni Skylight ang pagkakaframe-up sa kanya ni Mr. Hantson, at isa-isa namang idinetalye ni Dylan Eros ang mga impormasyong nasagap nito at ni Gian tungkol sa dati nilang tropa. He informed Charmille about Queen Elizabeth Baldimore and the woman's pregnancy where Troy is actually responsible.

"Queen Elizabeth is my step-sister's friend. No wonder, nadamay ang pangalan ko sa gulo." Wika ni Skylight habang naglalakad sila palabas ng subdivision kung saan nakatira sina Charmille. They left the woman crying miserably. Hindi na nga ito magkaanak, niloloko pa ito ng asawa nito. What a life! But she praised her when she said that she'll going to leave her husband. Skylight's mind agreed on that idea. Kung ayaw na sa iyo ng isang tao, wag mo nang ipagpilitan ang sarili mo. One day, you'll find greater love. A kind of love that you deserve. Yun din ang pinanghahawakan niya kaya hindi na niya ipinagsisiksikan ang sarili niya sa kanyang Daddy at sa bahay nito.

"Ano'ng kinalaman ng step-sister mo sa nangyari?" Tanong ni Dylan Eros. Magkatapat silang naglalakad, at ang kamay nito'y tumatapik sa kamay ni Skylight.

Hindi niya alam kung namamalayan iyon ng binata o hindi, o baka sinasadya talaga nito, ngunit wala naman siyang balak na sirain ang sandali. She's actually enjoying that little moment, anyway. Para bang nakaka-awkward, but at the same time, it soothes her soul.

Marrying The Abandoned Bride ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon