Pang-huli: Sukob

10K 301 36
                                    

"Haaaah!" Nagulo ni Dos ang kanyang buhok. Malapit na siya sa front door ng bahay na tinitirhan nila nina Skylight nang maalala niya ang misyong kailangan niyang tapusin. Napatigil siya roon, napayuko, at nag-isip kung paano ba siya makakadiskarte.

Dalawang beses nang naunsiyame ang pag-pro-propose niya ng kasal kay Skylight. Una ay nung graduation nito. Nakapag-tanong na sana siya kaya nga lang ay umagaw-eksena ang kambal nitong si Cloud. Ang sumunod ay tatlong araw pagkatapos nilang malaman na buntis ito. He's already one hundred percent prepared, ngunit bago pa man niya maisakatuparan ang plano, nakiusap sa kanya ang babae na tulungan siya nitong mag-organize ng surprise birthday party para kay Cloud. Again, si Cloud na naman ang dahilan kaya hindi na naman natuloy ang kanyang proposal.

Badtrip na badtrip siya. Simula nang makilala niya si Cloud, pakiramdam niya nagkaroon na siya ng kahati sa atensyon ni Skylight. Kung hindi lang siguro kapatid ng mahal niya ang lalaking 'yon, malamang matagal na niya itong nabatukan.

He sighed comfortlessly, taking his thought about Cloud away. Pumasok na siya sa loob ng bahay na siya ring tinitirhan ni Cloud sa tuwing umuuwi ito. Diretso siya sa kwarto nila ni Skylight dahil tahimik sa sala, malamang nagkukulong ang babae sa kwarto. Iyon naman ang madalas nitong gawin simula nang maglihi ito, ang humilata maghapon. Ang anak nilang si Aeious ay wala nung araw na iyon dahil hiniram ng Mama niya.

Binuksan niya ang pinto ng bedroom at dahan-dahan iyong itinulak sa takot na baka magising ng babae sakaling natutulog man ito. Sensitive kasi ito sa kahit na maliit lang na ingay. He was expecting na nakahiga sa kama ang babae, ngunit maayos ang bedsheet at wala ito roon, sa halip ay nakaupo ito sa computer table at nakaharap sa screen ng laptop. Nang mapansin siya nito ay bigla nitong tinupi iyon.

"Ano 'yan?" Malumanay na tanong niya habang nilalapitan niya ito.

Umiling naman ito habang nakangiti ng alanganin. "What the hㅡ?", he thought. He found her so weird that moment. Ano namang kaya'ng itinatago nito sa laptop na 'yun? Was she chatting with someone just before he entered? With another man? Hmm... "Hindi, hindi.", aniya sa sarili. Skylight is not the kind of woman to cheat, naniniwala siya roon.

O baka naman ㅡ nanlaki ang mga mata niya at natutop rin niya ang kanyang bibig. "You ㅡ Ar-Are you watching porn?!" Medyo napalakas niya ang boses niya. Posible ang haka-hakang 'yon. Simula kasi nang malaman niyang buntis ito, hindi na niya ito ginagalaw dahil natatakot siyang baka kung mapano ang baby sa sinapupunan nito. Di kaya naho-horny ito ngunit nahihiya itong magsabi sa kanya o magpakita ng motibo kaya idinadaan na lang nito sa panonood ng porn?

"Of course not!" Malakas na sagot nito at napatayo pa. Defensive.

"Can't you recognize your laptop?" Umupo na rin itong muli at nagsalita na sa normal na boses. "I invaded your privacy, just so you know." Doon lang niya napagtantong laptop nga niya iyong gamit nito. Pareho kasi ng kulay at laki ang mga laptops nila, sa brand lang nagkakaiba.

He breathe out a sigh of relief. Akala talaga niya nanunuod na ito ng porn e. Anyway, kung anuman 'yon, hahayaan na lang niya at papalagpasin para iwas gulo.

"Nga pala, may sasabihin sana ako." Seryoso na ang kanyang boses. Tumikhim siya tapos kabadong umupo sa dulo ng kama kung saan pinakamalapit sa babae. Lumingon sa kanya ang huli nang may maaliwalas na mukha. God, she's blooming!, he thought. Di kaya babae ang magiging second baby nila? Ahhhh... bigla siyang na-excite habang iniisip 'yon. Kung babae man, siguradong magiging kasingganda iyon ni Skylight. Hindi na siya makapaghintay.

Back to the current, huminga muna siya ng malalim at saka niya pinagmasdan ang mukha ng babaeng matiyagang naghihintay sa sasabihin niya. She smiled. Sapat na ang ngiting iyon para magkaroon siya ng lakas ng loob. "Pakasal na ㅡ."

Marrying The Abandoned Bride ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon